My Turf






         I write for me.

July 12, 2006

Bobong Pinoy ni Bob Ong

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 3:10 am

Ako’y isang aminadong kuripot na tao.

Hindi dahil sa takot akong mawalan ng pera, pero dahil mas madalas na wala talaga akong pera, period. Hahaha. Piling-pili ang mga bagay na binibili at pinagkakagastusan ko. Hindi ako bumibili ng mahal na kape (pag lampas sa singkwenta pesos, di ko yan bibilhin). Minsan lang pag kasama ang mga kaibigang matagal ko nang hindi nakikita at iniisip ko na na ang inilabas kong pera eh isang friendship investment. :-) 

Wala rin akong bisyo. 2 taon na akong hindi nagyo-yosi (fine, may paisa-isang stick na singit from time to time!) Mahilig akong uminom pero hindi ko naman ito pastime. Umiinom lang ako pag meron akong kasama na gusto kong katambay at alam kong enjoy akong kausap. Na-realize kong hindi ako adik sa alak nung isang beses na may isang bote ng beer sa ref at sinubukan kong uminom mag-isa. Di gaya ng ilan, gusto ko ang lasa ng beer. Pero sa pagkakataong iyon, parang masyado syang mapait at hindi masarap. Isang bote lang hindi ko pa maubos! Sa isip-isip ko, malungkot pala uminom mag-isa. Kaya ilang lagok pa lang, flinush ko lang din ang natitirang laman ng bote sa inodoro. Hindi na muling naulit ang attempt ng pag-inom magisa.   

Bukod sa pag-inom kasama ang mga kaibigan, ang panonood ng sine ang isa pa sa mga bagay na pinagga-gamitan ko ng aking extrang pera. Ang iba kong mga hilig, gaya ng pagba-basa, ay hindi ko naman pinagkakagastusan ng madalas. Hindi ako mahilig sa  magazines, pwera na lang sa Newsbreak (I used to subscribe to Newsbreak). Mas lalong hindi ako bumibili ng fashion magazines. Nababasa ko lang ang pailan-ilan pag nagpapalipas ako ng oras sa bookstores o pag nagpapa-pedicure ako–eh mas masarap naman kasi magbasa na lang ng kahit ano kesa panoorin ang pag-kutkot ng manikurista sa mga kuko ko sa paa. Hahaha!

Mahilig akong magbasa ng libro, pero bihirang-bihira akong bumili. Nanghihiram lang ako.  Paminsan lang ako bumili pag may sale (tulad nung nakaraang buwan, nag-20% off sa presyo at nagkataong may extrang kita ako galing sa raket. Yehey!). Di kaya naman tinatapos ko ang mga librong gustong-gusto ko doon mismo sa bookstore. In fact, natapos ko basahin ang Like Water for Chocolate ni Laura Esquivel at Tuesdays with Morrie ni Mitch Albom sa Powerbooks. Hahaha! Ang mamahal kasi ng mga libro kaya matindi-tinding isipan muna ang ginagawa ko bago ako mag-desisyong bumili. 

Nung nakaraang linggo, nagliliwaliw ako sa Podium at napadaan sa Best Sellers shop ng National Bookstore. Sa aking pag-iikot eh napunta ako sa Philippine Literature section. Doon ko nakita ang ilang librong likha ni Bob Ong. Iisa pa lang ang libro nya na nabasa ko, yung pinakaunang gawa nya, ang ABNKKBSNPLAKO. Sa National, binasa ko ang ilang pahina ng mga bago nyang aklat, ang Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang Pilipino and Stainless Longganisa. At ayun, mukha akong gago na nagtatatawa mag-isa. Bukod sa Bob Ong books na hawak ko non, ang komiks na Zsa-Zsa Zaturnnah ni Carlo Vergara pa lang ang naaalala kong nagpa-halakhak sa akin ng todo-todo (halakhak as in parang-baliw-sa-lakas) sa loob mismo ng bookstore. 

On to Step 2 sa aking decision-making process. Tiningnan ko ang presyo. Ang Bakit Baliktad Magbasa… ay 150.00 lang, at ang Stainless Longga… ay 200.00 lang. Tingin ulit. Again, again, again. Aba! Totoo nga at di ako namamalik-mata! Manghang-mangha ako na meron pa rin palang magagandang babasahin na ganoon kamura. Agad-agad akong pumunta sa cashier at binayaran ang mga Bob Ong finds.

Sulit! Funny, easy read, hindi nakaka-nosebleed, at napaka-witty ng paraan ng pagsusulat nya. Para lang tayong nagke-kwentuhan sa Sarah’s don sa may Krus na Ligas. Gusto ko ang ganong style. Ayoko ng nagmamaka-profound na hindi mo maintindihan kung ano ang nais sabihin ng nagsulat. Ayoko ng napapaisip ako sa sarili ko na, “Bobo lang ba ako o talagang panget lang sya magsulat?” Meron akong paniniwala na sa babasahin man o sa pelikula, pag hindi tumalab sa akin ang gustong sabihin ng gumawa, hindi iyon dahil sa bobo ako kung hindi either meron akong ilang parteng nakatulugan o sadyang hindi lang effective sa akin ang material (baka di lang ako maka-relate). If a line stirs any sort of emotion or further thinking in me, then that’s the only time I can conclude that the article, book, or movie is effective for me. 

Ito ang dahilan kung bakit nagustuhan ko ang mga libro ni Bob Ong, bukod sa mga inilista nyang kalokohang sagot sa Go Bingo (Tanong: Saan nakatira ang mga Hindu? Sagot: HINDUNESIA! Nyaahaha) Hindi lang din ang mga patawa nya tungkol sa kalagayan ng bansa ang kinatuwaan ko. His works stirred emotions in me. Ang mga katotohanang ipinoint-out nya ay mas nakakalungkot kesa nakakatawa. Nakakapan-lumo kasi nga totoo. At ito ay mga realidad na nakikita natin sa ating paligid sa araw-araw.

Dahil apektado ako sa mga argumento ni Bob Ong, this led to deeper thinking about my being a Filipino. Napamuni-muni talaga ako. Hala, ilang entries na akong yakyak ng yakyak tungkol sa Filipino pride, pero anong klaseng Pilipino nga ba ako?   

Kung gagamitin ang mas maliit na lente para suriin kung anong klaseng Pinay ako, sa dami-daming oras na inubos ko sa mga bookstores, wala ako halos maalalang panahon na talagang sinadya ko ang Phil. Lit section. Sa ‘di ko malamang kadahilanan, kahit kailan ay hindi naging option sa akin ang mga librong isinulat ng mga Pinoy na authors for leisure reading. Kung tatanungin mo ako ngayon (nakakahiya mang aminin), wala akong kilalang contemporary na Pilipinong manunulat ng libro bukod kay Lualhati Bautista at Bob Ong. 

Eh bakit nga ba?

May magandang isinulat si Dean Alfar, isang Palanca Awardee many times over, doon sa blog nya tungkol sa usaping ito.

If people can spend money on new foreign books, why can’t they spend money on new local publications? Why is there the argument that local books should be cheaper? The usual answer is that Filipinos will only buy cheaper books, that it is a matter of economics, of budgets, of affordability – but it does not change the fact that Filipinos still buy the expensive new foreign books. On the whole, new foreign books are more expensive than books published here (and they also have better paper stock). So why doesn’t this market buy more Filipino books, even if they’re cheaper?

Is it because the imported books have “name” authors (but the shelves are also filled with lots of unknowns or first time authors or crappy authors)?

Is it because we are conditioned to treat imported books as somehow special and worth spending more on (and conversely, our local books, being local, must be cheaper and worth less)?

Is it because these books – pop, fiction, mystery, chick lit, spec fic, children/young adult - are better written (but really, a lot of them are not, and it creates the impression that Philipine literature, in general, is poorly written in comparison, which brings us to fore the tried and true "colonial mentality" thing)?

If the argument is that “The Filipino cannot afford expensive books”, why are the bookstores in business (and note that majority of their sales is in foreign books)?

We are talking about a specific market here, being (for the sake of discussion) “Filipinos who buy books at Fully Booked and Powerbooks”. I make this distinction so that the social realists out there will not assault me with the grainy pictures of emaciated little children, tilling the fields in the provinces, dreaming about their next meal, a better tomorrow, and considering following their brothers into the mountains to fight against a government to whom they are invisible – that, obviously, is a separate market, for a separate discussion.

We’re talking about people who willing and able to spend money on books, confident that their next meal is not in question - and in particular, just to narrow down the discussion, to those who buy new books at Fully Booked and Powerbooks.

At ito ang pinaka, pinaka-panalong banat sa lahat (pakshet, idol ko talaga ang writer na ito!)

So if it is a market forces argument, we cannot discount the fact that all the imported books – fiction or graphic novels – continue to consistently move and sell at their prices. Who is buying these books? Filipinos, of course. So the question is why don’t they buy more Filipino stuff, if they can apparently afford the new imported stuff? Is because we think work by Filipinos is inferior and thus not worth spending money on?

It could be preference, yes, but part of developing the scene is learning about differences and supporting our own.

Sabi ni Bob Ong sa Bakit Baliktad Magbasa…, isa yatang malaking problema sa bansang ito ay ang dami-daming supply ng talento, pero walang demand.

Ouch. Ang sakit naman non. Bakit nga ba wala tayong bilib sa sarili nating gawa? Bakit mas mabili pa ang mga librong sulat ng mga taga-ibang bansa kahit mas mahal ang mga ito? We rave about having read books written by German, Argentinian, Spanish, Portuguese, American, Chinese, Japanese at kung sino-sino pang author na hindi galing ‘Pinas—pero, pucha, ilang librong gawang Pinoy na ba ang nabasa at ipinag-malaki natin? Kahit ako, habang isinusulat ko ito, ay kinikilabutan sa hiya sa balat ko, dahil kung tatanungin mo ako, wala rin akong maisasagot. Kailan kaya mangyayari na sasabihin natin, “Tangina, tsong! Basahin mo ‘tong librong gawa ng isang Filipino writer! Astig, pare, galing!”

Sa mga blogs pa lang, kitang-kita ko na napakadaming Pilipino ang magaling magsulat at kadalasan ay may mga iba’t-ibang interesanteng paksang tinatalakay sa bawat artikulo. May ilang Pinoy bloggers akong sino-stalk (binabasa ko ang blog nila kahit hindi nila alam at di rin nila ako kilala. Hihihi) dahil bilib na bilib ako sa paraan nila ng pagsusulat at hinahangad kong maging ganoon kagaling. 

Hindi lang mga kolumnista sa dyaryo na kaliwa’t-kanang reklamo sa gobyerno lang ang alam sabihin ang magaling magsulat sa Pilipinas. Ang dami-dami pang iba. At ang mga libro nila, kahit bagsak presyo, ay ilang taon nang  inaalikabok sa shelves ng mga bookstores.

Sa susunod na panahong pumunta ka sa bookstore, bakit hindi mo subukang bumili ng mga librong Pinoy? Tutal mura naman ang mga yun. 3 Pinoy books ang katumbas ng bawat isang nobela ng paborito mong foreign author.

July 10, 2006

Kwento! Kwento!

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 5:02 am

Finalmente. Konting pahinga mula sa isang nakakalokang buwan. Sa wakas ay nakapg-blog na rin ako ulit!

________________________

Come middle of June, the Tokyo office further stepped up their sales efforts and ad spots for GMA Pinoy TV in Japan are now selling like crazy. That would have been good news, if not for the fact that I am the one being relied upon to produce these commercials. Pero hindi na lang ito gaya dati na isusulat ko ang script, ido-drawing ko ang storyboard, at uupo sa editing then tapos na. Ngayon, mapangarap na ang mga partners namin sa Japan, at kasama na sa package ang shooting! Kamusta naman?! I immensely enjoy production work, but I am, to be really truthful about it, practically unlearned in TVC production. I can come up with concepts and all, but I am untrained in technical aspects. What’s not so good about all this is that I am not even given enough budget to just tap a production house and have them execute my concept. But no! Ako na ang PM, ako pa ang scriptwriter, ako pa ang director (na hindi naman talaga marunong mag-direct!) It is exciting, it is challenging, but I myself will be the first to say that the final material I first produced looks pathetically amateur. Well, pag 25 thousand lang ang budget mo para mag-shoot ng isang buong 30-seconder, asa ka pa!

Hence, I learned my lesson and demanded that they raise my budget. Sinabi ko talaga sa kanila na if you want a good commercial, you have to give me time and money to organize a professional shoot! If you keep giving me 25k for shooting, wag ka na mag-expect na professional models ang talents mo at professional ang crew mo! Ang latest commercial na ginawa ko ay para sa isang door-to-door delivery service company. Sa kliyente na nanggaling ang storyboard. Good luck sa akin, sa storyboard nila ay mukhang isda ang mga tao, sabay naka-hapon pa ang script. Gusto ko talagang umiyak nung makita ko yun. At nung mabasa ko ang lines translated in English, mas gusto ko maiyak lalo! Parang pang-afternoon drama ang script na ito!

Binigyan lang ako ng 3 araw para i-organize ang shoot kaya last week ay para akong hilong-talilong na nagtatawag ng mga modeling agencies, nagpapa-reserve ng equipment, at kumukuha ng crew na sa-swak sa aking munting budget. Ganonpaman, kinakabahan ako dahil wala talaga akong alam sa lighting, at yung mga kasama ko, although more knowledgeable than me, eh hindi pa rin expertise ang lighting. Kaso, pag kumuha ako ng cinematographer, alam kong lalampas ako sa budget at mawawalan ng pang-bayad sa voiceover talent. Pero kalaunan, naisip kong baket ko ba papahirapan ang sarili ko? Mas mahalaga pa rin ang quality at customer satisfaction, di ba? So why would I deliver lousy output when I know na the material could look much, much better if I bring in professional crew. Hence, at the last minute, I gave in and asked for referrals from my DOP-friend, Ogi (di sya pwede mag-DOP for me dahil may iba na syang gagawin. Bukod don, di ko afford ang rate nya! Hahaha). Ni-refer nya yung Mowelfund batchmate nya na si Albert, na buti na lang ay libre for the shoot at napakabait na pumayag sa nakakaiyak na TF na in-offer ko sa kanya.

I came to the shoot feeling much better, kasi at least may professional DOP na to handle lahat ng teknikalidad na hindi ko alam. We all found his work impressive naman, and the shoot went smoothly.

Albert  Nice_ito

Muka nga lang ako tanga mag-direct! Super wa-poise!

Reading_script_16  Silip_8

It also helps that I have people I already know and trust as part of the crew (i.e. Sherlyn as makeup artist and Norman as PA).

Makeup_artist Norms_pa

May mga ibang kagulat-gulat lang na pangyayari na mejo panira—tulad lang naman na ang talent eh bagong derma at some kind of namamaga ang mukha. WAAAA! Ano ba yun?! Kaloka! Buti na lang at hindi beauty product eto.

Che_with_crew Dscn3239

_______________________________

Anyways, meron akong isa pang kwento. I am soooper excited. Ganito yun. Kasi, last week was one of the busiest weeks of my life. Tuesday was particularly bad. Ang daming problems and misunderstandings with Tokyo side, etc. Our President called my manager, Ms. Mahlu, Wendell (our editior) and me into his office para i-discuss ang 1) isang commercial na napulaan ng husto ng kliyente at 2) isa pang project na hindi nya rin nagustuhan. Ready for boljak na ang beauty ko. Though alam ko naman na I did my best given the circumstances and the odds I was up against, sa isip-isip ko, tapos na ang maliligayang araw ko sa kumpanyang ito.

Pag-upong pag-upo namin, sabi nya sa amin ni Wendell, “You two, you study!” Ang intindi ko eh, “Mga p**a**ina ninyo, mag-aral nga kayo ulit!” Pero naka-smile sya, kaya na-weirdohan ako sa kanya. Then he went on, “You look for a school. For directing. Company will pay.”

Feeling ko ng mga panahong iyon eh ako yung babae sa Dove commercial at gusto kong sumigaw ng, “Huuu-whaaat?!” He continued, “Company will pay 80%, you pay 20%.” He kindly explained na pag kumpanya daw kasi ang nagbayad ng buo, hindi daw naming seseryosohin. Sabi ni Shacho (which means ‘Big boss” in Japanese), “I ask you to pay 20% so you will take it seriously.”

Yes, sir! Yes, sir! Woohoo! Yipee! Yesss! (Sa loob-loob ko noon eh any monument ay lalabas si Vicky Morales at magpe-play ang theme song ng “Wish ko lang,” ang palabas na nagbibigay katuparan sa mga pangarap).

Susko, di ako mapakali sa sobrang tuwa! Kay tagal-tagal-tagal ko nang inaambisyon na makapag-aral ng directing, pero alam ko naman hindi kaya ng powers ko ang tuition fee. Pero heto ako, dinala ng Diyos sa lugar na ito, at binigyan ng bagong oportunidad para matuto. Pagkatapos ng meeting namin ni Shacho, derecho agad ako sa HR at kinausap ang department manager kung anong magiging kapalit ng pagpapa-aral nila sa akin. The usual bond daw, blah-blah-blah. Which I don’t really mind. Basta! Ako’y masaya sa bagong regalong ito.

Dati ko pa iniisip sa sarili ko na ako yung tipo ng tao na sobrang tagal para mangyari ang magagandang bagay. “It just takes time for some people,” ang isa sa aking mga paniniwala sa buhay. Nagkataon lang siguro na isa ako sa mga taong yun. Pero hindi na rin ako umaangal—at least dumadating din kahit matagal. At naniniwala rin ako sa intense pleasure brought about by “delaying gratification.” Kaya nga huli ko kinakain ang balat sa fried chicken ko (Hahaha. Ang labo.) Simply put, mas gusto ko yung magtitiis ako ng matagal, tapos ang laki ng palit. Astig yun!

Nabasa ko sa isang self-help book, “The events in your life are happening in the perfect order.” At tama talaga sya. Perfect, perfect ang chronology ng mga pangyayari sa buhay ko.

Thank you, God.

Ayun lang. Susunod na lang ang ibang kwento!

July 7, 2006

Mga natutunan sa buhay

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 12:34 am

Hay naku.

Tunay na nakakatuyo ng dugo ang ibang tao. Kung kailan naman halos makalbo-kalbo na ako sa kunsumisyon dahil sa hindi ko na alam ang kahulugan ng salitang "pahinga," saka pa ako napipilitang makihalubilo sa mga nilalalng na tila nangangailangan ng isang sakong iodized salt.

Hinga ng malalim, Checheboobear…

Ilang mga paalala sa sarili:

  1. Magpasalamat ka para sa lahat ng bagay imbes na gawing hobby ang pagre-reklamo.
  2. Wag manisi ng iba. Kung ano ang nangyayari sa iyo ay dulot ng mga bagay na kagagawan mo din.
  3. Wag kalimutan ang mga taong tumutulong sayo. Wag mong isipin na responsibilidad ng mga tao na tulungan ka!
  4. Wag sayangin ang bawat pagkakataon.
  5. MAGPASALAMAT NA LANG SA TULONG, GAANO MAN ITO KALIIT. ITO AY NAKADULOT NG GINHAWA SA IYO KAHIT PAPAANO. WAG INGGRATA!
  6. Pag ikaw ay hindi marunong magpasalamat, hindi ka na magkakaroon ng patuloy na biyaya. Wag ka nang magtaka kung dumating ang panahon na walang magandang bagay ang nagtutuloy-tuloy para sa iyo.
  7. Wag masama ang ugali.
  8. Wag madamot. Wag maging makasarili.
  9. Totoo ang karma.

Dapat sampu ito, kaso ako ay name-mental block at hindi na ko makaisip.

Ayan. Kailangan ko lang maglabas ng matinding inis na kanina pa kumukulo sa kalooban ko.

Paalam.