Mga Kanta, Ang Batibot at Iba Pang Usapang Paslit
Ang tagal ko nang gustong gumawa ng log ng lahat ng mga songs and chants na madalas gamitin ng mga bata noon pag naglalaro. Ngayon ko lang na-realize na nakakatawa pala ang mga ito, at karamihan sa kanila eh talaga namang walang sense! May nagsabi nga sa akin na meron daw dating foreigners asking for some sort of rule book on the Philippines’s street games. It’s amazing how, even with the non-existence of such rule books or song books for that matter, halos lahat ng mga ka-henerasyon ko eh alam ang lyrics ng mga kanta at pano laruin ang mga games na kinalakhan ko.
Eto ang ilan sa mga kanta at chants na naaalala ko:
Timpalok…
Actually, di ko sigurado kung ito nga ba ang title nito. Basta ang tanda ko lang ay may sagutan portion pa ang chant na ito…
Child 1: Saan ka pupunta?
Child 2: Sa Amerika!
Child 1: Anong dala mo?
Child 2: Gitara!
Child 1: Patugtugin mo nga!
Child 2: Timpalok, timpalok, tae ng manok!
Hahaha. Walang sense di ba? Ni hindi ko nga alam kung ano ang kahulugan ng “timpalok” at kung ano ang kaugnayan nito sa tae ng manok…
Monkey, Monkey, Annabelle
Monkey, Monkey, Anabelle
How many the monkey did you see? (Kamusta naman ang grammar)
**may sasagot ng bilang ng mga players**
And a riki-tiki-tik and a blue black sheep
Is-pel Yes. Y-E-S
Is-pel No. N-O.
And out you go!
Tarzan, Tarzan
Eto ang peborit tag game naming magpipinsan. At ngayon, eto na rin ang peborit kong pagtawanan dahil tunay na nakakaaliw ang lyrics nya!
Tarzan, Tarzan love Jane (talagang walang “s” eto!)
Jane love Boy
Boy love Cheetah
Cheetah love banana
Banana Q! (HAHAHAHAHA!)
Langit-Lupa
Ito naman ang perfect combination ng blasphemy at violence…
Langit, lupa, impiyerno
Im-im-impiyerno!
**Tapos crossfade sa isa pang violence-filled song…
Saksak Puso
Saksak puso, tulo ang dugo!
Patay! Buhay!
U-ma-lis ka na di-to!
Nena
Ito naman ang isang bastos na kantang pang-bata…
Si Nena ay sanggol pa
Kaya ang sabi nya ay um-ah! Um-ah-ah! (habang nagmo-motion ng sanggol na dumedede)
Si Nena ay dalaga na
Kaya ang sabi nya ay um-ah! Um-aj-ah! (at pabastos ito ng pabastos habang lumalaki si Nena…)
Indian Pana
Indian Pana, kakana-kana!
Tatlong b**log, kakalog-kalog!
(Yun na yun)
Nanay, Tatay
Ito naman ay nagtuturo ng wrong values. Kasi yung bata, inuutusang ang mga magulang nya. Ito rin ang nagbibigay ng impression na hindi okay ang magka-mali.
Nanay, Tatay, gusto kong tinapay
Gusto kong kape!
Lahat ng gusto ko ay susundin niyo!
Sinong sasali sa larong ito?
Ang syang magkamali ay pipingutin ko!
Bubuka ang bulaklak
Nabwiset talaga ako sa Viva Hot Babes dahil binaboy nila ang kantang ito. Hmp!
Bubuka ang bulaklak, sasara ang bulaklak
Dadaan ang reyna, sasayaw ng cha-cha
A-bum-ti-yaya. Bum-tiyaya. Bum-yeye! (repeat 3x)
A-bum!
Chippy-Chippy Gum
Ito yung game na may fancy hand movements pa!
Chippy-chippy gum is the bubble gum
Masarap ito at malinamnam
Bumili kayo sa tindahan
Chippy-chippy gum is the bubble gum!
Jack and Poy
Jack and Poy
Halle, halle-hoy
Sinong matalo, syang unggoy!
Bato-bato-pik
Bato-bato-pik! Bato-bato-pik! (dere-derecho lang hanggang sa may matalo…)
80s Kid
I love my generation. Kasi pasok tayo sa mga traditional Filipino childhood, pero na-witness din natin ang pag-develop ng iba’t-ibang teknolohiya. Napaka-colorful ng generation na ito. Although minsan, naiinggit ako sa mga taong naka-experience makipaglaban sa diktaturya nung Martial Law (para kasing may dating na mas makahulugan ang pamumuhay ng panahong yun), I guess our own generation has its own struggles and victories to be proud of.
Mejo worried lang ako sa younger generations I couldn’t help but feel that they are deprived somehow. Wala silang Batibot at Sesame Street (although meron naman silang Dora the Explorer, nagtuturo pa ng Spanish!) Nagtataka nga ako kung baket nahinto ang production ng Batibot. Sa totoo lang, napakalaking impluwensya ng palabas na Batibot sa akin. Ayaw ko noon ng Sesame Street. Loyal Batibot Fan ako. Natuto ako ng moral lessons sa mga kwento nina Kuya Bodjie, Ate Shenna at Kuya Mario. Mahal ko ang lahat ng characters mula kina Kiko Matsing, Pong Pagong, Manang Bola (Perlas na bilog, wag tutulog-tulog. Sabihin mo sa’kin ang sagot. Ba-bebi-bobu!), Irma Daldal sa Likod ng Putting Tabing (Direk! Direk!), Ning-ning at Ging-ging… Hanggang ngayon kabisado ko pa rin ang ilang kanta tulad ng Alin-alin ang Naiba, Pagsama-samahin ang Pare-pareho, Tinapang Bangus, Alaga Namin si Puti, at syempre, ang Batibot Theme. Minsan nga, nakita ko si Kuya Bodjie sa PowerBooks. Gusto ko sya lapitan at kausapin at magpasalamat. Gusto kong malaman nya kung gaano kalaking impluwensya ang Batibot sa kabataan ko.
Nung isang araw daw nag-guest ang Batibot cast sa Unang Hirit. I think may efforts na ibalik ito, kahit sa pamamagitan na lang ng pag-bisita nila sa mga skwelahan. Ang puppets daw na sina Ning-ning at Ging-ging, ginawa na daw lifesize. Sabi nga nag kaopisina ko, si Ning-ning at Ging-ging daw nagmukha nang Susy and Geno (remember, sila yung mga mascot na dumadalaw sa schools natin at namimigay ng Sustagen nung mga bata pa tayo!) Iba pa rin talaga ang original na Batibot!
Lumaki ako sa Barrio Pacita, isang poverty-stricken barrio sa Caloocan City. Baranggay Captain ang daddy ko noon at sa private school ako nag-aaral, pero ang mga kalaro ko eh yung mga anak ng kapitbahay namin. Natuto akong magbasa dahil sa Funny Komiks, sa tulong nina Niknok Manok saka nina Bardagol at Matsutsu sa Planet of the Eyps.
Sobra rin akong hilig sa Cartoons—mula Looney Tunes hanggang sa iba’t ibang Disney Characters (favorite ko si Chip and Dale!). Nagustuhan ko rin ang Carebears…
Pero ibang-iba na ngayon. Nung isang araw, napanood ko sa HBO ang Carebears, 3D na! Pati sina Mickey Mouse, 3D na din! Pero hindi ako natuwa. Tapos, sabi nila sa ibang bansa, si Donald Duck pinagbawal kasi wala daw shorts. Bawal na rin yata ipalabas sina Tom and Jerry (ang sabi ng kapatid ko, dahil daw ito sa ilang eksenang nakikita si Tom na naninigarilyo). Lahat ng cartoons na ito ay pinanood ko ng sobra-sobra, pero wala naman itong naging masamang epekto sa aking paglaki. Hindi naman ako lumaking bastos o perverted dahil sa nakita ko si Donald Duck na walang shorts. Hindi rin naman ako lumaking violent dahil napanood kong naghahabulan sina Coyote at Road Runner. Kung nag-yosi man ako noon, malayo naman na impluwensya ni Tom the Cat ang dahilan. Para sa akin, ang masarap nga sa pagiging bata eh yung wala kang malisya, wala kang pinag-iisipan ng masama o kabastusan. Naiinis nga ako don sa mga ibang taong wala nang ibang malay gawin kundi hanapan ng reklamo pati ang mga cartoons, ang “demonic” messages daw kapag binack-mask ang mga kanta, ang mga “subliminal” meanings sa kahit anong likha na kadalasan naman eh exaggerated na lang at dulot lang ng mapag-hinala at maduming pag-iisip.
Palagay ko, kaya lalong lumalaking intolerant at impatient ang mga bata ngayon eh dahil naging overprotective na ang society. Dahil sa kapraningang dulot ng kung ano-anong pag-aaral, lumiliit ng lumiliit ang mundong naiiwan sa mga bata para mag-enjoy, maka-discover ng mga bagay, at makaipon ng mga alaalang babalikan nila kasama ng mga ka-edad nila hanggang sa pagtanda.
Parang mas na-develop sa kanila ang takot sa kung ano-anong bagay. Kami noon, ang naaalala ko lang na kinatatakutan namin ay a) ma-kidnap ng Bumbay; b) Multo sa bodega; c) Mapalo ng nanay/tatay. Pero libre kaming lumabas tuwing hapon, makipag-takbuhan sa kalsada na walang takot sa germs, Abu Sayyaf, kidnap for ransom… Ngayon, nakakalungkot na wala na halos mga batang naglalaro sa kalye. Para sa akin, dito pa naman unang nade-develop ang people skills, ang human interaction…dito ka unang natututo mag-handle ng rejection, ng pagka-talo…dito mo una nare-realize ang value ng teamwork…
Sana lang hindi masyadong maging deprived ang mga bata. Wag sana silang pag-bawalang magbasa ng komiks o manood ng cartoons. Hayaan sana silang maglaro tuwing may pagkakataon. I’d love for my kids to have as a great a childhood as I, as well as most friends I know who are from the same generation, had.
Grabe! Our childhood, the best talaga! Natatawa ako sa mga kanta naten. Mahal na mhal ko din ang Batibot. Naalala ko pa tumatakas ako sa nanay ko tuwing hapon kase gustong gusto kong maglaro ng patintero…hay nakaka-miss! Sa probinsya..tuwing bilog ang buwan masarap maglaro ng patintero..binabasa ng tubig yung lupa at ayun game na!
- iAnnE - — September 11, 2006 @ 8:44 pm
che, di mo nasama si TOTO PEG at si KUNSIYENSYA at yung kanta na ISKARGU, isda, karne at gulay…. oo nga malungkot buhay ng mga bata ngayon….na miss ko tuloy ang funny komiks, lagi kami bumibili nyan ng kapatid ko sa palengke ng proj. 4 at syempre sa bayan palengke….
Alvin — September 12, 2006 @ 12:19 am
haha, che would you believe…some of these songs kinakanta pa din ng mga nieces ko ages 5 & 7 debah. di lang siya pang-80s. they transcend generations. isa pang senseless song: “…1,2,3 asawa ni marie, araw-gabi, walang panty.” duh. malamang di ba, kasi naka-briefs. unless babae ang asawa ni marie, puede
nonie — September 12, 2006 @ 5:20 am
hey che, my favorite there is “bubuka ang bulaklak..kasi palagi ako yung sumasayaw sa ginta hahaha! anyway i used to watch kids here, at tinuturuan ko silang maglaro ng “jolens”,they liked it.My son now used to watch “Dora the explorer” and Spongebob…I think its cool. Nasa bata naman talaga yun, kung ma va validate sa kanila yung mga pinapanood nila..but for me, ayokong maging ipokreta sa anak ko.lalo na pagdating sa panonoorin..
Betchie — September 12, 2006 @ 8:21 am
Nagsimulang machurva ang production ng Batibot when Children’s TV Workshop (producer of Sesame Street) made bawi (made bawi?!) sina Pong at Kiko. Sila ang may-ari ng mga character. Naberna daw kasi ang CTVW nang manalo ang Batibot ng Prix Jeuness Award at natalo sila. Bilang ganti, binawi nila ang pagong at ang matsing. At mismanagement din daw, ayon sa aming cameraman na Batibot alumni. Ang mga empleyado daw, mga two years na walang sweldo. (Hanggang ngayon di pa din sila binabayaran ng PCTVF, producer ng Batibot. Pero meron pa ding Batibot, mga school tours na nga lang daw. Tintry pa nila irevive ang glory days when they introduced Koko Kwikwak. Pero di sya as mabenta as Pong and Kiko. At may chizmax pa na may kinalaman daw ang isang odd number-network kung bakit nawala ang batibot. Kaya ayun. Paalam mga bata! (Paalam!) Proud to be an ’80s baby pa din.
Norman Vincent — September 12, 2006 @ 8:55 am
Ako din 80’s kid!
I heard about this explanation why Batibot has ceased airing…
Kasi pala Sesame Street was threatened, apparently sila din ang producer nito.
I dunno kung gaano
katotoo ha…
I’ll try to ask Kuya Bodjie when I see him.
Olive — September 13, 2006 @ 1:40 am
Ah si Kiko at Pong lang pala ang pag-aari nila…
Olive — September 13, 2006 @ 1:46 am
In fairness sa amin ng mga kalaro ko sa parang, marikina noon, tama ang grammar namin “how many monkeys did you see?”. pati kina shine din sa cainta, tama sila, hehehe. tama si norman, nung nagthesis ako about batibot, biglang nawala nga sina kiko at pong, pero parang ang nasagap ko e dahil bigla daw minahalan yung rights sa dalawang mascot. isa pang gusto ko sa batibot ang ep nila na paggawa ng miki, tapos ise-serve namainit na bachoy. sarap!
Adrian — September 13, 2006 @ 6:29 am
dati nga sa broad ass napag-usapan na natin ‘yung geography of certain songs. example ‘yung “i love you teleber-teleber” sa amin sa marikina nagiging “i love you teddy bear-teddy bear” sa manila. sa probinsiya pa yata nagiging “i love you telephone-telephone.” siguro bilang longing for a telephone? hmmm…
nagsimula ang career ko sa pagkukuwento sa mommy ko ng kinuwento ni kuya bodgie that morning. matiyaga namang nakikinig ang mommy ko habang nagsa-shampoo o kaya nagtatanggal ng make-up.
naalala ko pa i got into trouble in school nu’ng grade 6 nang kantahin namin ang “isda-da-da-da! isda!” ni irma daldal nang naka-duster hahaha!
Rey — September 13, 2006 @ 11:30 pm
Sobrang agree ako sa yo mare! I think we were really fortunate because we actually had the time to be KIDS! Ngayon ang mga bata they don’t even want to go out on the streets, di na uso ang patintero or and langit lupa.
Haaayy…
Anyways, reading your blog made my morning, syempre sumasayaw sayaw pa daw ako habang kingakanta ko yung mga kanta.
Jenny — September 14, 2006 @ 8:51 am
Saan pa kaya merong mga kantang katulad ng mga inisa-isa mo? Kelangan ko lang ang mga ito para sa isang pag-aaral ng mga awit ng mga batang Pinoy. Salamat nang marami dahil malaking tulong ito. Asahan mong isa-cite kita as reference sa biblography ng ginagawa kong pag-aaral. Muli, maraming salamat
Rener — March 10, 2009 @ 3:11 am