My Turf






         I write for me.

January 9, 2006

Nung high school pa ako

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 7:06 pm

  1. Ako ang nasa unahan sa pila ng girls nung first year kasi ako ang pinaka-maliit. Pero yun na ang first and last time na ako ang smallest sa klase.

  1. As a high school freshman, I was a MAJOR LOSER.   

  1. Nakilala ko ang mga kaibigang hanggang ngayon ay kasama ko pa rin, at sigurado akong makakasama ko hanggang sa pagtanda.

KISEKA: Mabuhay kayo!

  1. Halos lahat ng mga barkada sa batch namin ay may mga pangalan pa at nire-recognize ito ng lahat: Jorpax, Kiseka, Takyo, Ar-Kads, Vraactjern… Hindi ko na maalala ang iba. Kung ngayon mo pakikinggan ang mga pangalan, parang maiisip mo na, “Pakshet, ang babaduy natin nung high school!”

  1. 8 kami sa aking core barkada. Kasama dito ang Valedictorian at Salutatorian ng aming batch. Nasa barkada din namin ang Top 4, at ilang mga officers sa CAT.

  1. Doon ko unang na-realize na sobrang sarap ng friendship, company, at intellectual challenge na naibibigay ng mga baklush! (Hello, Jon Joseph, Alvin Ferrer, at Louie Dave!)

  1. NSAT na ang aming government-mandated exam, hindi NCEE.

  1. Noong 1996, ilang lingo o araw bago kami grumaduate, naganap ang Ozone Tragedy. Napaka-daming mga kabataan ang na-trap at namatay sa sunog na nangyari sa Ozone Disco, isa sa mga pinakamalaki at pinakasikat na disco places noon. Karamihan pa sa kanila ay mga graduating students din na tulad namin na nagse-celebrate ng pagtatapos ng school year.

  1. Nauso ang kanta ni Mariah Carey na “One Sweet Day.” Tungkol kasi ito sa kamatayan, kaya parang naging special song ito na dine-dedicate ng mga namatayan sa mga mahal sa buhay na naging biktima ng Ozone Tragedy.

  1. Commander ako ng Flight Bravo sa CAT. Iyon ang set ng mga candidates para maging Non-Commissioned Officers. Sobrang galing ng mga cadets ng flight na yun! Sila ang Best Model Flight at nanalo din ng Best in Rifle Drills. Ang saya-saya ko lang nung CAT graduation habang tinatanggap ang mga trophies nila. May medal din ako as officer, pero nakalimutan ko na kung ano. Some Leadership chuva.

  1. Ako, si Cheryl Ingles, ay Best in English nung graduation. Parang patawa, di ba? Buti na lang hindi ako naging Best in Filipino.

  1. Gusto kong magturo ng English balang araw, pero iniisip ko na saka na lang pag may asawa na ako at iba na ang apilido ko. Otherwise, pag tinanong ang mga estudyante ko kung sino ang teacher nila sa English, sasabihin nila, “Si Ms. Ingles!” Baka akalaing joke at ala pang maniwala sa kanila!

  1. Sobrang nanawa ako sa cornyng patawa ng mga teachers who meet me for the first time. When they call the roll and see that my last time is Ingles, they’d say, “Kaano-ano mo si Ruben Tagalog?” O kaya ay, “Ingles-Tagalog dictionary.”

May naging teacher pa ako, si Mr. Buco. Ang tawag nya sa akin tuwing recitation ay, “Yes, Ms. Cheryl Ingles-Filipino-Math-Science?” Pucha!

  1. Siguro dahil gusto ko ang teacher namin na si Ms. Tolentino, naging pangarap ko din ang maging Best in T.H.E. Talagang karir kung karik sa paggawa ng mga projects at pagluluto sa T.H.E. room! Kaso, ang kaklase kong si Lara Leen Sabas ang nanalo ng award na yun. Siguro kasi mas magaling siya sa akin mag-cross stitch. Hehehe. Joke lang!

  1. Nag-bulsa ako ng ballpen sa National Bookstore at nahuli ako ng guard! Isinama nya ako sa isang office sa likod ng National, at ipinasulat ang pangalan ko sa logbook. Siyempre nag-imbento ako ng pangalan, at ang address na nilagay ko ay doon sa bahay na tinirhan namin dati sa Caloocan. Tapos, binayaran ko ang pesteng ballpen, at pinaalis na nila ako. Medyo nahiya ako sa nangyari, kasi kasama ko pa ang mga kabarkada ko noon. Pero ang mas tumatakbo pa nga sa isip ko, “Ganon pala ang ginagawa sa shoplifters!” Nung nagkita na kami sa labas ng National, takot na takot ang itsura ng mga kaibigan ko. Sabi pa nila, “Susko, akala namin tino-torture ka na sa loob!” OA talaga ang mga bata!

  1. First year highschool din ako nung mayroon akong diary na minsan dinadala ko sa school para anytime may gusto akong isulat, handa siya. Sa sobrang pagka-burara ko, naiwan ko ba naman ang diary ko sa classroom! Kinabukasan, nakita ko ang diary sa ilalim ng desk ko. Kinakabahan pa ako, kasi baka may nag-bulatlat sa kanya at nalaman na ang aking mga sikreto!

Lumipas ang halos buong araw na wala naming nagbabanggit ng kahit ano tungkol doon kaya inisip kong wala naman sigurong nakabasa. Pagdating ng halos last subject, ayan na! Nakalimutan ko na ngayon kung tungkol saan ba ang discussion, basta bigla na lang humirit ang isang kaklase kong lalake na, “Sa diary nga ni Cheryl, nakasulat, ‘I LOVE (pangalan ng crush ko non na kaklase din namin)!’ ”

Gusto kong lumubog sa lupa o di kaya naman ay mamatay on the spot! Sa sobrang galit at hiya, binato ko ang atribidong lalake ng pencil case ko (tin can pa ata yun). Kung marunong na akong magmura ng mga panahong iyon ay baka nakatikim pa siya ng malutong na…!

  1. Vice President ako ng Student Council.

  1. Laging may kung ano-anong instrumento sa headquarters namin sa CAT. Marami kasi sa mga officers ang kasali sa mga rock bands na sobrang uso ng mga panahong iyon. Doon ako natuto mag-gitara at mag-drums. Pero hindi naman ako naging magaling. Ngayon eh hindi ko maalala at all kung paano mag-drums…

  1. Sobrang sikat ng Eraserheads. Tuwing may Battle of the Bands sa skwela, hindi mawawalan ng bandang tutugtog ng “Pare Ko” o “Toyang.” Buhay na buhay ang Pinoy Rock Bands during this period. Pumasok din ang Yano, Parokya ni Edgar, Rivermaya (at si Bamboo pa ang bokalista nila noon), etc.

  1. Isa akong war freak. Palagi akong nanunugod ng mga tao, kahit para sa sobrang liit na dahilan lang. Ngayon, mataray pa din ako, pero ang laki na ng ipinag-mellow down ko, pramis… At iwas-galore na rin ako sa mga komprontasyon.

  1. Ako ang nag “Last Will” speech (ito nga ba ang tawag doon?) nung Senior Prom.

  1. Parang pang-sagala/ pang-kasal ang suot kong gown nung Junior Prom. All-white kung all-white!

  1. May adviser akong nagwala at parang baliw na pinagpupunit ang aming bulletin board nung second year. Ang dahilan? Nagalit sya kasi napagkatuwaan ng mga kaklase kong guluhin ang letters sa pinto ng section that spelled “2-HEMINGWAY” at ginawa itong “2-NEW HAM.”

  1. Ang mga naging class sections ko ay 1-Galileo, 2-Hemingway, 3- Russell, at 4-St. Augustine.

  1. First time tumawa ng terror Math teacher namin nang magkamali sa pagbasa ang kaklase kong si Jerome sa word na “brackets.” Sabi niya, “The numbers inside the breykets…” Ayun, hindi napigilang matawa ng dating sobrang seryosong guro ng Math.

  1. Banas na banas ako tuwing mage-exam kami na may instructions to encircle or underline a word, tapos may kaklaseng magtatanong, “Sir, copy and answer?” HELLO?!

  1. Nasa skwelahan na ako ng na-realize kong “gravitational socks” pala ang aking nasuot. (i.e. ala itong garter). Eh yun ang araw ng pangangampanya namin para sa Student Council. Nakakahiya naman kung nahuhulog-hulog ang medyas ko, di ba? Ang ginawa ko, nilagyan ko ng scotch tape ang medyas bago nagsimula sa pagru-room-to-room.

Syempre dahil kandidato ako, kilala ako ng maraming bata. Pag makakasalubong ko sila sa corridors, babatiin nila ako ng “Hi, Ate Cheryl!” At syempre, smile to the max at kakaway-kaway naman ako sa kanila na parang artista. Nung araw na yun, may isang bata ba naman na humahabol sa akin at sumisigaw na, “Ate Cheryl, Ate Cheryl! May scotch tape ka sa paa!” At  talagang hindi pa na-kuntento ang gaga, tinanggal pa nya ang tape that was keeping my socks up! Tuloy, naglaglagan ang aking mga “gravitational socks!”

Buti na lang nanalo pa rin ako, garter-less socks and all…

  1. Never akong nakapasok ng service sa volleyball sa PE class mula first year hanggang fourth year.

  1. Bagsak ako nung first quarter ng 4th year sa Physics. Kasi ba naman, bukod hindi talaga ako kagalingan sa subject, lagi ko pang nakakaaway yung teacher namin (sabi sa iyo, salbahe kasi ako dati). Ang masakit pa nito, 15 over 80 ba naman ang score ko sa final exam! Ayun, pagdating ng report card, 73! Pero kinausap ko siya at nag-sorry ako, tapos bati na kami. Kinareer ko talaga ang pag-aaral ng Physics kahit hirap na hirap ako sa kanya. Nung second quarter, 10 points ang inangat ng grade ko. 83 na ako! Yey!

  1. Miss, at hindi Ma’am, ang tawag namin sa mga gurong babae.

  1. Nagtuturo ng typing skills ang teacher namin sa Computer Class. Sabi nya, “Class, when you type, you use your fingernails!” Uhm, Miss, mahirap po ata mag-type gamit ang mga kuko!

Siya nga rin pala ang nagsabi sa amin to”form a straight circle.”

  1. May teachers kami na mas siraulo pa sa amin. Katulad nung teacher na tumatawag sa akin ng Cheryl Ingles-Filipino-Math-Science. Pag tinanong mo siya kung saan isusulat ang assignment, sasagutin ka nya ng, “Sa noo mo!”

Galit na galit siya sa akin dati dahil lagi ko pinagtatawanan ang pronunciation niya. Eh kasi naman! Eto classic sample na lang. Ang page-enumerate niya sa levels ng high school: Persher, Seconjer, Terjer, Porcher. At pag minamadali ka niya, sasabihin niya, “Finish that imi-JEYT-li!”

            Peace tayo, Sir!

  1. Ang bansag namin sa aming Principal ay si “Matet.” Kasi tuwing mage-express siya ng agreement with what you said, ipipikit nya ang mata nya, ititikom ang bibig, sabay bow.

Hahaha. Parang si Matet talaga!

  1. Kabisado ko ang Philippine Bill of Rights dahil nagkaroon kami ng oral exam (na word for word recitation!) sa Araling Panlipunan tungkol dito. Siyempre, wala na rin akong maalala kahit alin sa mga ito ngayon.

  1. Nag-emcee ako ng school-wide beauty pageant nung 3rd year highschool ako. Ka-partner ko ang batchmate ko na si Barley. Naalala ko na ang suot ko on the night of the event ay isang terno na parang pang-samba! White blouse with matching shoulder pads and gold buttons, sabay mahabang paldang kulay blue na may mga munting polka dots. Nakakadiri talaga! (Pero syempre, feeling ko noon eh ayos na ang getup na yun!)

  1. Ang usong-usong brands ng damit noon ay Giordano Blues, Guess, at Doc Martens. At pati rin pala ang Girbaud, na ang basa ng isang kaklase namin ay “Jirboo.”

Sa ayos ng buhok ng babae naman ay uso ang French twist (may special tool ka pa para magawa ito ng perfect—yung parang plastic giant needle ang itsura). O di kaya naman ay ipupusod mo ang buhok mo ng mataas, ala-labandera.

  1. Nauso rin sa amin noon na pag ang bag mo ay backpack at hindi mo binantayan, pupunuin ito ng mga loko-loko sa klase ng mga kung ano-anong basura.

Kwento nga ng isang kaklase namin, nagtataka daw siya kung bakit parang bumigat ang bag niya nung pauwi siya. Paano nga ba naming hindi bibigat, eh pagbukas daw niya ng bag niya sa bahay, may laman itong mga kahoy, libro ng kung sino-sino, at pati ba naman rebulto ni Sto. Niño!

  1. Sobrang close ng fourth year class namin, ang St. Augustine. Sabay-sabay kami magpalit ng pang-PE sa loob ng classroom noon. Walang kiyemeng nakikipag-kwentuhan ang mga babae sa mga lalake habang naka-sando at nagsusuot ng jogging pants.

Hay, kaka-miss!

  1. Tuwing school fair, mayroong isang booth na ang tawag ay Folk House. Dito tumutugtog ang mga banda from different levels. Isa ito sa mga pinaka-mabebentang booths tuwing fair.

  1. Ang club ko nung Fourth Year ay Ruizian Scribe. Iyon dapat ang magpa-publish ng first-ever newsletter sa skwelahan namin. Kaya lang, hindi naman ito natuloy. Isa sa mga kinahihinayangan ko sa buhay na wala akong experience sa pagsusulat sa school paper. Awww.

  1. Dahil nga ala akong talento sa kahit na anong sport, sumasali na lang ako sa Cheerleading tuwing Intrams. Opo, ito ang grupo ng mga babae at lalake na nagkeke-kembot at nagtata-tumbling with matching pompoms. Hindi ko rin maintindihan kung ano ba ang pumasok sa kukote ko at inisip ko na, with my mala-puno sa tigas na katawan, ay magsasasayaw ako ng ganon. AT hindi lang isang beses, kundi tatlo! Blue Team nung first year at Green Team nung Second at Fourth Year.

‘Tangina, kadiri.

  1. Sa sobrang baba ng grades ko nung Third Year at Fourth Year (73 ako sa Physics at 76 naman sa Math nung first quarter ng 4th year), inisip kong wala ng matinong college na tatanggap sa akin. Puro kasi ako extra-curricular activities. Ganunpaman, sa top 3 universities lang ako kumuha nga entrance exam: UP, La Salle at Ateneo. Pero malaki ang doubt sa isip ko na makakapasa ako dahil nga lahat ng mga skwelahang ito ay kasama ang Transcript of Grades from Junior year to the first two quarters of the Senior year sa application requirements. Pucha tsong, high school grades pa lang, olats na ko!

Pagdating ng January, labasan na ng UPCAT results. Naaala ko pang parang nanalo sa beauty pageant na nagsi-sigaw sa classroom ang kabarkada kong si Lala nang malaman niya na pumasa siya sa dream course nya na BAA! Eh sa isip-isip ko, “Nagulat pa ang babaeng ‘to, eh Top 1 kaya sya sa batch!” Pasado rin ang may bionic brains na si Nene, ang kabarkada ko rin na Top 2 naman. Ang isa ko pang kabarkada na si Grace ay pasok din sa Anthropology. Marami pang nagsipag-rejoice noon kasi pumasa sila sa mga iba’t-ibang kursong in-applyan nila sa UP. Ako naman, syempre slightly disappointed, pero hindi na rin nagulat. Inisip ko pa na ang tanga-tanga ko kasi, bakit ba Economics ang in-applyan ko eh quota course yun!

Friday of the same week. Kakatapos lang ng huling araw ng periodical exam. Syempre, half day lang ang klase. Nag-hihintay ako sa lobby sa mga kabarkada kong nagsipuntahan sa UP para tingnan ulit ang listahan. Bad trip na bad trip na ako sa kanila kasi ang tagal ko na naghihintay at sa isip-isip ko, “Bwiset naman ang mga ‘to, alam na naman nilang pumasa sila!” 

Bigla na lang, may narinig akong isang matinis at malakas na sigaw na “Che-Cheeeeeeeee!” Paglingon ko ay nagtatakbuhan ang mga kabarkada ko papunta sa akin. Tandang-tanda ko na nangunguna pa ang Valedictorian naming si Lala at ang ubod ng pungay at ningning na mga mata ni Jon Joseph. Parang nag-uunahan pa sa pagtakbo ang dalawa. May sinasabi sila na hindi ko maintindihan. Nang makalapit na sila sa akin, sumigaw ulit ang humahangos-hangos pang si Jon Joseph, “Che-che! Pumasa ka sa U-Peeeee!” at niyakap ako ng sobrang higpit.

Noon ko naintindihan ng lubusan kung bakit umiiyak ang mga nagwa-wagi sa Ms. Universe. Nang mag-sink in sa akin ang balita, naghaha-hagulgol talaga ako sa sobrang galak! Halo-halong disbelief, relief…At ang babaeng bading na si Lala ay humirit pa ng, “O di ba, Miss Universe ang feeling?!”

Pinilit ko silang bumalik ulit sa UP. Gusto kong makita ng sarili kong mga mata ang pangalan ko sa listahang iyon. At ayun nga siya. Nasa blackboard na may label na, “Resolved Pending Cases.” INGLES, CHERYL BAUTISTA – BS ECONOMICS.

Pasensya na sa mga hindi nakakita ng pangalan nila sa listahan. Patago ko kasing pinilas ito sa blackboard at inilagay sa photo album ko sa bahay. =)

Pumasa rin pala ako sa La Salle. Sa Ateneo lang hindi nakalusot ang aking makulay na high school grades. Shyet!



8 Comments »

  1. grabe che, sumakit tyan ko kakatawa! pero pinakawinner sa lahat yung “gravitational socks mo” =)

      Kathy — January 10, 2006 @ 5:13 am

  2. panalo ang “gravitational socks”, sigurado ka bang socks yun, hindi tipan? baka mali ang entry mo sa journal mo? naku, elementary, high school… may college pa… paki spare naman ang innovations please… ililibre kita… ;p

      Juliene — January 10, 2006 @ 7:39 am

  3. Cheche…putek mamatay ako sa kakatawa! ang masakit pa nito e mag-isa lang ako dito sa bahay so malamang akala ng kapitbahay ko nababaliw na ako! lech!

      Hazel — January 12, 2006 @ 8:58 pm

  4. LOL on #13 harhar!!!

      VAS — January 13, 2006 @ 11:32 pm

  5. Salamat sa pagbabasa sa mga kalokohan at katangahan ko nung highschool. Glad you enjoyed it. Kasi I didn’t. Joke lang. Hahaha.

      Che — January 21, 2006 @ 6:18 pm

  6. Che,
    Nakakatawa tong artik nato. Naalala ko tuloy highschool ko. Hahaha. Nakakatawa talaga! Haha. Form a straight circle ha?

      Marie — April 20, 2006 @ 3:00 pm

  7. WAHAHAHA!!! Mygawd ngayon ko lang to nabasa. Panalo si persyer seconjer terjer porcher. At ang NEW HAM! and Typing with your fingernails. Wahaha! Nainspire tuloy ako gumawa ng ganito. =D

      Norman Vincent — May 12, 2006 @ 6:33 am

  8. So, sino yung crush mo? :) Thanks for the borrowed memories, ha.

      Sheiko — December 29, 2006 @ 5:39 am

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment