Nung bata pa ako… Part 2
1. Never akong napanood ng parents ko sa kahit anong academic contest na sinalihan ko. Not that I hold it against them…
2. "Apple Cut" ang forever na gupit ng buhok ko nung pre-school. Palagay ko, lahat ng mga babaeng ka-edad ko ay nakaranas ng haircut na ito. O di kaya naman ay, "Mango Cut," which is slightly longer.
My, what were these haircutters thinking…
3. Ate Memen was the active, sporty kid, while i was the lame, "lampa" little sister. Tuwing hapon, parang automatic na sa lahat ng bata na pagkatapos ng afternoon nap ay pupunta sa "Plaza" at maglalaro ng kung ano-ano. Sa group games, walang gustong maging kakampi ako dahil mabagal akong tumakbo at nata-taya ako kaagad. Not wanting to subject myself to further embarrasment, I eventually stopped joining the pompyang for tag games (ma-aleeeessss—TAYA!) and settled with playing bahay-bahayan, lutu-lutuan, jackstone, Jackpot (throwing rubberbands) with non-running little girls like me.
Minsan, perhaps due to some inexplicable surge of courage, nag-attempt ako na sumali ulit sa mga ate ko para sa isang round ng Patintero. Nakalimutan ko na kung nag-pompyang pa ba, basta I ended up being teammates with my sister.
Taya ang mga kalaban namin. Ako naman, trying hard na magpa-impress. Feeling ko, yun na lang ang aking tanging chance para maging "in" sa mga batang Plaza. Nang magsimula ang laro, tumakbo ako na para bang wala ng bukas. Tuwang-tuwa ako kasi, for the first time, nakarating ako sa dulo ng hindi ako natataya. Kabang-kaba ako, pero takbo na naman ako pabalik. Pakiramdam ko ako ang makaka-score para sa team namin!
Na-reach ko na ang home base, pero hindi nag-rejoice ang mga kakampi ko. Para bang walang nangyari. Tuloy pa rin sila sa pakikipag-harangan sa mga kalaban. Inisp ko baka hindi lang nila ako nakita. I ran to the end again, and ran back to home base. Wala pa rin.
Then it dawned on me: na-figure out ko na ako pala ay Saling Pusa, Saling Ket-ket. Umiyak na lang ako at nag-walk out. Wala man lang pumigil sa akin.
That was one of my first major brushes with the reality and pain of rejection.
4. I do not remember a single instance when I played Chinese Garter. Pero magaling ako sa 10-20! (10, 20, 30…)
5. Without exaggeration, I was really GREAT at jackstone! Kahit ubod ng liit ng aking mga kamay, kayang-kaya ko ang iba’t ibang uri ng exhibitions. Nakalimutan ko na ang mga tawag, pero ang pinaka mga naaalala ko ay ang Palimos, Kuweba, Around the World, Falling Stars (at kung nagpapa-star ka sa friends, nandyan ang Double Falling Stars!)…shyet, naiinis ako na di ko na maalala ang tawag sa iba!
Hindi ko type ang Chinese Jackstone.
6. Hindi ako nagsusuot ng shorts sa ilalim ng palda ng uniform ko. Ikaw, nagsho-shorts ka pa ba noon?!
7. Inggit na inggit ako sa kaklase kong anak ng Hapon kasi lahat ng gamit niya ay Sanrio.
8. Isinali ako ng adviser ko sa isang Speech Choir. Nakalimutan ko na ang piece, pero naaalala kong ilang linggo akong nagse-stay after school for practice. Tapos, nung araw na ng performance, sinabihan ako ng trainer namin na umuwi muna, mag-palit into my costume, at "bumalik ng alas-dose." Hindi ko alam non kung ano ang kinaibahan ng "alas-dose" at "alas-dos."
Nang sinundo ako ng yaya ko, nalito ako. Ang nasabi ko sa kanya ay alas-dos ako kelangan bumalik sa school. Kaya ayan, hanggang past 12 PM ay nasa bahay pa rin ako at enjoy na enjoy sa panonood ng cartoon movie na Dumbo.
Pagdating namin sa school several minutes before 2 PM, may suot pa akong ubod ng laking red ribbon, wala ng tao sa auditorium.
9. Parang Pasko ang feeling naming mga batang magpi-pinsan tuwing nandito ang kapatid ng Daddy ko who’s based in the States. Kanya-kanyang hukayan sa Balikbayan Boxes, agawan sa pasalubong, kain sa kung saan-saan, pasyal dito, pasyal doon…
Bago siya umalis, nagkaroon kami ng swimming party. At ang pinaka-gift naming magpi-pinsan sa kanya ay nag-organize kami ng isang mini-variety show. May mga tumula, may song and dance numbers, fashion show, etc.
Ano ang ginawa ko? Kumanta ako ng Somewhere Out There ni Patti Austin. Ang lakas-lakas pa ng boses ko, akala ko ay tama ang aking pagkanta. Pero in truth, wala akong itinama kahit isang tono! Sintunado to the maximum level ito. Ang suot ko pa noon ay isang maong na terno na may mga ribbons sa gilid (Mother, baket ako may ganoong damit?!) Ang pinakanakakahiya pa sa lahat, naka-video pa ito! Tuloy, hanggang sa nag-tandaan na kami, forever nakadikit na sa akin ang stigma na hindi ako marunong kumanta. Hey, cousins, I’ve changed! Hahaha.
10. I had flute lessons when I was 8.
11. Nag-enroll ako sa Yamaha for organ lessons. Para ma-check ng teacher kung magaling na kami, sabay-sabay kami ng mga kaklase kong tutugtog ng isang piece.
Pag hindi ako nakapag-practice, pinapatay ko ang volume ng organ para hindi niya marinig ang aking mali-maling pag-strike ng keys.
12. I was never a bratty kid. Hindi ako ang tipo ng bata na nagtuturo sa malls o naglulupasay pag hindi nabigay ang gusto. Pag tinatanong pa nga ako na sabihin kung ano ang gusto ko ay hindi ako mapakali sa sobrang kahihiyan.
Sabi ng Daddy ko, isang instance lang daw ang naaalala nya na nag-alburoto ako, at iyon ay nang dayain ako ng Ate ko sa hatian sa mga kinita namin sa Caroling.
13. Ang bahay namin ay sa isang barrio sa Caloocan City. Halos lahat ng tao ay mahirap. Pero pag nangangaroling kami, walang nagsasabi ng "Patawad!" Ang mga tao, kahit bente-singko, nagbibigay sila. Tuwang-tuwa pa kami pag may nag-abot ng octagon-shaped coin na dalawang piso (hindi na ito ginagamit ngayon). May isang instance lang akong naaalala na hindi kami bingyan ng may-ari ng bahay. Kinantahan namin siya ng, "Tenkyu, tenkyu. Ang babarat ninyo, TENKYU!" sabay karipas ng takbo.
Talagang pinaghahandaan ang pangangaroling sa barrio namin. Kinakarir ang mga instruments! Meron kaming drums na gawa sa lata ng gatas at tinakpan ng cellophane (isi-seal namin ito with rubberbands). Meron pang tambourine na gawa sa mga pinitpit na tansan ng softtdrinks.
14. Paborito kong maglaro ng luto-lutuan gamit ang hiniwa-hiwang mga dahon, lupa, at buhangin na ginagawa kong "cake."
Enjoy ako sa bahay-bahayan kahit wala akong kalaro. Kaya pinagawaan pa ako ng Daddy ko ng sarili kong bahay kubo.
15. Mahilig akong bumili ng cherry balls. Tandang-tanda ko pa na pag marami kang binili, ilalagay pa ito ng tindera sa supot na pinaglagyan ng yosi.
16. Ang tawag ko noon sa coupon bond ay kokomban. Tuwing hapon, pupunta ako sa tindahan and I’d call out, "Aling Gloria, pabili nga po ng dalawang pisong kokomban!"
Naiintindihan naman ng lola mo ang ibig kong sabihin.
17. Tuwing may bisita kami, walang palyang pipilitin kami ng Ate ko ng mga magulang namin na tumugtog ng organ! I really hated having to play the organ before old people I barely knew.
There was one instance, however, when I did it happily for someone. My mother’s aunt came to visit and she asked me to play the old Tagalog classic, Minamahal Kita. I did so, begrudgingly at first. As I played, I saw her crying. She was so touched by the piece. When I finished, she gave me a kiss and told me that it reminded her of her husband. The next time she asked me to play other old songs for her, I did so without protest.
18. Hanggang mag-grade 5 ako ay sobra-sobrang hilig ko sa Barbie dolls. I had my own collection of Barbiedolls, Barbie apparel, Barbie accessories…house appliances, Barbie salon, etc! Tuwing birthday ko ay wala akong ibang hiniling kundi BARBIE! Nagagalit ako pag papasukatan ako ng shoes kasi feeling ko hindi na ako ibibili ng doll pag may sapatos na ako.
19. Ang baon ko nung Kinder ako ay 5 pesos lang. Ang presyo ng isang bote ng Coke "solo" ay 2.50 lang. Tapos, bibili ako ng cupcake na halagang 2 pesos. Araw-araw na ginawa ng Diyos ay ito ang kinakain ko pag recess. Minsan pinagalitan ako ng Daddy ko. Sabi niya, "Ano ba yan! Tuwing tinatanong kita kung ano ang kinain mo, ang sagot mo lang eh ‘Coke saka cupcake’ o kaya ‘Cupcake saka Coke!’ " Hehehe.
20. Ang pinakamalaking naging baon ko nung elementary ay 50 pesos, nung Grade Six. Pero hindi na ito nag-increase hanggang highschool!
21. Minsan, nagpe-prepare kami para sa birthday party ko. Binabalot namin ang mga ipamimigay na premyo para sa mga parlor games. Eh naubusan na ng pambalot. Inutusan namin ang house boy na si Kuya Pando para bumili ng "wrapper." Bilin pa ng Tita ko, "Yung pang-birthday ha!"
Pagdating ni Kuya Pando sa bahay, may dala-dala itong chocolate wafers. Akala ng bruho na ang "wrapper" af "wafer!" HAHAHA. Meron bang wafers na pang-birthday?!
kakatawa ka tlaga Cheche Ingles!!! More! More! More! Dapat meron ka ring ipost na “Nung College pa ako”… hahaha… alam na alam ko na ang ihihirit mo!!!
Ren — January 20, 2006 @ 2:24 pm
childhood… halos makalimutan ko na… cherry balls? yun ba yung bubble gum na tig singko ang isa? buti na lang at laking probinsya ako, di ko naranasang maging saling pusa. hehehehehehe. may childhood issue pala tong bata ‘to.
Juliene — January 20, 2006 @ 9:57 pm
Ren-ren borenren!
How are you?! Thanks for dropping by. Tinatapos ko pa ang “Nung college pa ako…” entry. Sa sobrang dami nating memories together, mukhang lalampas ako sa 50 items. Hehehe. Miss ko na kayo, mga manang kong Econ barkada!
July! Tumpak ang iniisip mong cherry balls.
Salamat sa laging pagbabasa ng aking mga musings…Painom ka naaaa!
Che — January 21, 2006 @ 6:10 pm
Bata ka pa lang wais ka na, patayin ba ang organ para hindi mabistong hindi nagpractice! Hehehe.
Adrian — January 22, 2006 @ 10:51 am
Hi che! sobrang aliw na aliw ako sa entry na to haha..reminds me of my childhood days din…Miss you girl!
MaCe — January 22, 2006 @ 9:04 pm
Hi, Aids! Hi, Mace! Gawa rin kayo ng mga lists of favorite memories nyo!
Salamat sa pagbasa.
Che — January 25, 2006 @ 6:21 am
Remember “Barbie Universe” nung 3rd year HS? Hahaha.
Sheiko — January 26, 2006 @ 3:02 pm