Droning Conversations
SCENE 1. EXT. LATE AFTERNOON. KIOSK.
It’s year 1999. Papalapit na ang pasko. Ang orgmates at college seniors na sina Rey at Che ay nag-uusap sa ilalim ng notoriously ma-higad at ma-insektong puno sa isa sa mga kiosks ng Masscomm. Tawanan at insultuhan as usual. Nag-shift ang usapan sa fast-approaching Christmas (na siya ring kaarawan ni Rey). Ang Che ay biglang naging seryoso at napamuni-muni. For some reason she couldn’t quite place, the Christmas season always weirdly brings about depression episodes. Muli na naman nyang naalala ang hapless, seemingly ill-fated quest for a special someone. Nag-drama ito bigla sa kaibigang si Rey.
CHE
Baket ganon? Baket hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend? Hindi na yata ako magkaka-boyfriend kahit kailan! Am I destined to be single for life? Nooooo….
REY
Hello?! Ilang taon ka na ba?! Bente? Ang bata-bata mo pa!
SCENE 2. INT. RESTAURANT. EVENING. PRESENT TIME.
Isang kailangan mag-unwind. Isang broken-hearted. Lunurin ang pagod at sama ng loob sa alak. Sina Rey at Che lang ang nasa table, pero siguro dahil sa medyo marami na silang nainom, lumapit ang waiter at tinanong kung gusto na lang nilang um-order ng beer bucket. Tumanggi nung una, pero di kalaunan ay nilapag din ang bucket na ito sa mesa nila. Drink ‘til you drop party for two ba ito?
CHE
So malungkot ka?
Tatango lang si Rey. Buntong hininga.
CHE
At least you now know what you’re dealing with.
REY (sudden outburst)
Why are we f*cking single?! Ang dami-daming taong panget, masama ang ugali, walang direksyon ang buhay, nasa call center…pero may love life! Baket tayo, wala?!
CHE (naki-swimming na rin sa sea of loneliness ni Rey)
Alam mo, Rey, college pa lang ganito na ang usapan natin! Nung 20 pa ko, sabi mo wag akong mag-alala kasi bata pa naman ako. Hello, 27 na ko ngayon! Can I panic now? (Short pause)
Baket kasi ang love hindi kagaya ng ibang bagay na pwede mong tyagain? Pag nag-practice ka ng nag-practice, pag nag-aral ka ng nag-aral, darating ang oras na makukuha mo rin yung gusto mo. Halos lahat, pwede mong pag-sikapan, pwedeng gawan ng paraan. But love…kung hindi ka nya magugustuhan, hindi ka nya magugustuhan!
Sandaling mapapatahimik at mapapa-isip si Rey.
REY
Kilo-kilometro ang kaya kong languyin, takbuhin, i-bisikleta…pero baket hindi ako kayang mahalin?
CHE
I know there are people meant for single-blessedness, and there is absolutely nothing wrong with that. But that is something I would really hate to happen to me.
REY
Naalala ko yung isang episode ng Ally McBeal. Girlfriend ng pastor yung choir leader. One day he just broke up with her. Sabi nya pa don sa girl, “Everyday I pray, ‘Lord, make me feel it!’ But I didn’t.”
CHE
Putek! Ang sakit naman nun! Tapos you couldn’t blame the person kasi hindi nya rin naman kasalanan na hindi ka lang talaga nya mahal. Tipong, ‘There is nothing wrong with you. But I don’t love you.’
REY
Gusto ko na talaga magpunta sa psychologist. Baka merong mali sa akin na hindi ko nakikita.
CHE
Ano ka ba?! Walang mali sa’yo. There’s no one to blame, really.
REY
Kasi laging ganito ang nangyayari sa akin…there must be something wrong with me…
CHE
Napanood mo ba yung movie na Keeping the Faith? About a Priest and a Rabbi who were in love with the same girl. Then she just ended up falling for the Rabbi. Ang sakit nung sinabi ng Priest. He told her, ‘I’m the best version of myself when I’m around you. And the fact that you don’t like me makes me doubt everything else.” Imagine! Tipong, ito na nga yung pinaka-okay ko, pero ayaw mo pa rin sa akin?! Baket? Bakeeet?!
REY (Mapapa-mura)
What if I don’t find him?
CHE
Gusto ko pa ring maniwalang merong para sa akin. Pero pano nga kung wala?
Pitong taon ulit mula noon, isa pa rin bang eksena ng malungkot na pag-uusap tungkol sa pag-ibig na hindi mahanap-hanap ang kasunod?
END. TO BE CONTINUED.
Pwede ba kong sumama sa susunod niyong inuman? Parang swak na swak ako diyan e…
Hahaha!
Melissa — November 8, 2006 @ 1:48 am
Talagang may “nasa call center…” Ahaha! Hala kayo!!!
Norman Vincent — November 8, 2006 @ 6:45 pm
napaka-depressing naman ng inyong usapan ni agapie. we saw each other yesterday din and yan din ang lament ni rey. siguro ang love, kanya-kanyang panahon lang yan, it doesn’t mean you a bad person or sumthin pag walang taong magmahal sayo that way. of course, it’s easy for me to say this because i’m not in your position.
and that episode of Ally McBeal rings true, cuz in the past, i kept on praying that but it still did not happen. in the end, i just had to be true to myself.
which brings me to say, syet naunahan mo kong mag-blog about a conversation with rey agapay haha! sobrang insightful kausap ang lola.
nonie — November 9, 2006 @ 2:49 am