What’s wrong?
Pieces of broken hearts and dreams of a shared future seem scattered everywhere.
Para kasing nowadays, ang daming nakipag-break o brineak-an. May mga na-reject, mga busted. Anong meron sa buwan ng Hulyo at meron yatang excess supply of saline sa mundo?
‘Di man kasing-bigat ng nangyari sa ilan sa aking mga kaibigan, I also went through my own heartbreak recently. Hindi na lang ako mage-elaborate masyado dahil sa maraming aspeto eh kahiya-hiya ang mga detalye. Sabihin na lang nating ang buong kwento ay masa-summarize sa mga linyang, a) "Wala kasi akong commitment"; b) "Mahihirapan ka lang sa akin"; at c) "Mayroon kasing kailangang pag-daanang proseso (na sa isip-isip ko noon eh Beep-beep! Bullshit alert!) Tapos, ang mga sumunod na tagpo ay parang halaw sa isang silent film–various soundless scenes of me sitting on the asphalt and crying (habang may humahaplos-haplos sa blonde kong buhok at paulit-ulit na nagsasabi ng, "Sorry…sorry."), me sitting on the living room sofa and crying, me having lunch alone at Jollibee and crying, etcetera, etcetera…
Siguro sa mga ganitong malulungkot na sitwasyon, the hardest question to answer is, "Bakit ganon?!!" This encompasses a million other questions gaya ng "Anong nangyari? May nagawa ba ako/ hindi nagawa? Kelan huminto/ nagsimula? Bakit madali/ mahirap? Sino? Paano? Paano na? ANG DAYA!" Hindi mo kasi mapa-process hanggang hindi mo naiintindihan. Minsan, naiintindihan mo man, hindi ka pa ring sumasang-ayon doon sa ipinapakain sa iyong eksplanasyon, justification, o pathetic excuse.
Sabi ng nang-iiwan, "It’s all for the best." Pero ano ang pakiramdam ng taong iniiwan? It may be best for you, pero paano ako?
Ang pinakamasakit siguro sa lahat ay yung proseso ng pagpapa-galing, yung pag-daan sa iba’t-ibang emosyon. Una, masakit lang. Hurt ang ego. You feel really insulted. You resort to self-deprecation in an effort to understand the person or justify the snub. "Ganon ba talaga ko ka-panget, ka-walang kwenta, ka-boba, ka-sama…Baka nga may mali sa akin?"
Tapos, excruciating agony. Kasi miss na miss na miss na miss mo yung tao. Kahit saan ka malingon eh may alaala niya, pakiramdam mo there’s nowhere to hide! You try your best to divert your attention: magbubukas ka ng TV, magbabasa ng libro, manonood ng sine, makikipag-inuman kasama ng barkada, pupunta sa mall, pupunta sa beach, uuwi sa probinsya, magfu-food trip… Kaso bwiset, kasi sa lahat ng mga aktibidad o lugar na ito ay nakasama mo na rin sya, kaya mare-realize mo lang lalo how lonely, how different these are without the person! Depende na lang siguro sa personalidad mo kung paano mo iha-handle ang stage na ‘to. Either mangungulit ka ("Talk to me please!" o di kaya naman, "Tangina mo, gago ka! Mamatay ka na sana!") Minsan, you’ll resort to guilt-tripping–isusumbat mo lahat ng mabubuti at mga sakripisyong ginawa mo para sa kanya. Or if you wish to (pretend to) exude classic inner strength, pangha-hawakan mo whatever little pride’s left in you at titikisin mo sya… Tititigan na lang ang telepono kahit kating-kati ng magtext. Palalabasing kaya ang deadma kahit hindi. Gusto mong iparamdam doon sa taong nanakit sa’yo kung gaano kalungkot ang magiging buhay nya in your absence (malas mo na lang kung ma-realize nyang mas masaya pala sya ng wala ka!)
Sunod naman ay galit. Sobra-sobrang galit. Lalo na pag ikaw yung "dumpee." Hala! Bura sa Friendster. Bura sa YM (sabay lagay sa ‘Ignore’ list). Bura sa phonebook (eh tang’na, kabisado mo din naman yung number kaya minsan useless ‘to. Yun nga lang, may munting comfort in not being able to see that name displayed on your phone screen). Bura ng messages sa email at cell inbox. Delete ng pictures. With matching tulo ng luha, hikbi at unabated panggigigil habang nagpipi-pindot sa keypad at keyboard! Tapon, punit, basag!
Kaya talagang mas nakakapikon lalo kung yung "dumper" eh aali-aligid pa! Dahil mas nakakainis pag half-baked yung paglayas. Hindi mo maintindihan if he’s just after an ego boost and he enjoys seeing you suffer because of him. At hindi mo ma-reconcile yung "concern" na ipinapakita with the fact na, pootek, "Hello?! Kaka-iwan/ Kaka-reject mo lang sa akin, remember?" Kaya talagang perfect ang lyrics ng mga kantang "I Don’t Want to Be Your Friend" at "Separate Lives," kasi totoo yun. Kung ikaw ang nang-reject o nang-iwan, give the person you just hurt a break at wag ka na magpaka-nice! By being around, you’re just making it more difficult for him/ her to heal and get on with life after you.
Hay.
Sa ngayon, pakiramdam ko naman tapos na rin ako sa galit at bitter stage. Being the infallible positivist that I am, iniisip ko na lang na malamang maganda-ganda ang bawi ng ubod ng panget na experience na ito. Naiinis at nalulungkot lang ako na wala namang ibang dumadating to somehow make me feel less ugly or less unlikeable or less desperate. Minsan, naiisip ko nang malapit na malapit na kong maniwalang totoong hindi lang ako meant for relationships or I’m no girlfriend material. Kasi after all that happened, I couldn’t help but ask, "Am I that unloveable?"
Sana, dumating din ang panahon na everytime I become self-deprecating, there’ll be someone who’ll say, in all honesty, "On the contrary…"
Shet. Nasaan ka ba naman kasi?
