My Turf






         I write for me.

December 22, 2007

Hindi na (muna) siguro

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 5:36 am

Mahigit sa kalahati ng cellphone bill ko ay puro tawag sa’yo.

Pero natiis kong hindi ka i-text, hindi ka kausapin pagkatapos kong magalit sa’yo ng sobra-sobra nung nakaraan. Kung baga, nagkaroon ako ng matinding dahilan para iwaksi ka na sa buhay ko. Kahit text mo, nagawa ko na ring ‘di pansinin. Ewan ko lang kung nag-attempt kang kausapin ako sa YM. Hindi ko malalaman kasi nasa Ignore List kita. Kaya wag ka nang magtaka kung hindi ko sinasagot ang mga IM mo, kung meron man.

Mali talagang sumasa-sama pa ako sa workshop na yan. Sabi ko na nga ba hindi na muna tayo dapat nag-kita. Kasi don sa halos tatlong linggong wala tayong communication, pakiramdam ko nagiging ayos na ko. Tapos nung nagkasama tayo ulit don sa workshop, tatlong araw lang parang nagulo ulit, parang nasayang lahat ng lakas na inipon ko. Biglang wala na naman, biglang hindi ko na naman mapanindigan. Biglang hindi na naman kita matiis. Biglang hindi ko na naman kaya.

Pero napag-desisyunan ko na ulit na huling pagkikita na siguro yun. Kung hindi man maiwasan dahil sa parehas tayo ng mundong ginagalawan, nililinaw ko lang na hindi na tayo pwede maging mag-kaibigan. Hindi na muna. Saka na lang siguro pag okay ka na at okay na rin ako. Malungkot, oo, pero baka ito ang kailangan nating dalawa.

Kaya tigilan mo na ang pag-kamusta sa akin sa mga kaibigan natin. Wag ka na rin magparamdam. At lalong wag mo nga rin akong nila-"Love you." Ano man ang kahulugan nyan sa’yo, alam naman natin parehas na kalokohan yan.

Dati, nagiging iyakin lang ako pag lasing. Ngayon ko lang naranasan na umiyak sa kabarkada habang nagkakape at kumakain ng Krispy Kreme (desperado kasi ako kanina sa serotonin. Pero kahit chocolate-iced at cream filled donut, wala palang panama sa sobrang lungkot). Ngayon ko lang naranasan na ngumawngaw ng mahigit 20 minutos sa taxi, na pati yung driver, siguro sa sobrang awa sa akin, na-bother na eventually at napatanong kung baket naghaha-hagulgol ako. 

Ngayon ko lang naranasan makatulog sa kakaiyak. At magising na naiiyak-iyak pa rin. Ngayon lang. Sa’yo lang. 

Iba ka rin eh.

Sabi sa kanta, "Wag ka nang umiyak. Sayang ang luha." Kung sino man ang sumulat nito, pasok sya sa banga. Mahigit kalahating taon na akong ganito. Made-dehydrate na ko nyan… Kaya tama na. 

Tinext ko na sa’yo kagabi ito, pero gusto ko lang ulitin. Bilang pagtatapos, gusto ko lang malaman mo na lahat ng sinabi ko sa’yo noon, totoo yun. Hindi mo na kailangang sumagot dito, gusto ko lang talagang ipaalam sa iyo na despite all that happened, I still believe you’re a good person–you deserve to be loved and you deserve to find your happiness. Kung saan mo man mahahanap yun, ikaw lang ang makakapagsabi. 

Even if we don’t end up friends, at least I was able to tell you this. I sincerely wish you all the best.

May you find whatever it is you are looking for. Good luck and goodbye.



2 Comments »

  1. ok lang yan …in time, everything will heal…eventually …kasi yung pinagsamahan..hindi nawawala yun pero we Move on…hay, nakakasawa nang pakinggan, everytime na nirereject ako..lagi na lang na naririnig ko..”Move on” so, sabi ko naman sige, okay..kahit masakit…”move on” …o kaya “life goes on”. Either way, one must find healing, then closure, but nothing is the same again.

      Rapi — January 4, 2008 @ 9:45 pm

  2. move on….its not the end of the world,,,

      cheryl — June 21, 2008 @ 4:52 am

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment