Mga Titser ko sa Math
Eh kaya naman pala lumaki ang boploks sa Math. Puro kolokoy ang mga Math teachers ko nung highschool! Hahaha.
Mga munting storya ng ilan sa mga pinaka-nakaaaliw na moments sa aming Math classes nung hayskul.
- Yung isang teacher namin nung second year high school was balding, fat, had a big stomach, and two weird lines on his nose (na tinatawag namin noon na “cleft nose”). Isang araw, nagalit sya sa section namin kasi panay ang hagikgikan ng mga tao kahit seryoso naman sya sa pagtuturo. Siguro napikon na sya, bigla syang sumigaw, “Why are you laughing?!” with matching unrestrained panggi-gigil. Nanahimik kaming lahat.
“Do I look like funny?! Do I look like a clown?!”
Dramatic pause.
Fade up crowd laughter, thunderous loudness talaga! Halos magkahulog-hulog kami sa upuan sa kakatawa. Kasi naman, nagtanong ka pa!
- Isa pa ulit na Math teacher. As always, maingay ang klase. The teacher grabbed the pencil holder, na isang globe with little holes in it. Sabay sumigaw sya ng, "Manahimik kayo! Hawak ko ang mundo!"
- Nauso sa mga boys namin noon ang pagpapa-lobo ng laway (oo, kahit highschool na eh ang bababoy pa rin nila!). May seatwork kami noon sa klase ni "Cleft Nose." Nandon sya sa desk nya sa harapan at may sinusulat. Itong kaklase kong si Gelo ay may-I-palipad ng kanyang saliva bubble. Eh dumapo ba naman sa batok ng nakatungong teacher! Walang makapag-react sa amin. Mataimtim naming pinanood ang pag-hawak nya sa basang bahagi ng kanyang batok. Sabay pahid. Sabay tingin sa kisame at tila nag-iisip kung ano ang tumulong iyon sa kanya. Sabay amoy sa kamay nya. NYAHAHAHAHAHA!
hmmm…sinu yung sa number 2? nkaka tawa naman sha hahaha…
Barley — December 29, 2007 @ 4:41 am
ako may kilalang teacher sa math ..mula 1st year hanggang 4th year..hinahabol nya lagi si tito catral!!! literal na naghahabulan sila…and the famous lines na..”mr.de jesus, please get out n0w!” clue: lagi siyang ginagaya ni jayvee de jesus…hehehe. hulaan nyo na lang.
Rapi — January 4, 2008 @ 9:34 pm
kilala ko yung second year teacher na yan…”what’s funny? do I look like a clown?” i will remember those words ..hahahaha.
Rapi — January 4, 2008 @ 9:36 pm