My Turf






         I write for me.

April 17, 2007

Story Pitch

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 4:00 am

On days when I fantasize about being a broadcast journalist, this is one story I’d love to produce and tell the world myself. Nung pinag-pitch ako ng storya for a documentary program, ito agad ang pinasa ko.

Story Pitch by Cheryl B. Ingles

Working Title: Ito ang Good News! (Ang Di-pangkaraniwang Pagtatagumpay ng mga ordinaryong tao ng Sorsogon) 

     

May isang napakagandang pryoketong inilunsad kamakailan lang sa probinsya ng Sorsogon sa Bicol. Ito ay ang, “Ini an Sorsoganon” na naglalayong palawigin ang partisipasyon ng mga ordinaryong mamamayan sa local governance. Gamit ang isang payak na radio program at ang Barangay Awards, matagumpay na napatunayan ng LIKAS Foundation ang matandang paniniwala na walang imposible kapag ang mga tao ay nagbuklod-buklod tungo sa iisang layunin. With solid effort from the members of the Local Government Units (LGUs), NGOs, and the civil society, ordinary townsfolk were able to build schools, save huge forestry, provide marine life sanctuaries, and give lasting livelihood to the people of Sorsogon.

Ito ang Good News. At kailangang maipaalam sa mha Pilipinong nanlulumo at nawawalan na ng tiwala sa sarili at gobyerno na hindi sila dapat makuntento sa paghihintay ng grasya mula sa iba–sila mismo ay may kapasidad para makapagsimula ng pagbabago at gumawa ng sarili nilang Good News.

II.        Treatment

Ang buong storya ay naka-ankla sa pagpi-prisinta ng Good News. Kaya kailangan, ang general theme ay perky and festive. Music to be used is stimulating and enlivening. Fast cuts for most of the video, but the end part will be a mix of nostalgia, drama, and encouragement. Kailangang mapaniwala ng storya ang manonood na maraming Good News ang nagaganap sa iba’t-ibang bahagi ng bansa—at ang mga malalaking bagay na ito ay nangyayari at nagiging posible lamang dahil sa mga ordinaryong taong tulad nya. Viewer has to feel inspired, empowered, and just raving to contribute something worthwhile to his/her own small community after watching the story.

Gusto ng storyang bigyan ng dahilan ang Pinoy para muling maramdaman ang Filipino pride. Ang ibig sabihin ng Ini An Sorsoganon ay “Ito ang Sorsoganon: Magaling!” Nais din nating sabihin na nasaan mang ang Pilipino, pwede mong ipagmalaki na “Ito ang Pinoy: Magaling!”

III.                Case Studies and Interviewees

Gusto nating marinig mula mismo sa bibig ng mga Sorsoganon kung paano nabago ng Ini An Sorsoganon project ang kanilang mga buhay. At gusto rin nating malaman kung anong mga maliliit na hakbang ang ginawa nila na nakapagsulot ng malalaki at tunay na kahanga-hangang Good News.

a.       Doctor Eddie and Mrs. Oyen Dorotan – sila ang mga founders ng Lingap para sa Kalusugan ng Sambayanan (LIKAS Foundation). Ang grupong ito ang nag-organisa ng Ini an Sorsoganon. Si Doc Eddie rin, kasama ni Binibining Irma Guhit, and host ng local radio program na nagkakalat ng good news sa buong Sorsogon.

b.       Idagdag pa ang ibang mga taong naging bahagi ng Ini An Sorsoganon  gaya ng mga staff ng LIKAS, partner NGOs, LGU officials. Idagdag din ang composer ng Ini An Sorsoganon theme (kung posible, pati na rin mga volunteer singers na umawit nito tulad nina Noel Cabangon, Joey Ayala, etc.).

c.      Mga lider ng mga baranggay na nagwagi sa IAS Barangay Awards. Sila ang magkekwento sa atin kung paano naging possible ang good news kahit walang suporta o pondo mula sa national government. 

IV.                Expected Video

§              Local scenery/ Establishing shots (best places in Sorsogon—this place has loads of natural wonders like beaches, mountains, wildlife, etc.)

§              Daily life of the Sorsoganons (we have to establish that this is the tale of ordinary people– mga mahihirap, magsasaka, mangingisda, bangkero, estudyante, housewives just like you and me before we tell the story of how small people made BIG, Good News)

§              Physical manifestations of the success of the project (the schools, the lush forests and mountains, clear waters, blossoming marine life, micro-finance enterprises like piggeries, cooperatives, etc. which were made possible through the project )



No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment