My Turf






         I write for me.

November 16, 2007

Digital Karma

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 3:12 am

I have always been a true believer of this idea.

Marami akong kwento tungkol sa aming recent trip to Camiguin (na nagkaroon pa ng side trips to Cagayan de Oro and Bukidnon!), pero isang part lang muna ang ishe-share ko ngayon. Excited lang akong ibahagi ang nangyari sa akin pagkabalik namin mula sa lakad na iyon.

Cebu Pac: Palpak!

Ang schedule ng uwi namin ay November 4, Sunday. Nakalagay sa aming

Cebu Pacific ticket na ang alis ng eroplano ay 17:30. Bago mag-alas dose ng tanghali ay nilisan na namin ng aking mga kasamang sina Sunshine, Herbert, Anya at Raz ang Seascape Resort sa isla ng Camiguin kung saan kami nag-stay for 4 days and three nights. Pero talagang hindi guarantee na pag maaga kang umalis ay maaga ka ring makararating. “Series of Unfortunate Events” ang nangyari sa amin. Una, na-miss namin by a few minutes ang 12 PM ferry papuntang Misamis Oriental kaya kinailangan pa naming hintayin ang kasunod na aalis ng 1 PM. Ayos lang naman sana. Balak din naman namin talagang mananghalian muna dahil ubod ng haba ang biyahe mula Camiguin hanggang Cagayan de Oro kung saan kami sasakay pabalik ng Maynila. Pagsakay namin ng ferry, kataka-takang mahigit 30 minutes pa bago ito umalis! Noon pa man ay medyo kinakabahan na kami dahil mahigit isang oras ang biyahe ng Ferry at alam din naming mula Balingoan sa Misamis Oriental, dalawang oras ang biyahe hanggang Cagayan. At hindi pa ito dyan nagtatapos! Mula sa bus terminal ng CDO, halos isang oras pa ulit bago makarating ng airport.

Pagdating naming sa Balingoan, umaasa kaming makakasakay ng “express” van na mas mabilis dederecho sa CDO. But no! Wala atang mga vans na ganito pag linggo! So no choice kami kundi sumakay sa bus. At punyeta, ang bus na ito ay 100 years pang nag-puno, at kahit na nung nakaalis na, hinihintuan niya yata ang lahat ng nilalang na may dalawang paa! Susmaryosep!

Palapit na ang alas-4 ay nasa bus pa rin kami. Si Herbert, na nakaupo about 3 or 4 rows from where Anya and I were, ay kulit ng kulit na sabihin namin sa mamang bus driver na dalian nya dahil mami-miss na namin ang aming flight! Hiyang-hiya man (ayaw ko kasing mag-mukhang spoiled, bruhilda Manileña asking manong driver to please, please hurry up!), kinapalan ko na rin ang mukha at nagmakaawa sa driver na pakibilisan.

Hindi ko alam kung hindi nya ako naintindihan o nananadya sya, pero ang langyang tsuper, nakuha pa talagang huminto at MAGPA-GAS!

Doon na kami nag-desisyong bumaba at patakbong nagkakakaway sa mga taxing dumadaan! Ganon siguro ang feeling ng nasa Amazing Race! Kaya mo pa rin palang tumakbo kahit may mala-semento sa bigat na gamit sa likod mo!

Mabilis naman kaming nakakuha ng taxi. Si Herbert nakipag-deal agad kay Manong. “Pag nakarating tayo sa airport in less than 45 minutes, babayaran ka namin ng 400!” Inspired sa cash reward, harurot to the max naman si Kuya! Ang highways leading to the airport ay zigzag-zigzag na parang sa Baguio, pero queber! Tapak sa silinyador, busina dito, busina don! Nasa loob pa lang ng taxi, pinag-usapan na kung sino sa amin ang pwedeng magmakaawa sa mga taga-Cebu Pacific. At napag-desisyunan na nga na sa aming apat ay ako na lang ang makikiusap. May grand plan pa kami na iiwanan ko na ang bag ko sa kanila para mas mabilis na makatakbo patungo sa counter.

Pagdating sa gate ng airport, ang security guard ayaw papasukin ang taxi namin! Halos makipag-patayan na kami sa sobrang galit! Pootangina, alas-5 na at 5:30 ang flight namin—tapos ayaw mo kaming papasukin?! Iginigiit ng gwardiya na nakalipad na daw ang huling eroplano. Sabi naming, “Imposible!” sabay wagayway ng aming mga e-tickets sa mukha nya. “5:30 ang nakasulat, Manong. 5:30!!!

Pagkabukas nya ng gate at pag-hinto ng sasakyan sa opisina ng Cebu Pacific, kaagad akong lumapit sa mga staff doon at naghahanda ng magpa-cute, magmakaawa, lumuhod, umiyak…

“Nakaalis na po yung eroplano.”

“Ano? Eh di ba 5:30 pa ang schedule?” (Kasi alas-5 pa lang noon)

“Ang rule po kasi natin, magko-close na ang counter 45 minutes before the scheduled flight. Nung wala na pong nag-check in, pinaalis na yung eroplano. ”

Anaknamp…

Talagang mas naka-relate ako sa mga sumasali sa Amazing Race. Ganon pala ang pakiramdam ng masabihan na tapos na, wala ka nang magagawa. Parang lumilinya sya ng, “Sunshine. Che. Anya. Herbert. You were the last team to arrive…You’ve just been eliminated from the race.”

At eto pa ang masama. Ang next available flight ay Tuesday. TUESDAY! Trapped kami sa Cagayan de Oro ng 2 dagdag na araw. At ang masama pa dito, magda-dagdag pa kami ng tigda-dalawang libo para sa bagong tickets! Wala na kaming pera, wala na kaming malinis na damit—tapos mage-extend kami ng dalawang araw sa CDO?! Waaaa! 

Nanlulumo at pagod na pagod, parang mga talunan kaming umupo muna doon sa saradong kantina katapat ng Cebu Pacific. Kanya-kanyang tawagan sa mga kaibigan at kamag-anak. Saan kami titira? Saan tayo hahagilap ng cash? Anong susuutin natin?

Buti na lang ang kapatid ni Anya ay may malapit na kaibigan na taga-CDO. Sinundo kami ni Baba sa SM Cagayan at inilibot sa magagandang puntahan sa Cagayan (hinatid pa ka kami ng mga taga-Cebu Pac sa SM. Naawa siguro sila sa mga itsura namin). Tinulungan nya rin kaming makahanap ng maganda at murang hotel. Tinuruan nya rin kami ng mga pwede naming pasyalan habang naghihintay sa pagdating ng Tuesday.

We tried our best to enjoy the extension. Ito nga ang dahilan kung baket nakarating pa kami ng Bukidnon—sa Monastery of Transfiguration in Malaybalay and the Del Monte Farm in San Miguel. Men, I liked Bukidnon a lot more than Camiguin! No offense meant, but really, I thought Camiguin was quite disappointing. (saka ko na ikekwento kung baket ko nasabi ito).

Anyhoo.

Eh di dumating na nga ang Tuesday. 6:30 AM ang flight namin. Monday night pa lang, nagpa-reserve na kami ng sasakyan na aalis ng alas-4 para ihatid kami sa airport. Nagpa-wake up call pa kami ng 3 AM at nagsipag-ligo na bago matulog para masigurong hindi na kami male-late sa check in.

Pagdating sa airport, 5 AM pa pala pwedeng pumasok! Parang ang sarap murahin nung mga tao sa hotel kasi hindi man lamang sinabi na may ganitong rule pala! Kahit halos mag-yelo na kami dahil sa lamig, naghintay pa tuloy kami ng mahigit 30 minutes sa gate!

Habang hinihintay namin ang aming mga tickets (na hindi ko alam kung baket halos isang oras prinoseso eh naka-reserve na naman ang mga iyon Sunday pa lang!), we were innocently reading the signs on the door—you know, stuff you’d usually do while you’re waiting. Biglang itinuro ni Herbert sa amin ang notice that says, “Beginning November 2, Flight Chorvaloo will leave at 17:00.”

POOTEK TALAGAAAA!

Langya ‘tong Cebu Pacific na ito! Pinalalabas pang kasalanan namin kung baket kami naiwan ng eroplano, eh yun naman pala nagpalit sila ng flight schedule ng hindi man lang kami sinasabihan!

Nung kinompronta ni Herbert ang babae sa counter, ang nasagot lang nito ay, “Sir, hindi po ba kayo natawagan?” Hay nakooo. So ganon na lang yun?!

Marami na akong naririnig na horror stories about other passengers having hellish experiences with Cebu Pacific. Prior to our CDO trip, I never had reason to complain. Pero, pucha, grabe naman ang nangyaring ito sa amin. Katakot-takot na hassle at napakadaming unnecessary costs na idinulot ng unwanted trip extension caused by the missed flight: we were forced to take leaves from work, we missed a lot of deadlines, we had to pay for two extra nights at the hotel, etc, etc.! Tapos nung tanungin namin ang staff kung anong dapat repercussions nito sa Cebu Pacific, ang isasagot lang sa amin ay, “Hindi po ba kayo natawagan?” Obvious ba?! Kaya nga napa-extend kami ng 2 araw kahit ayaw namin kasi MALAMANG HINDI KAMI NATAWAGAN ABOUT THE FLIGHT SCHED CHANGE!

Naa-appreciate ko ang efforts ng Cebu Pac management to make travel fare more affordable, thus enabling more “Juan” to fly and tour the country. Pero sana naman hindi nako-kompromiso ang mabuting serbisyo pra sa konting bawas sa presyo. At sana hindi nangyayari ang pagbabago ng oras ng flight ng ni ha, ni ho ay walang ipinararating don sa passengers. Ni hindi man lang i-reimburse ang costs for the new ticket!

Digital Karma

Eh baket nga ba “Digital Karma” ang titulo ng artikulong ito?

Naisip ko lang na napakabilis ng pagdating ng mabubuting bagay na kapalit ng kamalasang nangyari sa amin sa Cagayan de Oro.

Dahil nga sa mishap na iyon, napilitan akong umabsent sa trabaho ng dalawang araw. Pagdating ng Wednesday, dala rin siguro ng pagod sa biyahe, hindi mabuti ang pakiramdam ko at napa-absent na naman. In short, 3 sunod- sunod na araw akong wala sa opisina.

Pagpasok ko ng Thursday, iniisip kong yari ako. Lalo pa ngayon na walang manager ang departamento ng Creatives, at ako bilang Supervisor ang tumatayong head ng broadcast team in the absence of a manager.

Heto na nga. Pumasok si Ma’am Aster, our Directress, sa department namin at tinawag ako sa opisina nya.

Handa na sa matinding boljak ang lola mo. Nagulat naman ako sa malumanay nyang pagsabi na, “I was informed that you submitted a letter of intent.”

Letter of intent. Nung mga nakaraang linggo kasi ay nagbabalak akong mag-apply sa bakanteng posisyon ng manager ng Creatives, pero hindi ko tinuloy dahil iniisip kong I do not deserve the position (raketera kasi ako to the max! Feeling ko di ako worthy. Hehehe). Bukod doon, wala kong alam sa Print side. Hindi ako aware sa deadlines ng paglabas ng ads sa dyaryo at magazines namin. Hindi ko pinakikialaman ang mga brochures, mga post cards na pinapadala sa kliyente, etc.

“I’ve expressed intent verbally, but I haven’t submitted a letter…” lang ang naisagot ko.

“Well, we recognize your hard work and your dedication to the chuvanels, chuvanels…we could see how well you do your job eklavoo, eklavoo…so we’ve decided to promote you to manager position…”

Para akong engot na ngingisi-ngisi habang nagsasalita sya. Syempre may ilang paalala. Dapat daw mas maging responsible pa ako. Wag na daw akong maga-absent at male-late (Lord, help me…Kakambal ko na yata talaga ang kabagalan sa pag-kilos).

Hindi ko nga yata naintindihan ang kalahati ng sinabi nya. Basta tango lang ako ng tango na parang yung mga tiger na may spring sa leeg na pan-display sa sasakyan. Ang malinaw lang sa akin noon ay na-promote daw ako. Bilang Junior Manager. Ng Creatives.

Head ng isang buong department? Ng Creatives? Ako?

Lunch time na nung matapos kami mag-usap. The deal was sealed when the HR Head was called in and asked to immediately release a memo announcing my promotion.

Napakabilis kumalat ng balita. Kinabukasan, pati yung mga messengers at mga manong guards kinakamayan ako. “Hi, Junior!” pabirong bati nila sa akin.

Nung una akong nag-call ng meeting ng department, asar talo ako sa mga teammates ko, sobra! Halos hindi ako makapag-salita dahil lahat sila ay panay ang tukso ng “JM! JM!” Pero kilig to the bones naman ako syempre!

Tumawag ako sa bahay at ipinamahagi ang magandang balita. “Junior Manager na ko!”

Excited na sagot ng Nanay ko, “Ano, General Manager ka na?!”

“Hindi naman ako ganon kagaling, Ma!” Ang mga Nanay talaga, sobra ang bilib sa mga anak nila. Hehehe.

Thank you, thank you, thank you, Lord God!

Grabe, ang bilis ng bawi. Pati pala karma ngayon, digital na. J 



3 Comments »

  1. ganyan talaga che, may kapalit ang lahat…pag may good side..may dark side of the force, ika nga ng mga kaibigan nating mga Jedi. hehehe. oh, well, it’s the trip ..not the destination, ika nga. we always learn from experience. congrats sa pagiging manager!!! =)yehaaa!!!

      Rapi — November 16, 2007 @ 9:18 pm

  2. ikaw pa, JM! Lam kong kayang-kaya mo `yan!

    i’ve tagged you pala. see my post. :D

      Avi — November 20, 2007 @ 12:18 am

  3. Congrats mare! Christmas Dinner tayo and i hope before xmas naman. Forever kang di mahagilap (”,)

      Faye — November 24, 2007 @ 6:18 am

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment