My Turf






         I write for me.

July 10, 2006

Kwento! Kwento!

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 5:02 am

Finalmente. Konting pahinga mula sa isang nakakalokang buwan. Sa wakas ay nakapg-blog na rin ako ulit!

________________________

Come middle of June, the Tokyo office further stepped up their sales efforts and ad spots for GMA Pinoy TV in Japan are now selling like crazy. That would have been good news, if not for the fact that I am the one being relied upon to produce these commercials. Pero hindi na lang ito gaya dati na isusulat ko ang script, ido-drawing ko ang storyboard, at uupo sa editing then tapos na. Ngayon, mapangarap na ang mga partners namin sa Japan, at kasama na sa package ang shooting! Kamusta naman?! I immensely enjoy production work, but I am, to be really truthful about it, practically unlearned in TVC production. I can come up with concepts and all, but I am untrained in technical aspects. What’s not so good about all this is that I am not even given enough budget to just tap a production house and have them execute my concept. But no! Ako na ang PM, ako pa ang scriptwriter, ako pa ang director (na hindi naman talaga marunong mag-direct!) It is exciting, it is challenging, but I myself will be the first to say that the final material I first produced looks pathetically amateur. Well, pag 25 thousand lang ang budget mo para mag-shoot ng isang buong 30-seconder, asa ka pa!

Hence, I learned my lesson and demanded that they raise my budget. Sinabi ko talaga sa kanila na if you want a good commercial, you have to give me time and money to organize a professional shoot! If you keep giving me 25k for shooting, wag ka na mag-expect na professional models ang talents mo at professional ang crew mo! Ang latest commercial na ginawa ko ay para sa isang door-to-door delivery service company. Sa kliyente na nanggaling ang storyboard. Good luck sa akin, sa storyboard nila ay mukhang isda ang mga tao, sabay naka-hapon pa ang script. Gusto ko talagang umiyak nung makita ko yun. At nung mabasa ko ang lines translated in English, mas gusto ko maiyak lalo! Parang pang-afternoon drama ang script na ito!

Binigyan lang ako ng 3 araw para i-organize ang shoot kaya last week ay para akong hilong-talilong na nagtatawag ng mga modeling agencies, nagpapa-reserve ng equipment, at kumukuha ng crew na sa-swak sa aking munting budget. Ganonpaman, kinakabahan ako dahil wala talaga akong alam sa lighting, at yung mga kasama ko, although more knowledgeable than me, eh hindi pa rin expertise ang lighting. Kaso, pag kumuha ako ng cinematographer, alam kong lalampas ako sa budget at mawawalan ng pang-bayad sa voiceover talent. Pero kalaunan, naisip kong baket ko ba papahirapan ang sarili ko? Mas mahalaga pa rin ang quality at customer satisfaction, di ba? So why would I deliver lousy output when I know na the material could look much, much better if I bring in professional crew. Hence, at the last minute, I gave in and asked for referrals from my DOP-friend, Ogi (di sya pwede mag-DOP for me dahil may iba na syang gagawin. Bukod don, di ko afford ang rate nya! Hahaha). Ni-refer nya yung Mowelfund batchmate nya na si Albert, na buti na lang ay libre for the shoot at napakabait na pumayag sa nakakaiyak na TF na in-offer ko sa kanya.

I came to the shoot feeling much better, kasi at least may professional DOP na to handle lahat ng teknikalidad na hindi ko alam. We all found his work impressive naman, and the shoot went smoothly.

Albert  Nice_ito

Muka nga lang ako tanga mag-direct! Super wa-poise!

Reading_script_16  Silip_8

It also helps that I have people I already know and trust as part of the crew (i.e. Sherlyn as makeup artist and Norman as PA).

Makeup_artist Norms_pa

May mga ibang kagulat-gulat lang na pangyayari na mejo panira—tulad lang naman na ang talent eh bagong derma at some kind of namamaga ang mukha. WAAAA! Ano ba yun?! Kaloka! Buti na lang at hindi beauty product eto.

Che_with_crew Dscn3239

_______________________________

Anyways, meron akong isa pang kwento. I am soooper excited. Ganito yun. Kasi, last week was one of the busiest weeks of my life. Tuesday was particularly bad. Ang daming problems and misunderstandings with Tokyo side, etc. Our President called my manager, Ms. Mahlu, Wendell (our editior) and me into his office para i-discuss ang 1) isang commercial na napulaan ng husto ng kliyente at 2) isa pang project na hindi nya rin nagustuhan. Ready for boljak na ang beauty ko. Though alam ko naman na I did my best given the circumstances and the odds I was up against, sa isip-isip ko, tapos na ang maliligayang araw ko sa kumpanyang ito.

Pag-upong pag-upo namin, sabi nya sa amin ni Wendell, “You two, you study!” Ang intindi ko eh, “Mga p**a**ina ninyo, mag-aral nga kayo ulit!” Pero naka-smile sya, kaya na-weirdohan ako sa kanya. Then he went on, “You look for a school. For directing. Company will pay.”

Feeling ko ng mga panahong iyon eh ako yung babae sa Dove commercial at gusto kong sumigaw ng, “Huuu-whaaat?!” He continued, “Company will pay 80%, you pay 20%.” He kindly explained na pag kumpanya daw kasi ang nagbayad ng buo, hindi daw naming seseryosohin. Sabi ni Shacho (which means ‘Big boss” in Japanese), “I ask you to pay 20% so you will take it seriously.”

Yes, sir! Yes, sir! Woohoo! Yipee! Yesss! (Sa loob-loob ko noon eh any monument ay lalabas si Vicky Morales at magpe-play ang theme song ng “Wish ko lang,” ang palabas na nagbibigay katuparan sa mga pangarap).

Susko, di ako mapakali sa sobrang tuwa! Kay tagal-tagal-tagal ko nang inaambisyon na makapag-aral ng directing, pero alam ko naman hindi kaya ng powers ko ang tuition fee. Pero heto ako, dinala ng Diyos sa lugar na ito, at binigyan ng bagong oportunidad para matuto. Pagkatapos ng meeting namin ni Shacho, derecho agad ako sa HR at kinausap ang department manager kung anong magiging kapalit ng pagpapa-aral nila sa akin. The usual bond daw, blah-blah-blah. Which I don’t really mind. Basta! Ako’y masaya sa bagong regalong ito.

Dati ko pa iniisip sa sarili ko na ako yung tipo ng tao na sobrang tagal para mangyari ang magagandang bagay. “It just takes time for some people,” ang isa sa aking mga paniniwala sa buhay. Nagkataon lang siguro na isa ako sa mga taong yun. Pero hindi na rin ako umaangal—at least dumadating din kahit matagal. At naniniwala rin ako sa intense pleasure brought about by “delaying gratification.” Kaya nga huli ko kinakain ang balat sa fried chicken ko (Hahaha. Ang labo.) Simply put, mas gusto ko yung magtitiis ako ng matagal, tapos ang laki ng palit. Astig yun!

Nabasa ko sa isang self-help book, “The events in your life are happening in the perfect order.” At tama talaga sya. Perfect, perfect ang chronology ng mga pangyayari sa buhay ko.

Thank you, God.

Ayun lang. Susunod na lang ang ibang kwento!



11 Comments »

  1. Fade in Juris and Chin (MYMP): “Talaga naman…”

      Norman Vincent — July 10, 2006 @ 6:36 am

  2. Naalala ko nga, dine-delay mo talaga ang ligaya, una kitang nakitang nagtira ng balat ng chickenjoy sa philcoa jollibee, buti napigilan kong hingin ang mga balat mo nun hehehe.

      Adrian — July 10, 2006 @ 7:28 am

  3. see.. remember yung last time na comment ko? sabi ko na mas may maganda pang pwedeng mangyari sayo..at ayan na nga… congrats!!

      Betchie — July 10, 2006 @ 8:44 am

  4. asteeeg! ano? APFI ka na? kelan ka start?

      Sunshine — July 10, 2006 @ 11:10 pm

  5. Talaga naman… :-)
    Hi, Norms, Aids, Betch, and Shine!

    Sarado na ata ang enrollment ng APFI nung March pa (one year course lang kasi). At ang taas ng tuition fee nila! Feeling ko di pa naman yata ako ganon kamahal ng boss ko. Hahaha.

    Di ko nga alam kung saan pa pwede…

      Che — July 11, 2006 @ 1:53 am

  6. wow galeng,cheryl! im so hapi for u. paraket naman dyan o.

      Rey — July 11, 2006 @ 4:31 am

  7. wow che! I’m so happy for you! grabe di ba, I knew something good will come your way! o di ba talagang matagal na namin sinasabi sayo yan, remember nung mga windang days mo pa! hahahaha I love you! muah!

      Tina — July 11, 2006 @ 6:40 pm

  8. Thanks, Rey! Sige, pag kelangan ko ng talent na Wakachick. Hehehe.

    Hi, Potpot! Yeah, I remember my suicidal moments. :-) Thanks for staying with me then. Love you, too! :-)

      Che — July 11, 2006 @ 7:11 pm

  9. hi che! congrats! o di ba. parang kailan lang nagtatanong ka sakin about the airtime sales industry, ngayon one-stop shop ka na :)

      Sheila — July 12, 2006 @ 10:21 am

  10. Wow, ibang level ka na Che. Kelan lang galing ka ng Japan, then now….

    Kung kailangan mo ng assistant, pwede ako. O kaya kung nangangailangan kayo ng “negative” side ng icocommercial ninyo, eh pwede ako, anytime libre kahit pang 100th na appearrance, hahaha, joke.

    I’m happy for you?

    Wait, BF meron na ba? ;-)

      Angelo — July 13, 2006 @ 5:17 am

  11. Thanks, y’all! :-)

      Che — July 13, 2006 @ 10:11 pm

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment