What you don’t know…
I was trying to write my list of favorite college anecdotes when I was suddenly beset with memories from the times I worked in a fast food chain. I never gave it much thought before, and it is only now as I recount all that happened then that I realize how much maturity I gained from those experiences.
To this day, I still hold that being a working student is an opportunity that college studes shouldn’t let pass. If you think about it, all of us must have gone to fast foods hundreds of times, but how many actually know how it feels to be inside that kitchen or behind that counter: taking orders, cleaning tables, mopping and sweeping floors, running, bumping, and hustling for that last sandwich on the warmer or the last batch of fries, flipping burgers, frying chicken…? Balancing school responsibilities and a bodily taxing job inculcates in a person a certain kind of discipline that not even the best professors would be able to teach. It instills in one the value of humility and of patience. In that kind of working environment, one learns what physically tough work is like and understands how it is to deal with equals and superiors.
Hence, I am (happily) putting off writing my Nung college pa ako – Part 2 entry for my JOLLIBEE reminiscences. Below are some stuff you might not know about the young man/woman clearing your table or warmly greeting you with “May I take your order?” and what actually goes on behind that cash register and kitchen fryer.
- You think it is a breeze applying for part-time work as service crew? It is not. In Jollibee, it takes two interviews and a dizzying situational, grammar, and Math exam before you finally get accepted and assigned a role in the team. Kay saya saya ko naman noon dahil sa Counter ako napunta.
- Bago magsimula ay binigyan kami ng two weeks para kuhanin ang katakot-takot na pre-employment requirements: SSS, Health Certificate (na kelangan mo pa pumunta ng City Hall, magpa-feces at sputum exam at umattend ng Sex Education seminar bago mo makuha), Mayor’s Permit, NBI…susko, hindi pa man ako sumusweldo ay ubos na ang pera ko sa kadaming mga requirements na ito.
- 1997 ng mag-trabaho ako sa Jollibee Philcoa. Ang uniform pa noon ay off-white na polo na may naka-print na maliliit na “Jollibee” all over. Plus blue navy blue ball cap at blue pants. Buti nga ngayon at polo shirt in solid colors na ang suot ng mga crew.
- Napaka-busisi ng Jollibee pagdating sa uniform. Bawal itong suotin unless naka-duty ka. Bawal kang makitang nagyo-yosi kung naka-uniform. Kung uuwi ka ay dapat lagi kang may baong ibang damit.
At natural, bawal kang kumain sa McDo habang suot mo ito.
- WALA KAHIT NA ISANG BULSA ang uniforms ng crew. Muka lang may flap sa likod ng pantalon, pero hindi yun bulsa. Design lang yun. At bawal magsuot ng alahas, kahit relos, ang mga crew during their shift.
- Bago mag-in, ililista mo sa isang tickler ang LAHAT ng gamit at pera na dala mo, hanggang sa kasingko-singko mong barya. Ultimo lipstick, hikaw, lighter, notebook, ballpen, medyas….lahat! Pag ininspect ng gwardiya (na tinatawag ng mga crew na “Sarge”) ang contents ng bag mo at may isang bagay doon na hindi naka-lista sa tickler, hindi mo ito pwedeng ilabas.
- 20 pesos per hour lang ang bayad sa amin noon. Unless Product Controller ka o PC (ito ang crew na naglalagay ng pagkain sa warmer at nag-dedecide kung gaano kadaming batches of food pa ang lulutuin) na pwedeng humataw ng 8 hours, kadalasan ay 4 to 5 hour shifts lang ang maibibigay sa iyo.
- As working students, we’d submit out registration forms at class schedules sa managers para alam nila kung anong shift kami ilalagay bawat araw.
- Ang unang-unang binili ko sa unang-unang sweldo ko ay isang Swatch na relos. Proud na proud pa ako noon dahil ito pa lang ang tanging bagay na masasabi kong binili ko ng sarili kong pera.
Bad trip kasi ilang linggo ko pa lang itong nagagamit, ninakaw ito ng isang ka-crew ko sa Jollibee! Hoy, kung sino ka man, sana nalunok mo ang relos na yon!
- As a customer, napapansin mo ba na bawat ilagay sa tray mo—the paper mat, the plastic cups, styro plates, spoons, forks, and whatever product you ordered—ay laging nakaharap sa iyo ang Jollibee logo?
- Alam mo ba na pag bumili ka ng hamburger meal ay dalawang pirasong tissue lang ang dapat ibigay sa iyo? Korek, meron kaming manuals noon kung saan naka-enumerate kung ilang tissue, anong condiments, at anong utensils ang dapat kasama ng bawat meal.
- Ang store na malakas bumenta ay tinatawag na “Peak” store. Ang mahina naman ay tinatawag na “Slack” store. Ang Jollibee-Philcoa ay walang kaduda-dudang Peak store.
- Mayroong sariling “Saligang Batas” ang Jollibee.
- Service crew can never, never argue with a customer. Disputes of such nature could result in immediate dismissal of the employee. Kaya as a customer, hanggang kaya mo ay huwag mo namang awayin ang crew—baka mawalan pa ito ng trabaho dahil sa iyo.
Napakahirap maging empleyado sa fast food. That is why I strive hard to be nice to them; I always say ‘Please’ and ‘Thank you.’ Pero admittedly, after working in Jollibee, naging mas rigid din ako about my idea of good customer service. Mabilis akong mabanas lalo na sa mga crew na hindi marunong gumalang, ngumiti, mamo-po, at walang kalatoy-latoy na para bang sampung araw ng hindi natutulog. Siguro kasi alam ko naman, at naranasan na din firsthand, na kahit pa limang oras or more ka nang nagtata-takbo dyan ay kaya mo pa ring magbigay ng decent service. With a smile. (Ulk, cheesy!)
- May 7 Key Steps na sinusunod ang mga crew sa counter. Pwede mo itong i-tick sa utak mo as you watch the counter crew serving you so you’d know if she/he is doing it right: 1) Smile and greet the customer; 2) Take the order; 3) Punch-in the order and collect payment (dapat magbayad muna ang customer bago tumakbo at kuhanin ang order nya!); 4) Assemble the order; 5) Present the order; 6) Do suggestive selling (kaya lagi kang tinatanong kung gusto mong mag-dagdag ng sundae or pie to go with your meal); 7) Thank the customer (at dapat wag kalimutan ang “Please come again!”)
Kaya laging nagtatatakbo ang counter crew ay dahil less than two minutes lang ang binibigay sa kanila para magawa ang 7 Key Steps. Of course, that’s with the assumption na 100 pesos or less lang ang purchase. May leeway naman sa oras kung big order.
- Lahat sa Jollibee ay sinusukat o may bilang. Ang level ng drink ay hanggang sa ibabaw lang ng “J” sa Jollibee na naka-print sa plastic cup (hindi kasi automatic ang drink dispenser ng Jollibee, di gaya sa McDo).
Apat na ikot ng ice cream para sa sundae, dalawa pag cone twirl. Pansinin mo ang gumagawa ng Hot Fudge Sundae mo: apat na beses nyang pipindutin ang chocolate syrup dispenser.
- Dati, nung bago pa ako, ay mukang ewan ang mga sundae na nagagawa ko. Pero eventually, natutunan ko na ang trick pala ay wag mong itodo ng baba ang lever para dahan-dahan lang ang pagbaba ng ice cream.
- May mga call codes ang counter para mas madaling masabi sa PC kung anong food item ang wala o paubos na. Ilan sa mga product call codes na naaalala ko:
o Y - Regular burger
o YC - Cheeseburger
o PJR/ PJL - Pineapple Juice Regular/ Large
o Fiesta - Palabok
o Spag - Hmmm. Hindi naman masyadong obvious ang code na ito, ano?
o Joy - 1-piece Chickenjoy for dine in
o Joyrice - 2-piece Chickenjoy for take-out
o Chickenmeal - Chicken and spaghetti meal
o Steak - Burger steak
o Aloha - Amazing Aloha burger (phased out na ito)
o Pie - Peach Mango Pie
o Langka - Banana Langka Pie
Kelangan ipaalam ng bawat counter crew sa PC kung anong product ang kinukuha nila at kung ilan. Ang purpose nito ay para matulungan ang PC na matantiya kung gaano karami pa ang kelangan ipaluto (siyempre, always taken into consideration ang lapse time ng mga pagkaing ito). Pag kinakausap ang PC, ang sasabihin mo ay parang ganito, "PC, taking YC-1. YC-4 left."
- Pagdating ng closing time at maraming di nabiling pagkain sa warmer, tulong-tulong ang mga natirang crew sa pagbili ng mga products dahil kung hindi, ia-awas ang total value non sa sahod ng kawawang PC. Awww.
- Ang lalagyan ng mga dessert pies ay mayroong mga 1-cm wide na opening para makasingaw ang init. Minsan sa pagmamadali ko ay lumusot ang daliri ko sa opening na ito at nasundot ko ang pie. Sa takot na pabayaran sa akin ang nasirang pagkain, ibinalik ko ito ng patago sa warmer. Hahaha. Sino kaya ang mapalad na customer na nakakain ng finger-laced pie?
- Dalawa ang rolyo na pinagpi-printan ng lahat ng transactions na ipinapasok sa cash register. Ang isa ay ang lumalabas sa feed at ibinibigay sa customer. Ang isa naman ay nasa loob na tanging ang manager lang ang makakapag-access. Tuwing end ng shift, kinukuha ng manager ang second roll para makita ang total amount na dapat laman ng kaha.
Secret ang amount na ito. Hindi sasabihin ng manager kung magkano ang total hanggat hindi tapos sa pagbibilang ng pera. Pag prinesent mo ang total mo, saka niya sasabihin kung ikaw ay “over” o “short.” Nakakainis kasi pag over, hindi mo naman pwedeng ibulsa ang sobra. Pero pag short na above five pesos, automatic salary deduction ito.
There was one time na ang short ko ay eksaktong-eksaktong 100 pesos! Malamang ay nilipad ang bwiset na 100 peso bill cause there’s no way nagkamali ako ng sukli na saktong 100!
- Pag ikaw ay customer at turn mo na to be served, tapos may narinig kang sumigaw ng, “Kitchen, Yum-Yum!” mula sa loob ay matuwa ka. The Product Controller is not pertaining to Jollibee’s Yumburger.
Ibig sabihin nito ay type nya ang beauty mo at ina-announce niya sa buong kitchen na lumabas sila dahil may customer na maganda.
- Alam mo bang madalas mangyari na sa sobrang pagma-madali ng mga counter crew na mailapag ang order sa tray mo ay nagkakapaso-paso ang mga kamay at braso nila sa warmer? Opo, napakainit nito na madikit lang ng bahagya ang balat sa ceiling ng warmer ay instant sugat at peklat na. Daig pa ang plantsa. Aba, kung ilang sugat din ang natamo ko sa warmer na iyon!
- Hindi gaya sa McDo na ang pagkain ng crew ay McDonald’s products din, rasyon ang pagkain ng Jollibee crew. Kaya kung ayaw mong gumastos ay magtiis ka sa kung ano mang ulam ang dineliver dyan. Dito ako natutong kumain ng gulay, bopis, at iba pang mga ulam na in other situations ay hindi ko naman talaga kakainin.
Pero pag company-owned ang Jollibee na napasukan mo, meron ka namang free drink. J
- Na-terminate ako sa Jollibee Philcoa dahil nag-puslit ako ng sundae sa blockmate ko tapos nahuli ako ng manager. Nang lumapit siya sa akin at sinabi na, “Che, na-punch mo ba yung sundae?” sabay kuha sa roll na nasa loob ng cash register ko (ibig sabihin ay wala akong lusot dahil wala naman talagang sundae na naka-punch doon!), para bang gusto kong maihi at matae ng sabay sa sobrang kahihiyan.
- Kahit kailan ay hindi ko inamin na nag-pass out ako ng sundae. Kaya kahit “immediate dismissal” ang hatol sa akin sa Jollibee Philcoa, hindi ako blacklisted at natanggap pa sa Jollibee Katipunan!
- Nung lumipat ako sa Jollibee Katipunan, sa JEDS (Jollibee Express Delivery Service) ako nilagay. Ako ang taga-sagot ng phone, take at assemble ng order. Ako rin ang nakikipag-usap sa mga “riders” (yung mga mamang naka-motor na naghahatid ng pagkain mo).
Meron akong secret: pag tambak-tambak na ang orders na natanggap ko, hina-hang ko ang tatlong telepono ng Jollibee para walang pumasok na tawag.
Di pa kasi uso ang delivery hotline noon eh…
- Pag slack time or walang masyadong nagpapa-deliver, nakikitulong ako sa kitchen. Pag nagggawa ako ng hotdog sandwich at hindi ko makita ang thong, kinakamay ko ang hotdog sabay lagay sa bun. Nakakain ka kaya ng sandwich noon na gawa ko? Bwahaha!
- Pag magge-grate ng cheese para sa spaghetti at hotdog, dapat ay maglagay muna ng Anti-Bac (some anti-bacterial solution) sa kamay o magsuot ng gwantes. Minsan pag naaalala ko at sinisipag, ginagawa ko ito. Pero kadalasan ay kinatatamaran ko na rin. So, pagtapos kong humawak ng telepono, magbilang ng pera, mag-punas ng counter gamit ang basahan, hahawakan ko ng madudumi kong mga kamay ang block of cheese, ikakaskas ito sa grater, at ibubudbod sa spaghetti mo. Yan ang tunay na Yum!



