Nung bata pa ako…
1. Madalas akong maging class representative sa academic contests every quarter. Nag-champion ako sa Science, sa Reading, pati nga sa Christian Living, at kung ano-ano pa…
Ang pinakamalaking contest na sinalihan ko ay ang General Information Quiz Bee nung Grade 1. Final round na. Dalawa na lang kaming contestants na naglalaban for first place. Tie breaker question. Ang tanong ay: "Saan huling nagpunta ang Pangulong Cory Aquino?"
Hindi ko nasagutan kaya second place lang tuloy ako. Baket? Kasi ang rinig ko ba naman doon sa question eh, "Saan huling nagpunta ang katulong ni Cory Aquino?"!
First Grader Che’s thought bubble: "PAKIALAM KO?! BAKA SA KUSINA!"
2. Naglalagay ako ng hair conditioner sa buong katawan. Noon kasi, lagi akong nasasabihan na hindi ako marunong sumayaw at matigas ang katawan ko. Feeling ko, mapapalambot ng conditioner ang aking katawan.
Tuloy ngayon, kailangan pa ng matindi-tinding pilitan bago mo ako mapasayaw. At sa buhok na lang din ako nagko-conditioner.
3. Nalaglagan ko ng karayom (at ito ay isang napakalaking machine needle!) ang aking lalamunan.
Mahilig kasi ako magsundot ng ilong para ma-hatsing. Eh minsan nakahiga ako, pag-hatsing ko, nabitawan ko ang karayom. Nalaglag ito sa ilong ko at dire-diretso sa lalamunan. Tandang-tanda ko pa na imbes na mag-panic, the thought running through my head as I rushed to the bathroom was, "Ah, konektado pala ang butas ng ilong sa lalamunan!"
Obvious ba na nailuwa ko naman ang karayom.
4. Most Behaved Girl ako nung Grade 1. (Favorite ata ako ng adviser ko non eh!)
Kung nakilala mo ako sa highschool na or later, hindi mo mapapaniwalaang minsan ay naging Most Behaved ako. Isang beses lang nangyari ito sa tanang buhay ko.
5. Tinago ko ang lunch box ng classmate ko habang bumibili sya ng softdrinks. Pagbalik nya, litong-lito siya at hindi niya maintindihan kung bakit nawala ang baunan niya. Kumakain ako ng apple non at pilit na pinipigil ang pag-halakhak. Pero siyempre, eventually ay hindi ko rin napigil. Naibuga ko tuloy ang kinakain ko sa kanya!
Parang galing sa pelikula ni Dolphy o Tito, Vic, and Joey ang eksena: cut to a close-up shot of my classmate na may mga nanguya-nguyang apple sa mukha at buhok.
HAHAHAHA. Hanggang ngayon, natatawa pa din ako pag naaalala ko.
6. Crush ko si Raymond Lauchengco nung Prep ako. (Favorite movie ko kasi noon ang Saan Darating ang Umaga). Mayroon pa nga kaming plaka ng album nya.
7. Idol–as in IDOL–ko si Sheryl Cruz nung Grade 4. Mayroon pa ako ng album nya na na kulay violet at may 2 tapes.
Sa Music Class ay, "Sabi Ko Na Nga Ba" pa ang aking selected piece para sa final singing test.
8. Lagi kaming nag-aaway ng ate ko kasi fan naman siya ni Manilyn Reynes.
9. Feeling ko ay in-love ako kay Benjie Paras. Rookie pa sya ng Shell noong ‘89 or early ’90s. Sumusulat pa nga ako sa kanya, at meron akong special box devoted to clippings of pictures and articles about him.
10. A few years after the Paras fanaticism, na-impluwensyahan ako ng Daddy ko at naging BIG Añejo/ Ginebra fan. Heroes ko sina Jawo, Distrito, Isaac, Ampalayo, Chito Loyzaga, at Cuenco.
May isang championship match pa na kalaban ko ang mga pinsan ko dahil lahat sila ay maka-Shell at ako lang ang Añejo. 1991 Championship yun.
Syempre, Añejo ang nanalo. At one point lang ang lamang. Heart-stopping game talaga!
11. Nagro-rollerskating kami ng mga kaibigan ko sa Quezon City circle.
12. 13 years old na ako ng matuto akong mag-bike.
13. Pinagpalit ko ang price tag ng isang mas mahal na libro sa isang chipipay na coloring book sa National Bookstore.
14. Nagme-mememorize ako ng kung ano-ano galing sa encyclopedia pag bored.
15. Hanggang ngayon, memoryado ko ang multiplication table–pero hanggang 10 lang. =)
hahaha! nakakakatawa! ako naman idol ko si manilyn reynes. magkaaway tayo. may kakilala kaya tayong si tina paner naman ang idol? hahaha!
nonie UNO — January 6, 2006 @ 4:37 am
tina paner fan? ayan naman ang wala akong kakilala! pero si tsok cordero, tinutukso namin nung college na look-alike ni tina paner. hahaha.
peace, tsoklate! =)
nonie, i assume may copy ka ng Manilyn hit na “Sayang na Sayang?”
Che — January 6, 2006 @ 10:14 pm
wala pa rin tatalo dun sa conditioner anecdote mo! akala ko naglalagay ka ng conditioner sa katawan dahil mabalbon ka! hahaha! shet, only you che would think that conditioners could make you dance better. peace!
Sunshine — January 9, 2006 @ 7:46 am