My Turf






         I write for me.

October 11, 2006

Mga Paboritong Commands sa MS Word

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 4:16 am

Kaya kong gamitin ang MS Word kahit walang mouse. At yan ay posible lamang sa pamamagitan ng pag-memorya ng shortcut keys.

Kadalasan ng keyboard shortcuts ay comprised of the Ctrl button at ang unang letra ng command. Halimbawa, Ctrl + J ang shortcut command para sa Justified alignment. Ctrl + L at Ctrl + R naman para sa Left  and Right alignment, respectively. 

Ctrl + Enter at mapupunta ka sa susunod na pahina. Ito ay para hindi mo na kelangang pindutin ng 100 times ang Enter key para lang magsimula ng pagta-type sa bagong page.

May mga ibang shortcuts naman na hindi ang first letter ng command ang gamit. Tulad ng Ctrl + E – For Center alignment. Dahil ang Ctrl + C ay para sa Copy command. Nandyan din ang Ctrl + X para sa Cut command. Ctrl + V naman ang gamit para sa Paste (dahil ang Ctrl + P ay shortcut na para sa Print!).

At kung gusto mong palakihin ang font ng hindi gamit ang cursor, i-select ang text (Shift at ang appropriate arrow key) at pindutin ang Shift at Ctrl keys ng sabay. Hold them down and press the > (greater than) button to increase size, or the < (less than) button to decrease font size.

Isang trick din pala sa mas mabilis na Cut and Paste method: ang Drag and Drop. Napaka-helpful na trick na ito lalo na sa mga tulad ko na matagal bago mag-finalize ng structure sa sinusulat. Madalas, what I initially intended to use as intro ay nagiging ending, ang ending ay nagiging intro, at mga pang-gitnang paragraphs ay nalilipat din sa kung saan-saan. Para gawin and drag-and-drop trick, i-select ang text na gustong ilipat ng pwesto. Click on the whole text block, hold down the left mouse button, and drag to the position in the document where you want to transfer it.

Kung mangyaring wala kang maalala sa mga shortcut keys na ito at ayaw mo pa ring mag-mouse, pindutin lang ang Alt key kasabay ng letter na naka-underline sa bawat option sa Menu Bar (kunyari, Alt + F para sa File or Alt + A para sa Table).

Malaking tulong din ang Function keys o F keys sa ibabaw ng keyboard mo (di ko nga lang sure kung may F keys din sa Mac):

§         F1 ang shortcut to access the Help menu in any MS Office program.

§         Press F5 to refresh the screen

§         F12 to automatically go to the Save As dialog box

§         F7 to check your Spelling and Grammar. Highlight a word and press Shift + F7 naman para buksan ang Thesaurus (boy, this is my favorite MS Word tool!).

§          Alt + F4 naman ang gamit para isara ang kahit anong MS Office program.    

Alam niyo bang ang unang-una kong trabaho ay Technical Writer (i.e. tagasulat ng content for user manuals, Help, at online tutorials ng mga software)? Kaya mejo enjoy din ako sa pagsusulat ng mga instructional eklavoo na tulad nito. Ang geeky, no? J

Kung ikaw ay galit kay Bill Gates, allergic ka sa Windows, at advocate ka ng FOSS (Free and Open Source Software), magagamit mo pa rin ang keyboard shortcuts na ito. Nung nasa NGO pa ako, ang gamit namin ay Open Office (counterpart ng MS Office ni Gates, pero ito ay license-free at pwede mo pa pakealaman ang programming). Halos parehas lang ang functions at commands kaya wala namang problema. 

May alam ka pa bang ibang shortcut commands na wala dito? Share naman!



4 Comments »

  1. salamat sa tips. napakamasa friendly hehe

    Ctrl/Apple + Tab = shift from one program to another, movement left to right (kunwari ikaw ay nagmumulti task sa pag-edit / sulat at nakikichat sa YM at the same time.)

    Ctrl/Apple + ~ (tilde?) = shift from one program to another, movement right to left.

    ***

    you talked of the drag and drop in one sentence but you also talked about a mouse. kala ko ba walang mouse? ano ba talaga ate? :-D

      Mutya — October 11, 2006 @ 11:07 am

  2. Ctrl + A to select all :)
    MS Word girl ako nung college. Ngayon naman MS Excel ang trip ko.

    Mabuhay ang computer applications!

      Lalaine — October 14, 2006 @ 8:40 am

  3. woooooww this is probably your most exciting post to date hahaha. forgive me i’m just drunk

      Ianco — October 16, 2006 @ 1:04 pm

  4. Hay, Ianco…parang nakini-kinita ko ngang hihirit ka ng ganyan sa post na ito. Hahaha! Isang bucket pa nga dyan! :-)
    Mabuhay ang nerds na gaya ko! Charing!

      Che — October 16, 2006 @ 5:53 pm

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment