My Turf






         I write for me.

December 28, 2007

Meaninglessly Adrift

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 1:09 am

Wala.

Wala akong ibang gustong gawin. Kundi tumunganga. Tumulala. Tumanga.

Tumunganga. Tumulala. Tumanga.

Ang daming parties. Christmas Parties. Birthday Parties. Party-party-han. Hindi ko pinuntahan lahat. Maski isa. Pasensya na po.

Yung mga makakapagpasaya sa akin, ayaw akong pansinin (i.e. mga kliyente kong ayaw magsipag-bayad). HOY! Sagutin niyo ang mga email at tawag ko!

Ang 13th month ko, lumipad lang sa bundok ng Tralala. Nagbabayad ako ng mga taong nagsipag-trabaho sa projects ko at mga utang na parang hindi maubos-ubos (sa mga pinagkaka-utangan ko pa, pasensya na po). Pero ang mga may utang sa akin, ayaw ako bayaran. Pootrages na buhay ‘to…

‘Langya, akala ko nung sumubok ako ng maliit na negosyo, aalwan ang buhay ko. But noooo… Marami akong natutunan, tama yun. Pero habang nandito ako sa stage na ito na hindi pa ako nakakabawi ng mga nawala sa akin…ah ewan.

Ang isang buong araw ay nauubos sa pagpapakawala ng isipan. Malayo ang nararating ng imahinasyon, pero ang mga naaabot doon ay doon lang din nananatili.

Ang daming kailangan gawin. Ayaw kong gawin. Nakakatamad.

Parang sobra lang akong pagod palagi.

Kagabi, nakatulog ako sa sofa suot pa rin ang damit na suot ko na buong araw.

At ang lungkot, lungkot, lungkot ko pa rin.

Namamaos na si Barry Manilow sa pagkanta ng "Somewhere Down the Road."

‘Nyeta. College pa lang ako, eto na ang personal anthem/ battlecry ko.

Nag-iba lang ang pinagla-laanang tao, pero ang lab song ng buhay ko hindi pa rin nagbabago.

Puro na lang, "Malay mo…" Puro "Sana naman…" Puro "Baka malapit na…"

Puro asa, asa, asa. Nakakasawa. Nakakaasar.

Excited na kong umuwi para maka-tunganga ulit. Patawa-tawa ako sa opisina, pero charot lang yun.

Oo, depressed ako (see article title for my current state of mind). 

Positivist na depressed. Pwede pala eh…



No Comments »

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment