My Turf






         I write for me.

December 28, 2007

Mga Titser ko sa Math

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 5:44 pm

Eh kaya naman pala lumaki ang boploks sa Math. Puro kolokoy ang mga Math teachers ko nung highschool! Hahaha.

Mga munting storya ng ilan sa mga pinaka-nakaaaliw na moments sa aming Math classes nung hayskul.

  1. Yung isang teacher namin nung second year high school was balding, fat, had a big stomach, and two weird lines on his nose (na tinatawag namin noon na “cleft nose”). Isang araw, nagalit sya sa section namin kasi panay ang hagikgikan ng mga tao kahit seryoso naman sya sa pagtuturo. Siguro napikon na sya, bigla syang sumigaw, “Why are you laughing?!” with matching unrestrained panggi-gigil. Nanahimik kaming lahat.

“Do I look like funny?! Do I look like a clown?!”

Dramatic pause.

Fade up crowd laughter, thunderous loudness talaga! Halos magkahulog-hulog kami sa upuan sa kakatawa. Kasi naman, nagtanong ka pa!

  1. Isa pa ulit na Math teacher. As always, maingay ang klase. The teacher grabbed the pencil holder, na isang globe with little holes in it. Sabay sumigaw sya ng, "Manahimik kayo! Hawak ko ang mundo!"
  2. Nauso sa mga boys namin noon ang pagpapa-lobo ng laway (oo, kahit highschool na eh ang bababoy pa rin nila!). May seatwork kami noon sa klase ni "Cleft Nose." Nandon sya sa desk nya sa harapan at may sinusulat. Itong kaklase kong si Gelo ay may-I-palipad ng kanyang saliva bubble. Eh dumapo ba naman sa batok ng nakatungong teacher! Walang makapag-react sa amin. Mataimtim naming pinanood ang pag-hawak nya sa basang bahagi ng kanyang batok. Sabay pahid. Sabay tingin sa kisame at tila nag-iisip kung ano ang tumulong iyon sa kanya. Sabay amoy sa kamay nya. NYAHAHAHAHAHA! 

Meaninglessly Adrift

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 1:09 am

Wala.

Wala akong ibang gustong gawin. Kundi tumunganga. Tumulala. Tumanga.

Tumunganga. Tumulala. Tumanga.

Ang daming parties. Christmas Parties. Birthday Parties. Party-party-han. Hindi ko pinuntahan lahat. Maski isa. Pasensya na po.

Yung mga makakapagpasaya sa akin, ayaw akong pansinin (i.e. mga kliyente kong ayaw magsipag-bayad). HOY! Sagutin niyo ang mga email at tawag ko!

Ang 13th month ko, lumipad lang sa bundok ng Tralala. Nagbabayad ako ng mga taong nagsipag-trabaho sa projects ko at mga utang na parang hindi maubos-ubos (sa mga pinagkaka-utangan ko pa, pasensya na po). Pero ang mga may utang sa akin, ayaw ako bayaran. Pootrages na buhay ‘to…

‘Langya, akala ko nung sumubok ako ng maliit na negosyo, aalwan ang buhay ko. But noooo… Marami akong natutunan, tama yun. Pero habang nandito ako sa stage na ito na hindi pa ako nakakabawi ng mga nawala sa akin…ah ewan.

Ang isang buong araw ay nauubos sa pagpapakawala ng isipan. Malayo ang nararating ng imahinasyon, pero ang mga naaabot doon ay doon lang din nananatili.

Ang daming kailangan gawin. Ayaw kong gawin. Nakakatamad.

Parang sobra lang akong pagod palagi.

Kagabi, nakatulog ako sa sofa suot pa rin ang damit na suot ko na buong araw.

At ang lungkot, lungkot, lungkot ko pa rin.

Namamaos na si Barry Manilow sa pagkanta ng "Somewhere Down the Road."

‘Nyeta. College pa lang ako, eto na ang personal anthem/ battlecry ko.

Nag-iba lang ang pinagla-laanang tao, pero ang lab song ng buhay ko hindi pa rin nagbabago.

Puro na lang, "Malay mo…" Puro "Sana naman…" Puro "Baka malapit na…"

Puro asa, asa, asa. Nakakasawa. Nakakaasar.

Excited na kong umuwi para maka-tunganga ulit. Patawa-tawa ako sa opisina, pero charot lang yun.

Oo, depressed ako (see article title for my current state of mind). 

Positivist na depressed. Pwede pala eh…

December 22, 2007

Hindi na (muna) siguro

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 5:36 am

Mahigit sa kalahati ng cellphone bill ko ay puro tawag sa’yo.

Pero natiis kong hindi ka i-text, hindi ka kausapin pagkatapos kong magalit sa’yo ng sobra-sobra nung nakaraan. Kung baga, nagkaroon ako ng matinding dahilan para iwaksi ka na sa buhay ko. Kahit text mo, nagawa ko na ring ‘di pansinin. Ewan ko lang kung nag-attempt kang kausapin ako sa YM. Hindi ko malalaman kasi nasa Ignore List kita. Kaya wag ka nang magtaka kung hindi ko sinasagot ang mga IM mo, kung meron man.

Mali talagang sumasa-sama pa ako sa workshop na yan. Sabi ko na nga ba hindi na muna tayo dapat nag-kita. Kasi don sa halos tatlong linggong wala tayong communication, pakiramdam ko nagiging ayos na ko. Tapos nung nagkasama tayo ulit don sa workshop, tatlong araw lang parang nagulo ulit, parang nasayang lahat ng lakas na inipon ko. Biglang wala na naman, biglang hindi ko na naman mapanindigan. Biglang hindi na naman kita matiis. Biglang hindi ko na naman kaya.

Pero napag-desisyunan ko na ulit na huling pagkikita na siguro yun. Kung hindi man maiwasan dahil sa parehas tayo ng mundong ginagalawan, nililinaw ko lang na hindi na tayo pwede maging mag-kaibigan. Hindi na muna. Saka na lang siguro pag okay ka na at okay na rin ako. Malungkot, oo, pero baka ito ang kailangan nating dalawa.

Kaya tigilan mo na ang pag-kamusta sa akin sa mga kaibigan natin. Wag ka na rin magparamdam. At lalong wag mo nga rin akong nila-"Love you." Ano man ang kahulugan nyan sa’yo, alam naman natin parehas na kalokohan yan.

Dati, nagiging iyakin lang ako pag lasing. Ngayon ko lang naranasan na umiyak sa kabarkada habang nagkakape at kumakain ng Krispy Kreme (desperado kasi ako kanina sa serotonin. Pero kahit chocolate-iced at cream filled donut, wala palang panama sa sobrang lungkot). Ngayon ko lang naranasan na ngumawngaw ng mahigit 20 minutos sa taxi, na pati yung driver, siguro sa sobrang awa sa akin, na-bother na eventually at napatanong kung baket naghaha-hagulgol ako. 

Ngayon ko lang naranasan makatulog sa kakaiyak. At magising na naiiyak-iyak pa rin. Ngayon lang. Sa’yo lang. 

Iba ka rin eh.

Sabi sa kanta, "Wag ka nang umiyak. Sayang ang luha." Kung sino man ang sumulat nito, pasok sya sa banga. Mahigit kalahating taon na akong ganito. Made-dehydrate na ko nyan… Kaya tama na. 

Tinext ko na sa’yo kagabi ito, pero gusto ko lang ulitin. Bilang pagtatapos, gusto ko lang malaman mo na lahat ng sinabi ko sa’yo noon, totoo yun. Hindi mo na kailangang sumagot dito, gusto ko lang talagang ipaalam sa iyo na despite all that happened, I still believe you’re a good person–you deserve to be loved and you deserve to find your happiness. Kung saan mo man mahahanap yun, ikaw lang ang makakapagsabi. 

Even if we don’t end up friends, at least I was able to tell you this. I sincerely wish you all the best.

May you find whatever it is you are looking for. Good luck and goodbye.

December 17, 2007

Happy Birthday to you!

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 2:46 am

Aba, magda-dalawang taon na pala mula nung sinulat ko ang kauna-unahang entry sa blog na ito!

Kay bilis-bilis lumipas ng funahown… 

Where art thou?

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 1:08 am

The holiday season always, always depresses me.

It’s probably because it gets me thinking about certain life facts that remain the same and do not show the slightest glimmer of hope of ever changing.

Zigh.

My laments then remain my laments now.

More than 4 years have ended since I wrote this, and not a thing has changed. Well some minute opportunities came and went, but none brought the person I wrote about on that lonely evening of 2003.

Who are you? Where are you? Do you even exist?

Boo-hoo.

End note:

Well, I was given momentary reprieve from my drama-queen rantings last night after the unbelievably tiring (try decorating a gigantic venue then doing tech direction immediately after–I was a useless, unmoving, terrible-headache-personified heap come program-end) company Christmas Party.

Why? ‘Cause I won a washing machine in the raffle! Wahoo! Yipee! Yay!

So there I was in my 80s attire (leggings, giant hoops, curly hair…all that jazz!), tired as an overworked horse, jumping up and down like a lunatic in front of the tech booth! Hehehe. 

I’ve never won a thing in any raffle, so I am taking the fact that I won a decent appliance this year as a sign that my luck is finally turning. 

Happiness! Thank God for small joys. :-)

December 12, 2007

Tumigil na nga kayo!

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 7:06 am

Yang reklamo na yan sa mga Presidente ng Pilipinas, hindi na natapos-tapos. Lahat na lang ng pangulo, gustong ipatanggal. Lahat na lang ng pangulo, gusto patalsikin. Lahat na lang ng malagay sa pwesto, gusto pabagsakin.

Ako din tulad ng karamihian sa kakilala ko, sukang-suka na sa walang katapusang pagre-reklamo. Pwede bang magpatapos naman tayo ng isang term? And if only for the fact na hindi pushover itong si Gloria at hindi sya makaya-kaya ng mga oportunistang nagpapapansin lang din naman at naghahangad maupo, parang mas gusto ko pang manatili na lang si Arroyo dyan. Yes, despite the countless accusations being hurled at her presidency.

Hindi pinuno ang mali sa bansang ito kundi mindset: ang pakiwari ng Pilipino sa sarili nya. Ang pagtinging second-class citizen sya sa sarili nyang bansa. Ang palagay na hindi nya kaya at wala syang mararating at responsibilidad ng gobyernong pakainin, bihisan at pag-aralin sya–kaya kahit may kapasidad naman syang gawan ng paraan ang sarili nyang sitwasyon (nakakabili nga sya ng latest cellphone model, lagi syang may load at unlimited pa, laging may pang-handa tuwing piyesta, nakakabili ng DVD player at kumpleto ang DVD collection, nakakagawa ng paraan para magkaroon ng pang-bili ng alak at pulutan gabi-gabi), hindi nya gagawin. Kasi ang nakatanim sa isip nya, at araw-araw na ipinaalala sa kanya ng radyo, telebisyon at dyaryo, na ganyan ang buhay mo dahil kasalanan ng gobyerno. Lahat na lang, kasalanan ng gobyerno. Kahit ikaw naman itong tamad at gawa ng gawa ng anak (eh sabay tinutuligsa pa ng simbahan ang paggamit ng contraceptives tapos hindi naman tutulong sa pagpapakain ng libo-libong batang anak-mahirap), kasalanan pa rin ng gobyerno.

Eto na lang, classic example ng never-ending finger-pointing. Pasintabi lang po sa marami kong mga kaibigang naninirahan at naghahanap-buhay abroad. I do not mean to offend the OFWs, pero nakakapikon lang kasi ang ilan sa inyo na nagde-demand ngayon ng special exchange rates kasi daw dahil sa laki ng inilakas ng piso, lumiliit na ang value ng ipinadadala niyo sa inyong mga kamag-anak dito sa Pilipinas. Eh leche naman o! Nung naghihikahos ang ekonomiya ng bansa, when the ship was sinking, you were the first ones to jump out. Kayo itong angal ng angal na walang pag-asa ang Pilipinas kaya kayo umalis, gusto nyo ng mas magandang buhay. FINE. Nung bagsak ang ekonomiya, sinisi ang gobyerno dahil “napilitan” kayong mangibang-bayan. FINE. Pero ngayong maganda ang takbo ng ekonomiya, sinisisi niyo pa rin ang gobyerno kasi the peso became stronger, thus making your remittances lower in value? Sa totoo lang, ilan lang ba sa inyo na pagtulong sa bansa ang dahilan ng pag-alis? Hindi ba tuwang-tuwa pa nga kayo noong mga panahong lugmok ang bayan kaya naghihingalo ang piso, nung umakyat mula sa 25 to 40 to more than 50 ang value ng peso against the dollar?! Tapos ngayon ang lakas ng loob mong humingi ng special exchange rate?!! ‘Ta naman! Wag naman sanang masyadong selfish!

Sa totoo lang, mas gusto ko na lang munang mag-focus sa maliit kong mundo–gawin ng maayos ang trabaho ko, wag lumabag sa batas, maging mabuti sa kapwa, magbigay ng makakayang tulong kahit limitado. Feeling ko, mas productive ako bilang Pilipino sa pagiging simpleng mamamayan. Kesa gagawa ako ng isang napakalaking hakbang na mamemerwisyo ng isang katerbang taong ni hindi man lang sumasang-ayon sa akin? Bakit ba ipinagpipilitan natin ang gusto natin sa iba? Porke ba may iba silang pananaw ibig sabihin nagbubulag-bulagan na sila or they love the country less? I’m sorry, but I really do not think so…

Bakit pag tayo (the so-called "educated" ones) ang namili ng lider, e.g Chief Justice Puno, dapat tanggapin ng lahat ng Pilipino? Sino ba ang nagsabi sa atin na gusto rin nila si Puno? Kilala ba nila si Puno? Tapos kekwestyunin natin ang pandaraya noong eleksyon, ang legitimacy ng gobyerno ni Arroyo. Ano ang kinaibahan noon sa pagpupumilit nating palitan sya ng isang lider na tayo-tayo lang naman ang pumili? Paano magiging stakeholders sa effort ang mas nakararami kung tayo-tayo lang naman ang nagkakaintindihan?

Bakit pag opinyon ng mga “intellectuals,” mga nakapag-aral, agad ipinapalagay na yun din ang opinyon ng masa? Hindi kaya nagmumukhang yan ang popular opinion kasi ang mga taong nagpapakalap ng ganitong ideya ay yun lang may mga access sa iba’t-ibang media—malalakas ang mga boses kasi mayayaman o makapangyarihan. Nagpapanggap na para sa pag-asenso, pero ang totoo, bini-breed lang ang feelings of anger and despair to the people who do not have the means or even the access to voice out their dissent. Pag may mga magagandang pangyayaring naganap dahil sa effort ng gobyerno, hindi ibinabalita. Inaaba ng inaaba ang mga mahihirap, sinasabing hindi sila pinapansin ng gobyerno—eh, pootek, kung ganyan ka pala ka-concerned, aba, bigyan mo nga ng espasyo sa TV, radio, dyaryo ang mga taong sinasabi mong “kawawa” para marinig naman sila! Ni hindi nga nila nababasa ang mga “email” mo tungkol sa kanila. Ni wala nga silang access sa computer. Tapos nagsasalita ka na para bang kilalang-kilala mo sila, that you really feel for them, that you are certain they share your anger. When, for all you know, they really don’t give a shit cause they are pre-occupied with other things that are of greater importance to them.

Sabi ng ilang mga kaibigan kong nagtatrabaho sa mga malalaking bangko at pribadong economic firms, maganda nga daw ang kasalukuyang takbo ng ekonomiya. Sabi pa nga ng economist friend kong si Kathy na isang henyo sa paga-analisa ng trends sa national at international market, napakalaking posibilidad na magtutuloy-tuloy ito sa mga susunod na taon. AT zero, ubos na, WALA NA tayong utang sa IMF. For the first time in the history of the Philippines. Dinugo daw ng husto ang Bangko Sentral at kailangang kumayod ng doble para bawiin ang losses caused by paying off all the debt, pero at least, hindi na tayo magwo-worry sa mga interes ng utang na kung hindi binayaran ngayon eh mamanahin pa ng mga kaapo-apuhan natin. Eto naman ang nakakatuwang opinyon ng kaibigan kong si Lala, isa rin itong eksperto na nagtatrabaho sa isang multinational bank, na isinulat nya sa kanyang blog:

“Pwede bang maghintay na lang tayo ng 2010?!?! Ang taas ng piso, ang daming trabaho, ang daling umutang sa bangko, ang daming 0% installment offers sa mall, ang daming mall, ang daming kotse sa daan, boom ang real estate so mas madaling magkabahay at ang daling sumakay ng eroplano dahil sa talamak na mga airline promos…. sa palagay ko naman, kung masama talaga ang gobyerno, hindi tayo makakatamasa ng mga ganito.”

Syempre may hihirit dyan na isang rekwa pa rin ang mahirap, walang makain, walang matirhan, may kalunos-lunos na kalagayan. Ang sa akin lang, hindi naman kasi pwedeng lahat tayo eh sabay-sabay uunlad. Syempre dahan-dahan yan, depende sa sikap, depende sa mga oportunidad na dumating, depende sa diskarte. Malaking factor ang national government, pero hindi helpless ang isang indibidwal. Kasi napaka-impatient natin eh. Gusto natin lahat NOW NA. Gusto lahat BIG RESULTS. Yung mga maliliit na steps towards improvement, pinagtatawanan, nire-regard as insignificant instead na i-encourage. Focus ng focus sa mga palpak ng national government, pero hindi binibigyang pansin ang halaga ng local governance. Bine-brainwash ang mga tao na kumontra ng kumontra, ichina-channel ang effort ng mamamayan sa pag-sali sa mga protesta when there are so many good, albeit small, projects that would yield positive, concrete results that need volunteers. Ang support, ang muscle, ang pera, mas inilalagak sa pag-laban sa kung ano-anong mali sa taas kesa sa pagpa-participate at pag-suporta sa mga initiatives na tama. You want governance to work? Maket it inclusive. Make it participatory. For Pete’s sake, STOP making people feel that they are the problem instead of a GREAT, VITAL PART OF THE SOLUTION.

Naniniwala ako sa konsepto ng Tipping Point. Ang maliliit na bagay, pag compounded, could lead to unbelievably great things in the future. Ibinahagi ni Malcolm Gladwell na author ng librong Tipping Point kung paano napababa ng sobra-sobra ang tila hindi masolusyunang krimen sa New York noong ’90s. Nilinis ng head ng police department ang grafitti sa mga train station at hinuli lahat ng tumatakas at sumasakay ng walang bayad sa mga tren. Parang nakakatawa, parang imposible. Pero totoong nangyari. At nagtagumpay. Umaasa akong ang maliliit na positibong hakbang eh magkakaron din ng ganitong resulta. We have to start popularizing the essence of self-empowerment–yes, in our own small circles, or whatever number of people we could reach, regardless of magnitude. Kung hindi natin mare-realize ang ating sariling significance—the importance of our individual contributions as citizens of this country, even in our personal and professional affairs, no matter how humble–at patuloy na iaasa ang buhay at kapalaran natin sa kasalukuyang liderato, magpapalit lang tayo ng magpapalit ng Pangulo pero hindi tayo uusad. Dahil walang Presidente, gaano man kagaling, ang kayang kumayod para sa isang buong bansa.


Hindi ko dine-deny na may masasamang nangyayari sa bansang ito, pero pinipili kong ituon ang atensyon ko sa ibang bagay, mas gusto kong gawin ang sa tingin ko ay kaya ko at mas makakatulong ako. Makipag-cooperate sa gobyerno by being a good Filipino. Maghanap ng good news, mga best practices na mula sa grassroots at gawan ito ng dokumentaryo. Ipagpatuloy ang aking maliliit na projects na kahit papano, nakakapagbigay ng “raket”, extrang kita sa mga walang trabaho. Ayan ang gusto kong gawin. Agree ako sa napakagandang isinulat ng ad industry bigwig na si Mr. Willy Arcilla: by merely doing a little extra and adding a little heart to tasks we already do very well, we are contributing to the seemingly insurmountable task of nation-building.

Kaya mas gusto ko na rin na tapusin na lang ni GMA ang 2010. I do not heed calls for another “People Power” to topple this government because I don’t think it’s a step forward. Ginawa na natin yan. Dalawang beses na. May nagbago ba sa Pilipinas? Umunlad ba ang Pilipino? Hindi.

Kasi ang progreso, hindi lamang nasa liderato, kundi nasa bawat tao. The previous People Power movements led to a change in leadership, but none led to a change in mindset which could bring about REAL, long-lasting, sustainable development. The moment the Filipino realizes that the course of his life is for him to decide, that the amount of bullshit he is willing to take and swallow is for him to determine, that how his situation changes from awful, to okay, to GREAT depends on him and him alone–now THAT is People Power.

The perpetuation of the belief that our destinies and the status of the country in general lies in the hands of others, in this case the government, HAS GOT TO STOP. We are not helpless people, so sheesh, stop trying to “rescue” us.

Pustahan tayo, kung magtagumpay man ang pagpapa-talsik kay Arroyo, bumilang ka lang ng buwan, magkakaroon na naman ng katakot-takot na pag-aaklas para patalsikin naman ang papalit sa kanya.
Then the oh-so fed-up Pinoys and Pinays will just roll their eyes and say, “Tangna, eto na naman tayo…”