My Turf






         I write for me.

April 19, 2007

It wasn’t always rosy times…

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 4:04 am

I am an Optimist. Have always been one. Oooh, of course I complain and rant and whine a lot even til now, but I realize optimism could never leave me.

I was going through my old blog (I don’t use it anymore, and I don’t allow anyone to access it), and  I was reminded of how, even during the toughest years of my life so far, I was able to hang on–albeit just barely–to my sunshine.

Mahabang basa ulit ito, pero gusto ko lang i-share. Ang buhay hindi palaging maganda. Pero hindi rin ito palaging masama. It could always be a source of strength, of beauty, of learning, of goodness, of big and small blessings and gratitude and joy even during the hardest of days–if we only know where to look.

_____________________________________________________________

Tuesday, July 06, 2004

Buhay Freelance

Mahirap mabuhay bilang isang freelance writer. Talagang alam na alam mo ang ibig sabihin ng “When it rains, it pours.” Kung dumating ang projects, sabay-sabay. Para bang wala nang bukas para mag-trabaho. Pero kung bumagsak naman ang malas (i.e. mga 3 buwan kang walang raket), bulto-bulto din.

Nakatira ako sa isang apartment nung magsimula akong mag-freelance. Bukod sa wala akong choice kung hindi bumukod sa mga magulang ko (kelangan na nila lumipat sa bahay namen sa probinsya dahil masyadong magastos ang mag-renta ng bahay para sa isang buong pamilya dito sa Maynila), sukang-suka na ako sa pagsusulat ng mga user manuals at Help (opo, isa ako sa mga sumusulat ng Help na lumalabas pag pinindot mo ang F1) para sa mga software na ni hindi man lang binebenta dito sa Pilipinas. Malakas ang loob kong umalis, dahil sabay-sabay ang mga projects na ginagawa ko noon–sulat para sa magazine X, researcher sa magazine Y, editorial assistant sa magazine Z, scriptwriter para sa video ng isang malaking kliyente…

Hindi ko naman naisip na habang naghihintay ako ng mga tseke ko galing sa mga raket na yun, eh magta-tagtuyot ang aking venture into the freelance world. Ang inisip ko nung una ay meron lang lull. Kelangan ko din naman ng pahinga, sabi ko sa sarili ko. Sobra akong burned-out matapos ang halos 2-buwang walang puknat na pagpapa-takbo ng utak para maka-abot sa iba-ibang deadlines. At dahil nga bago ako sa pagfi-freelance, may mga projects akong na-prioritize at meron akong mga napabayaan. Inaamin ko naman eh. Lagi ko naiisip, “Well, I did fuck that up.” Syempre, hindi sinasadya, pero towards the stretch, tamad na tamad na akong gawin yung mga responsibilidad ko. Hindi dahil sa wala nang oras, pero dahil sumisigaw na yung katawan at utak ko ng “Ayoko naaaaa!!!” Maniwala ka, pag mahigit isang buwan ka nang nakikipag-bolahan sa media bureau ng kung sino-sinong trapong kandidato o kaya eh alas-singko na ng umaga ng Lunes (ibig sabihin nag-trabaho ka on a Sunday at umabot na hanggang kinabukasan) ay nakaharap ka pa din sa computer at natutuyot na sa kaka-isip ng magagandang bagay tungkol kina Jamby, Bong Coo, Maceda, Enrile, Lito Lapid o Jinggoy para lang masabi that your magazine practices “balanced journalism”, hindi ka na din matutuwa.

Due to exasperation, dumating na sa punto na mas pinipili ko pa tumambay kasama ang bespren ko sa isang kapehan kesa pumunta sa opisina nung magazine na yon at gawin ang trabaho ko. Ang excuse ko non, "@^&%# !, limang libo lang ang ibabayad nila sa akin, isang damukal na articles ang pinapasulat nila!—wala pa ang pangalan ko sa byline! LINTEK!”

Pero kahit na, mali pa din yun. Tinanggap ko ang trabaho na alam kong limang libo lang ang ibabayad sa akin. Kahit pa magulat ako na ganon pala yung bulk ng responsibilities, dapat gawin ko pa din sila ng tama dahil yun naman ang dahilan kung baket ako kinuha para sa project na yun.

Don naman sa isa pang magazine na pumalpak ako, hindi ko lang talaga sya nabigyan nga panahon. Medyo isang factor din kasi na hindi ko naiintindihan kung ano ba ang expected sa akin bilang editorial assistant, so I took it lightly. Pero kahit na. Ignorance, in that particular situation, is inexcusable. The editor is a very good friend, at malamang naman ay tutulungan nya ako sa mga hindi ko naiintindihan. Kung nagtanong lang ako at nakipag-linawan kung ano ba ang mga ine-expect nya sa akin.

Oh well, Jowell.

Major lesson learned: ATTITUDE OF GRATITUDE … na dapat pag-trabahuhan ko ang isang proyektong pinagkatiwala sa akin at wag sayangin ang bawat opportunity na dumating kahit hindi ko hinanap. A pleased client will ALWAYS think of you first every time there’s a need for the service you can render. Syempre, dahil nga palpak ako sa magazines Y and Z, hindi na nila ako kinuha ulit para magtrabaho sa mga sumunod na issues. Hindi na ako nagtaka at hindi ko rin naman sila masisisi.

Poor-iray Portion

Kung mag-desiyon kang iwanan ang iyong 8-5 job at career-in na lang ang pagfi-freelance, dapat malaman nyo na halos lahat ng mga magazines eh a month after publication date kung magsipag-bayad. Kaya talaga namang nung matapos lahat ng projects ko, 2 buwan akong walang trabaho at walang pera. Naranasan ko pa na isang araw, walang laman ang wallet ko kundi bente pesos, at gutom na gutom ako. Sa loob ng grocery, pinag-isipan ko pa ng matindi kung ano ang mas nakakabusog—sardinas o pancit canton? Iniisip ko kasi, kung sardinas ang bibilhin ko, kelangang bumili ako ng kanin. Eh sasakay pa ako ng jeep, pano yan? Tangina lang, awang-awa ako sa sarili ko. Akala ko nga, mamamayat ako dahil puro delata ang kinakain ko. Tumaba pa ata ako lalo dahil sa MSG mula sa instant noodles at canned food.

Natuto din ako na hindi na kumain ng dinner. Dahil pag gumimick, puro dinner-dinner-coffee-coffee. Nagsawa na ako sa kakasagot ng, “It’s ok, I ate already.” kahit sobra na akong gutom. Ayoko naman sabihing, “Eh wala akong pera eh!” dahil hindi ko ma-stand ang pitying look that crosses the person’s face and the offer na “I-libre na lang kita!” each time I confess na wala kasi akong pera. Hanggang sa nasanay na lang din, na kahit may extrang pera, di na lang din talaga ako kumakain dahil totoong hindi ako gutom. Aba, ilang buwan na din akong hindi kumakain ng dinner—kahit nasa bahay ako. Magandang practice eto. Tipid na, nakakapayat pa. =)

Nung talagang wala na akong makuhang project, pumunta na ako sa isang call center at nagpa-interview. Talagang nilunok ko lahat ng mga sinabi ko dati tungkol sa call centers. Pero, kung wala kang pera, wala kang karapatang mag-mayabang…lalo na kung may mga taong naka-asa saýo. Kung wala akong kita, hindi lang ako ang walang kakainin, pati mga magulang ko sa probinsya, di ba?

Natanggap naman ako doon, pero hindi ako doon nag-trabaho. Hindi kasi ako pwede don sa initial starting date na ni-set nila, dahil may isa akong nakuhang raket bilang Production Assistant sa isang shoot sa Davao. Kaya one month after the day I was hired yung bagong starting date na binigay nung call center. Pagbalik ko galling Davao, syempre isang buwan pa ang ipag-hihintay ko. So anong gagawin ko sa interval na yun? Pumasok na lang ako sa isa pang call center bilang Temporary HR Data Encoder. Opo, taga-type ng records ng mga empleyado ng call center.

Medyo nahihiya ako nung una that I was reduced to that. Pero ayoko kasi ng kahit anong binding na kontrata. At least yung trabahong yun eh pang-isang buwan lang, pero subject to extensions naman kung pwede ako. Sobra kong in-apply ang Attitude of Gratitude. Kahit page-encode lang, kinacareer ko. Pumapasok ako kahit linggo ng hindi nagla-login minsan. Nung nalaman nilang nagsusulat ako, pinagawa naman nila sa akin yung manuals ng HR, at masaya ako dahil natuwa naman sila. More than 3 months din akong nagtrabaho don—meaning, di na ako tumuloy mag rep. don sa unang call center. Bago ako umalis sa PeopleSupport, kausap ko pa yung Employee Services Manager, at sabi nya sa akin, “Gawa ka pa din ng projects dito kung pwede ka ha!”

Blessing din yung raket na yun sa PeopleSupport, kasi sa sobrang dali ng pinapa-sulat nila (mga manuals lang naman para sa Employee Services), natatapos ko kaagad, at meron akong libreng oras para gawin din ang aking mga raket. Para bang nakiki-gamit na lang ako ng Internet at computer ng libre. Iniisip ko, hindi ko naman sila iniisahan kasi binabayaran nila ako bilang Encoder lang, eh ang trabaho naman na ginagawa ko para sa kanila eh pang-writer, di ba? So, imbes na singilin ko sila ng extra, yun na lang ang pambawi ko. =)

Ngayon, nandito na ako sa trabahong eto (FMA) na sobra kong mahal (imagine, inuwi ko pa laptop ng boss ko pati ang mga librong kelangan kong basahin, tapos nagtrabaho ako dito sa bahay). Plus mga raket namen ni Ronnie. Tapos, may tumawag pang isang production house sa akin nung isang araw—AllMedia–at pinapupunta ako dahil may ibabato daw silang project sa akin (di ko pa sila nakilala kahit kailan. Nagpadala lang ako ng resume a few weeks ago)

SIGH.

The events in your life are happening in the PERFECT order. Sabi nga sa pelikulang American Beauty, “Everything that’s meant to happen will, eventually.” Nagkakaroon na ng porma ang isang goal sa isip ko dahil sa mga pangyayari nung mga nakaraang buwan. Sana nga I’m on the right track and that this is the right time.

Tapos, hinayaan ko nang maputol ang linya ko sa cellphone at nag-balik-prepaid. Kaya ko naman siguro mag-survive ng hindi naka-linya, dahil nagagawa ko naman yun dati. Naalala ko tuloy yung pelikulang “Gods Must Be Crazy”, kung saan yung mga tribe mates ni Nixao eh naga-away dahil sa lahat sila nagkaroon ng need doon sa Coke bottle na hindi naman nila kelangan dati. Nung nakaraang lingo, in-analyze ko kung ano ba ang mali sa pag-handle ko ng finances. Wala naman akong binibiling gamit, pero lagi akong walang pera. Naisip ko na bayad kasi ako ng bayad sa bwiset na phone bill na yan.

Ngayon, “Do away with all excesses”na ang isa sa mga bago kong rules sa buhay.



No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment