Trip down memory lane: Late 80s to Early 90s
Pa-jolog-an portion! Eto na ang mga nakapangingilabot na trip ko nung late 80s to early 90s!!!
I. ENTERTAINMENT
- Nauso ang rap stars. Peborit ko nun si Francis Magalona, especially his “Mga Kababayan Ko” ay “Cold Summer Nights.” (DJ, can I hear some scratch!)
Si Andrew E. naman, bagaman hindi ko favorite, eh sumikat din ng sobra! With his timeless classics Humanap Ka Ng Panget, Binibirocha, at syempre, ang Andrew Ford Medina, among others.
Sing with me now… (Aminin! Sigurado akong maka-kanta mo ‘to!)
ANDREW FORD MEDINA
Guess what, you know last night
Yo, it was the best
I met a pretty girlie na taga-IS
Mayro’n siyang mga kasama, four to make it sure
Isa lang ang aking napuna, lahat sila demureKaya’t ang sabi niya, "Hey Andrew,
I would like you to meet my friends"
And believe me, lahay sila ay may Mercedez Benz
This is Ana, this is Karen, this is Tanya, this is Jill
Lahat sila nakatira sa San Lorenzo VilleAmong the four, kay Ana, ako napatingin
At pagkatapos no’n si Ana ay biglang lumapit sa ‘kin
Tinanong niya ‘ko "Hey Andrew, can I have your number too?"
Sumagot ako, "801-67-22" (I swear nung bata ako ay tinatawagan ko pang number na ‘to!)
- Sumunod kay Andrew E. ay ang bago pa lang sumikat noon na si Michael V. Hindi ko na alam kung ano ang title, basta pangontra lang sa “Humanap Ka Ng Panget” ni Andrew E. Ang kay Michael V. naman goes, “Kung gusto mo ng panget, wag mo na kaming isabit!” Dumating din si Lady D with Sa-sa-sadami (this is in the wake of the Gulf War, Iraq vs. Kuwait) “Sa-sa-saddami ng problema natin, sa-sa-saddami ng utang pa rin, sa-sa-saddami ng kaguluhan, sumasakit ang ulo ng mamamayan!”
- Saigono Iwake na kinanta ng di mabilang na artists. Actually, una itong sumikat as “Ikaw Pa Rin Ang Iibigin Ko” ni Ted Ito, tapos sumunod ang English version ni Keempee de Leon na “Saigone Iwake, My One and Only. ”
- Sa di ko maintindihang ka-dahilanan, naging big hits din ang songs ng mga kid singers. Isa na dyan ang “Eh Kasi Bata” (na nakalimutan ko na kung sino ang kumanta) at ang makasaysayang, “Ang Batang Lumaki sa Sinturon” ni LA Lopez.
- Sobrang usong dance steps ang Running Man, Roger Rabbit, at Scissors…
- Pango pa si Regine Velasquez. Hindi pa rin sya maputi. Ang sikat nya pang kanta ay Narito Ako at Promdi.
- Hanggang ngayon, isa sa pinaka-romantic OPM hits para sa akin ang “Basta’t Kasama Kita” ni Dingdong Avanzado. Bumili pa ako ng tape nito nung grade 5 ako. I think nandon din sa album na iyon ang, “Tatlong Bentesingko.”
- Meron akong tape ng “Sharon Sings Valera” na pinapakinggan ko tuwing umaga. Kahalinhinan ng album ng APO Hiking Society na noon pa man ay paborito ko na.
- Ang kauna-unahang CD ko ay album ni James Ingram
- Ang tatay ko ay mahilig sa Karaoke. Kaya sobrang dami naming collection noon ng mga Minus-One at Multiplex—yung mga tipong 4 na tapes sa isang package, tapos may kasamang lyric book na mali-mali naman. Hehehe.
- Isa akong big fan ng Air Supply (yeah, I’m a sucker for cheesy love songs!)
- Ang radio stations na lagi kong pinakikinggan ay 97.1 Campus Radio at 93.9 na palaging may joke time.
- Ang 101.9 WRR ay Romance Radio pa. English ang language, at mejo high-end pa ang target market.
- Feeling ko lahat ng ka-henerasyon ko ay nakaranas sumayaw sa school o sa parties ng either of the following:
- Supersonic ng The Jets (S if for Super and the U is for Unique! The P is for perfection…)
- Name Game ni Madonna (Tony, Tony, To-Tony, Fanana-fana-fo-Fony, Fi-fie-mo-Mony…Tony!)
- Electric Youth ni Debbie Gibson
- Mga bastos na kanta tulad ng “Sally (that Girl!)” at “Doo-wah-diddy (diddy-dam-diddy-doo!) na later on ay naging song sa AngTV pag 4:30 na!
- Merong nakakadiring radio contest ang Tuseran Forte noon kung saan iu-ubo mo sa telepono ang tono ng isang kanta! (Kamusta naman, anti-cough nga kasi itong Tuseran).
- Sikat pa si Tito Pepe ng Kwarta o Kahon (na ang taping ay laging sa sosyal na sosyal na SM North)
II. POLITICS/ SOCIAL ISSUES
- Gulf War ni George Bush…and history now repeats itself with the son…
- Ang nakakatawang agawan for Presidency nina Fidel Ramos at Miriam Santiago.
- ANG BROWNOUT! Pero dito ko talaga napa-tunayan ang resilience at unbelievable capacity to stay happy ng mga Pilipino. Ilang taon din na araw-araw ang napaka-habang brownout, pero di lumaon eh nakasanayan na rin ito, at naging source of fun pa nga for some! Tulad sa village namin, may iisang bahay na may generator. Tuwing brownout na sa gabi, people of different ages flock to that house at don nagchi-chikahan at naglalaro ang magka-kapitbahay hanggang bumalik ang kuryente! Come to think of it, those times were fun, too! For more bonding! Nagre-review ako ng lessons at gumagawa ng assignment na naka-kandila o gamit ang maliliit na bumbilya na kinakabit namin sa car baterries using alligator clips. Pagka-pasko o new year, parang regalo ng gobyerno na walang brownout! Everyday, tatawag ako sa Meralco (631-1111 pa ang hotline number nila) at magtatanong kung ilang oras ang brownout. Sasagot sila ng tipong, “8 hours po!” tapos magte-thank you lang ako at ibababa ang telepono ng walang reklamo. Pero ngayon, sandali lang mawalan ng kuryente ay hindi ako mapakali!
III. ICT (Info and Communication Technology)
- 6 digits pa ang landline phone number (ang number namin na 90-35-68 ay ginawang 939-35-68)
- Ang phone pa namin noon ay yung kulay itim na ubod ng bigat tapos de-ikot pa ang dial (kaya totoo noon ang “napudpod na ang daliri ko sa pag-dial!” pag laging busy ang line ng tinatawagan)
- Ang cellphones noon ay parang ga-cabinet sa laki, tapos ang antenna ay kasing-laki ng ballpen! Ang in pa ay ang pagers (EasyCall at Pocketbell!) tapos dapat alam mo ang corresponding trunklines para makapag-padala ng messages.
- Ang computer ko ay parang kasing laki ng personal refrigerator. Pa-higa pa ang porma ng CPU. Tapos kelangan mo pa ng DOS para mag-boot ang iba’t-ibang programs (pwera na lang kung self-booting sya), and dapat alam mo pa kung ano-anong commands na kelangan i-type sa C prompt (C://) to make it run. Ang dami kong 5.25” floppy diskettes na talaga naman ubod ng prone to viruses at ang daling masira!
Wala pang Windows (nung nagpalit ako ng computer nung highschool na ako, ang aking “brand new” PC was running Windows 3.1). Pero nung elementary days, I was using Wordstar and Lotus. Tipong para makapag-boldface, italicize o underline ka ng isang word, kelangan alam mo ang appropriate beginning tag at end tag. Para ka na ring computer programmer, eh nagta-type ka lang naman! Hahaha.
IV. Literature
- Napaka-laking impluwensya sa akin ng Sweet Valley Twins at Sweet Valley High! Feeling ko kung magkakaroon ng ala-Game Ka Na Ba na ang trivia questions ay tungkol sa characters ng Sweet Valley, magcha-champion ako!
The Wakefields: Ned, Alice, Steven, Elizabeth, Jessica. Middle school/ HS Friends: Amy Sutton, Enid Rollins, Lila Fowler, Janet Howell, Ellen Riteman, Mary Wallace, Jeffrey French, Todd Wilkins, Cara Walker, Dana Larson, Aaron Dallas, Bruce Patman, Tom McKay, Winston Egbert, Caroline Pearce, Olivia Davidson, Mr. Collins, Mr. Bowman… Sigh.
- Nung mejo nag-dalaga na ako, naging Sweet Dreams naman isa sa akin favorite reading stuff. And the all-time favorite is, of course, Wrong Way Romance ni Sherry Cobb South (na ang characters ay nagngangalang Darby Hanes and Bruce Eduards). HAY! Kung teenage kilig literature ang pag-uusapan, itong librong ito ang ire-recommend ko sa kahit kanino! Nakakabwiset kasi may humiram ng kopya ko nito at hindi na ibinalik sa akin.
- Sobrang mura ng mga pocketbooks noon. Ang Sweet Valley at Sweet Dreams ay 54.00 lang sa National Bookstore (at P 40.50 nga lang sa Goodwill!). Ang shelves ko noon sa kwarto ay punong-puno ng pocketbooks. Halos ma-kumpleto ko ang Sweet Valley collection, pero bad trip dahil inanay ang shelf ng hindi ko napapansin kaya ang dami kong librong napilitan akong itapon. Huhuhu.
V. FASHION
- Shoulder pads (mukhang football players ang mga babae non!), bulldog shoes
VI. FOOD
- May naglalako/ nagde-deliver pa ng Magnolia Chocolait (na nasa malalaking glass bottles pa! Yummy!) at Yakult!
omigawd! ako din, all-time favorite ko sa sweet dreams ang wrong-way romance
“you loud-mouthed neanderthal!” - yun ung magic words! hehe
Ren — October 23, 2006 @ 8:52 am
Fashion — Idagdag pa natin ang naka-tease na bangs with matching colorful headbands.
Lalaine — November 3, 2006 @ 8:04 am
Hahhaha. Naaalala ko rin ang lyrics! Saya! Don’t you just want to go back and never get old ever, not having to worry about bills!
Sheiko — December 29, 2006 @ 5:43 am