Excuse me, I’m not a pulubi, ‘no!
Nung isang araw, nasa isang kapehan ako along Tomas Morato kasama si Raz at Sherlyn. Galing kami sa isang very relaxing, stress-relieving vacation– 3 straight days of just lounging and gorging with guiltless oblivion–and we were capping the week with that night-out. Sa labas kami nakaupo. Biglang may maduming batang lumapit sa amin at hinirit ang usual script at tono ng mga tulad nya na nakakarindi na: "Kuya, Ate, pahingi naman po ng barya. Pang-baon ko lang po sa iskuuulll. Sige na poooo…"
Eh di syempre, kaming tatlo naman ay umiling-iling sabay deadma sa bata. Pero makulit ang bruho. Kung may limang beses o higit pa niyang inulit ang kanyang spiel. At hind pa na-kuntento, umupo pa ito sa bakanteng upuan at ipinagpatuloy ang kanyang pagmamakaawa.
Irita kami sa kanya but we tried to keep ignoring him. But no, itong si Sherlyn ay hindi ba naman nakatiis and started giving the kid a lecture. Hindi ko maintindihan kung hahagikgik ako o sasakalin ko siya dahil pinatulan pa nya yung bata. Dati kasing pre-school teacher ang lola Sherl, kaya baka di niya matiis na hindi siya i-suheto.
At eto pa ang da best. Sa kalagitnaan ng lecture ni Sherlyn, sinabi nyang, "Alam mo bang bawal sa laws natin na magbigay sa mga pulubi?!"
Ang batang lalaki, obviously offended, ay napa-angat sa kanyang upuan at humirit ng makasaysayang, "Baket, pulubi ba ako?!"
We were all at the same time amused and weirded out by this kid! Pati kaming dalawa ni Raz na nung una ay sumubok pang wag makisali sa usapan nila ni Teacher Sherlyn ay natawa at napasabi ng, "Hello?! Namamalimos ka kaya!"
Tuloy sa pagda-drama ang bata. Tumayo ito at nag-walk out. Habang naglalakad papalayo, sabi ito ng sabi ng, "Hindi ako pulubi!" Maya-maya, bumalik ito kasama ang isang kaibigan at biglang sumigaw ng, "Ulol!" Talagang dalawang beses pa!
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sitwasyong iyon. Mayroong parte sa akin na naiinis dahil ganon lang kadali para sa kanya ang mag-shift from paawa mode to evil. With shouts of "Ulol" to older people he did not even know. Sa kabilang banda, naaawa rin ako sa kanya dahil kung tutuusin ay biktima lang naman talaga siya ng mga pangyayaring hindi naman niya kagustuhan. At nakakalungkot na pati sa kalagayan that he lives and breathes every single day ay in denial pa sya.
Naalala ko tuloy ang ex-boyfriend ni Mahal (yung, pardon the term, unanong artista na nagpa-Botox daw!) na si Jimboy nung tinanong siya on-air kung siya ba ay bading. Sumagot ba naman ang walanghiya ng matinis na matinis na, "Hello?!" with matching tuck-a-strand-of-hair-behind-the-ear motion.
Hay, buhay…Kulang na lang ay tumugtog sa background ang kanta ni April Boy Regino na, "Di ko kayang tanggapin!" sabay cross arms over your head.
Nung kahulihan, pinagtawanan na lang naming tatlo ang nangyari. Iniisip pa namin na paano kaya kung coÑo pala talaga yung bata tapos nung tawagin siya ni Sherlyn na pulubi eh sasagot sya ng, "No shit?!"
Hahaha. O di kaya naman ay, "You’re kidding!" o "Oh, yeah?"
