My Turf






         I write for me.

January 26, 2006

Nung college pa ako… (Freshman chapter)

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 6:02 pm

  1. Ang UP ay hindi lamang nangangahulugang University of the Philippines. Kilala rin ito lalo na ng mga estudyanteng hindi na umabot sa computerized registration as University of the Pila. Talaga naman pong pag enrollment ay gugugulin mo ang isang buong araw o higit pa sa enlistment! Kahit nung first year ako, na kung tutuusin eh hindi na gaanong kadugo ang registration dahil bahagi naman ng Block Section ang freshmen, inabot din ako ng halos dalawa o tatlong araw ata bago ko nakuha ang ever-precious Form 5!

  1. Di gaya ng ilang mga estudyante na nagpagawa na lang ng mga bogus health certificates sa mga kakilalang doctor, tyinaga ko talaga ang pag-pila sa UP-Health Center. Inabot ako ng isa’t kalahating araw bago ko nakuha ang mumunting mimeographed paper na may stamp na “Fit to enroll.” Katakot-takot na departments pa kasi ang pagda-daanan at bawat isa ay pipilahan mo ng ubod ng tagal! General checkup, X-Ray, Dental, Physical exam, etc. Talaga nga namang tunay na test of patience ang pagiging mag-aaral sa UP!

Takot na takot pa ako non dahil sabi nila ay kailangan daw mag-todo hubad para sa physical examination. Hindi ko alam sa mga iba, pero nung sa akin naman ay top lang ang pinaalis. Whew!

  1. My hair was a really short crop. At ito na ang hair style ko most of my college days, maliban na lang nung graduating na ako. Noon na lang ako nagsimulang magpa-haba ulit ng buhok.

  1. Tandang-tanda ko pa na ang suot ko nung pinaka-unang araw ng paspasok ko sa Unibersidad ng Pilipinas ay isang yellow na polo shirt, maong, at sandals. Iyon din ang unang beses na pumasok ako sa skwelahan na naka-makeup! May feeling of liberation pa ako noon na “Yehey! Pwede na mag-makeup at maong sa school araw-araw!”

  1. Ang unang-unang klaseng pinasukan ko ay Philosophy I. 7 AM pa ito. Muntik pa akong na-late dahil doon ako naghihintay ng klase ko sa Palma Hall Annex (PHAN), dahil iyon ang alam kong Palma Hall. Yun pala, sa mismong AS ang klase ko.

Oops, for the benefit of those who aren’t from the Diliman Campus, we call Palma Hall, “AS” because it used to be known as the Arts and Sciences building.

  1. Ang Philo I ang una at huling 7AM class ko. Dakilang parusa ito para sa late-riser at slow-mover na katulad ko.

  1. Nung freshman, kung ano ang kulay ng suot ko ay siya ring kulay ng mga kuko ko! Mapa-yellow, blue, black, green, white, silver…name it, I painted my finger and toe nails with it! Tanungin mo pa kahit sino sa mga blockmates ko. I was well-known in our block for this. Hahaha.

  1. Ang student number ko ay 96-04698. Hindi ko yata ito makakalimutan magpakailanman. Sa di ba naman mabilang na dami ng bluebooks, test papers, at projects na pinagsulatan ko ng numerong ito…

  1. 8 sa pinaka-espesyal na babae sa buhay ko ay nakilala ko sa block E3 (Econ block ito) ng Batch 1996. Ibang-iba ang ugali, pag-kilos, at inclinations nila sa akin. Ang tawag ko nga sa kanila ay mga manang. They didn’t ever go home late, walang kahit anong bisyo, relihiyoso…(at kung hindi ako nagkakamali, ako lang sa barkada namin ang hindi member ng UP-Youth for Christ).

Pero hanggang ngayon, I regard them as part of UP’s best gifts to me. I mean you, Ana, Tina, Ren-Ren, Khattie, Paula, Dada, Yas, at Rizza (bagaman ilang taon ko ng hindi nararamdaman ang presensya ng Yas at Riz!) Ngayon, several years after graduation, I shifted out of Econ, we joined separate organizations…pero SOLID NA SOLID pa rin. May asawa na si Paula, at ninang pa ako ng mga panganay na anak niya at ni Khattie.. Andito pa rin tayo, mga ghels! Haaayyy…

  1. Aliw na aliw (at bilib na bilib din!) ako na may mga guro sa UP na pumapasok sa klase ng naka-shorts at naka-tsinelas. Pero hanep ang mga utak, tsong!

  1. Drinop ko ang Math 17 nung first sem. Well, malamang ay obvious na naman sa inyo na hindi ko favorite subject ang Math. At ang Math 17 ay Trigonometry and Algebra combined. Goodlak!

However, not wanting to give up, I took it again the sem after. Sobra ko siyang

kinarir. After my own Math 17 class, I’d sit-in at Paula’s. Ang galing ng teacher niya eh. Kaya ayun, pasado na ko sa second take. Nag-Math 100 (Calculus) pa ako ng summer. I was doing surprisingly well, but I ended up dropping it anyway. Around this period, I was already seriously considering shifting to a course in the College of Mass Comm. Working with derivatives, graphs, and other calculus stuff made me realize that it’s not something I’d want to do for the rest of my life.

  1. Si Katherine Robles ang “bunso” ng barkada namin. Bukod sa siya talaga ang youngest ay isa itong wonder child. Alam nyo bang may isang departmental exam kami sa Math 17, ang subject na ipinagno-nosebleed ng lahat, na isa lang ang mali nya!?

Pero kung gaano siya katalino, ay siya rin naming pagka-weirdo ng batang ito. Minsan ba naman ay pumasok ito sa aming Math 17 class na naka-long, red velvet dress with matching white, lacy, long-sleeved top. Nang makita ko talaga siya ay napakanta ako ng, “Where’s the party…?!”

And to make things worse, kung kailan naman nya sinuot ang ubod ng lamig na outfit na iyon ay syang araw rin na sa sobrang takot nya ma-late, NAGLAKAD sya mula sa K-Mart (opo, ito’y nasa halos dulo na ng Katipunan Ave!) hanggang sa Math Building! Gusto umiwas sa traffic kaya naglakad. Susmarya! 

Khattie, alam mo namang mahal kita, di ba? Hehehe.

  1. Khattie story #2: Matinik sa boys itong si Khattie. Marami siyang mga manliligaw. Minsan, na-sequester namin ang isang sulat galing sa isa sa mga suitors nya all the way from Ilo-Ilo.

Noon lamang namin nalaman na ang nickname pala niya ay “Ning.” Paano? Kasi ba naman bawat sentence nitong si Ilonggo manliligaw ay may “Ning” with matching exclamation point! Tipong: “Kamusta ka na, Ning! Ayos naman ako, Ning! Ingat ka dyan, Ning! I love you, Ning! Sulat ka, Ning! Bye, Ning!”

Binabasa ko pa ito ng malakas at with feelings habang kami ay nasa jeep. Halakhakan galore ito at akala ata ng mga kasakay namin ay nababaliw na kami.

Khattie, mare, PEACE! J 

  1. Walang ROTC ang mga babae noon.

  1. Nakipag-gitgitan ako to the maximum level sa AS Lobby para makapanood ng Oblation Run. Dahil nga freshie, feeling ko hindi kumpleto ang UP experience ko kung hindi ko nagawa ito. Hindi ko alam kung baket hindi ko kasama ang mga kabarkada ko, pero ang alam ko eh mag-isa lang akong nakikipag-tulakan for a good view noon.

Pero nung nagdaanan na ang mga hubad na lalake ng APO Fraternity, naisip ko na, “Ngye, ito na ba ang ipinagkasiksikan ko dito?!” Iyon na ang una at huling pagkakataong nanood ako ng Oblation Run at never na akong nainteres ulit.

  1. Mahal na mahal ko ang Palabok sa Giacomino’s! Ito’y isang stall sa loob ng CASAA, ang cafeteria sa likod ng AS. Mahal ko rin ang murang-mura nilang mga shakes, lalo na ang mango shake.

  1. One of my favorite teachers in UP is my Comm. 1 professor, Neil Garcia. May activity siya na pinagawa sa amin noon kung saan papasok ka sa klase wearing your most baduy clothes. Nakakatawa dahil pagpasok namin sa class, sobrang baduy talaga ng baduy clothes namin! May mga naka-high waist, brightly colored socks, folded tops, bitin na pantaloon… Naalala kong suot ko noon ay green, floral print na blouse, red checkered shorts, knee-high socks at sneakers. Pero ang nagwagi bilang pinaka-baduy ay walang iba kundi ang kabarkada kong si Ren-Ren! Di ko na maalala exactly kung ano ang suot nya, basta ang dating sa akin eh parang pinagpatong-patong nya lahat ng damit na mayroon siya!

  1. Ako at ang mga barkada ko sa Econ ay mga ADIK sa basketball! We were, without exaggeration, obsessed! Kilala namin ang lahat ng players ng UP, ultimo mga jowa nila! Talagang stalkers kung stalkers.

Hindi ko alam how we managed to find out their home numbers, pero sa unang-unang Christmas sleepover namin (sa bahay ito nina Rizza sa Malabon), tinawagan at pinagkakausap namin ang ilan sa mga basketball players na ito! Nag-imbento pa kami ng mga pangalan, at talagang pasa-pasa pa ng telepono. MAHABAGING DIYOS!

Potaaaaah! Pati buhok ko sa ilong tumatayo pag naaalala ko ang panahong ito!

  1. Nanonood ako ng basketball games ng UP team kahit ako lang mag-isa, at ilang beses na akong napanood sa TV ng mga kaibigan o kamag-anak ko habang nagtatatalon, nagsisi-sigaw, o nagdadasal.

Isa ito sa rare times na umaabot pa ang UP sa Final Four ng UAAP. Panahon ito nina Paolo Mendoza, Bing Victoria, Brian Gahol, Ogie Gumatay, Allan Gamboa, Dexter Racho… Ilan sa kanila ay nasa PBA na. Ang mga iba, hindi ko na alam. Basta, isa sa mga iyan ay nag-tangkang mag-bold star. Several years after we graduated, napanood pa namin siya sa isang afternoon talk show na naggigitara at nagkakakanta. Jeez, what happened to you?!

  1. Full blast ang Ginebra fanaticism ko. Bumibili ako ng kung ano-anong sports magazine para magbasa ng analyses ng mga laro nila. May pictures ako ng mga players sa wallet ko. Kabisado ko ang full names at uniform numbers nilang lahat. Sumusulat ako sa mga columnists sa dyaryo at magazines. Ang mga klase ko ay pina-plano kong maigi para di ako maka-miss ng PBA game.

Nang matalo ang Ginebra sa Championship playoff dahil sa milagrong 3-point shot ni Kenny Redfield ng Shell ay umiyak ako ng umiyak.

Pag mainit ang ulo ko at ayaw kong makipag-usap kahit kanino, alam na sa bahay o ng mga kaklase ko ang dahilan: talo ang Ginebra. O di kaya naman, talo ang UP Maroons.

  1. Mula 25 pesos sa Orchestra, tumalon sa 40 pesos ang bayad sa sine (at sa baba pa yun). Mula noon, never na akong bumili ng ticket for Orchestra seats.

  1. Tambayan naming magba-barkada ang Quezon Hall (kung saan nandon ang istatwa ng Oblation), lalo na ng second sem na ang haba-haba ng intervals ng mga klase namin. O di kaya naman ay pupunta kami sa makasaysayang SM North. O kaya ay dyan sa Jollibee o McDo Philcoa.

  1. 29 pesos lang Burger McDo meal noon.

  1. 1.25 lang ang bayad sa UP-Ikot nung first year ako.

  1. Dahil nga unheard of ang pre-registration at computerized enlistment ng mga panahong iyon, talagang EXTRA CHALLENGE ang pagkuha ng PE classes! Para sa aming 2nd sem PE subject, tyinaga namin ang unbelievably habang pila na pulu-pulupot hanggang sa labas ng gym, at pagpasok mo, panibagong pila na naman! Isang buong araw kaming naghintay at walang nahihita. Bad trip pa dahil ng lumabas ang next issue ng Phillipine Collegian, ang official newsletter ng UP, ay nandon sa front page ang picture naming mga nakasimangot at mukang inapi habang nasa pila.

  1. Nakaswerte naman kami at may nagbukas na bagong klase ng duckpin bowling. Lahat kami ay nakapasok naman. Extra fun ang klaseng ito dahil unlike any other ang bowling alley ng UP! Sa Alumni Center situated ito. Wala itong computerized scoreboard. Ang mga natumbang pins ay kinokolekta at ipiniepwesto lamang ng mga bata sa likod. Kaya bago ka tumira, sisiguraduhin mo munang wala na ang mga paa nila! Bako-bako at tabingi pa ang lanes kaya talagang napaka-talented mo kung nagagawa mo pang maka-score ng mataas.

  1. Ang isa kong kabarkada, si Yas, ay isa sa mga pinakamabagal magsalita na taong nakilala ko. Para siyang babaeng Kuya Cesar. Pag inasar mo siya, sasabihin niya sa iyo, “Saa-saa-ka-liin kitaaaaa…!”  With matching strangling action pa (na mabagal din)! Hahaha. 

  1. Minsan, si Myda ay napag-tripan magpa-gupit ng buhok. Ang sabi niya sa parlorista ay gusto nya ng style na parang kay Sharon Stone. Eh iba pala ang style na nasa isip niya doon sa nasa isip ng manggugupit. Ayan tuloy, paglabas nya ng parlor ay halos semi-kal ang gupit nya!

  1. Ang kabarkada kong si Ana ay nalaglag sa manhole. Totoo!

Taga-Maynila siya, sa Maceda. Minsan ay pauwi siya at malakas ang ulan. Madilim na at baha. Ayun, na-shoot ito sa manhole. Buti na nga lang daw at sumabit sa gilid ng manhole ang mga siko nya.

Nainis nga yata siya sa akin dahil nung kwinento niya sa amin ang nangyari ay tumawa pa ako. 

  1. Hindi pa ako nagyo-yosi.

  1. Sa UP ka lang makakarinig ng kakaibang mga PE classes! Nandyan ang Scrabble, Bridge, Walking for Fitness, Filipino Games, Weight Training, Cheerleading (na wala kang ibang gagawin buong sem kundi manood ng manood ng games ng UP team at magpa-pirma ng ticket mo sa Pep Squad), at kung ano-ano pa!    

  1. Ang pinaka-unang nagdala ng sasakyan sa aming magbabarkada ay sina Khattie, Ren-ren, at Rizza.

  1. May kakaibang high ang simpleng paglatag ng sapin, humiga, tumambay, at makipag-kwentuhan sa Sunken Garden.

  1. I love you, Beach House! ‘Da Best ang pork barbecue dito! Yun nga lang ay dapat marunong kang makipag-laban sa isang katerbang langaw habang kumakain. 

  1. UP lang ang tanging universityng alam ko na may sariling sinehan!

  1. Officially, tatlong semesters lang ang inilagi ko sa School of Economics. Di naglaon ay na-realize ko din na hindi talaga ito ang kurso para sa akin.

Yuck, obvious lead-in ba sa Nung college pa ako – Chapter 2?! 



No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment