Mga natutunan sa buhay
Hay naku.
Tunay na nakakatuyo ng dugo ang ibang tao. Kung kailan naman halos makalbo-kalbo na ako sa kunsumisyon dahil sa hindi ko na alam ang kahulugan ng salitang "pahinga," saka pa ako napipilitang makihalubilo sa mga nilalalng na tila nangangailangan ng isang sakong iodized salt.
Hinga ng malalim, Checheboobear…
Ilang mga paalala sa sarili:
-
Magpasalamat ka para sa lahat ng bagay imbes na gawing hobby ang pagre-reklamo.
-
Wag manisi ng iba. Kung ano ang nangyayari sa iyo ay dulot ng mga bagay na kagagawan mo din.
-
Wag kalimutan ang mga taong tumutulong sayo. Wag mong isipin na responsibilidad ng mga tao na tulungan ka!
-
Wag sayangin ang bawat pagkakataon.
-
MAGPASALAMAT NA LANG SA TULONG, GAANO MAN ITO KALIIT. ITO AY NAKADULOT NG GINHAWA SA IYO KAHIT PAPAANO. WAG INGGRATA!
-
Pag ikaw ay hindi marunong magpasalamat, hindi ka na magkakaroon ng patuloy na biyaya. Wag ka nang magtaka kung dumating ang panahon na walang magandang bagay ang nagtutuloy-tuloy para sa iyo.
-
Wag masama ang ugali.
-
Wag madamot. Wag maging makasarili.
-
Totoo ang karma.
Dapat sampu ito, kaso ako ay name-mental block at hindi na ko makaisip.
Ayan. Kailangan ko lang maglabas ng matinding inis na kanina pa kumukulo sa kalooban ko.
Paalam.
10) kung hindi man nakamtam ang iyong layunin.. isipin nalang na, may mas maganda pang pwedeng mangayari sa buhay mo… ganyan ako.. justification bah sa sarili..chooos!!
Betchie — July 7, 2006 @ 8:26 am