Love Stories
Two sides of the love coin: Which story is closer to yours?
DINA
Parang back-to-back classic ang nangyari kay Dina. O kakapalabas pa lang ng drama, may rerun agad.
Matagal
bago sya naka-recover sa naunang palpak na tao. Eh kasi naman, tumunog
na lahat ng warning bells, umilaw na lahat ng warning signs, “WAG KANG MANINIWALA DYAN!” hindi pa rin bumwelta. Hayun. Ganun nga yata talaga ang nangyayari pag ipipinipilit ang alam namang hindi pwede.
Wala syang ibang nahita kay One kung hindi sama ng loob.
But one night, in the most unlikely circumstance, nakilala nya si Two.
Kabaligtaran
sya ni One sa lahat ng bagay. Ibang-ibang-iba. Honest. Openly sweet.
Kind… Believer ng karma si Gaga. Sa lahat ng sakit na idinulot ni One,
i-Two na ba ang bawi?
Fast forward to several months after…
Ni ha, ni ho, ni munting eksplanasyon, wala. Basta na lang natapos–si Two, bigla na lang nagkaron ng iba.
Potah naman. Nabola ka na nga ni One, nagpauto ka na naman kay Two?
Tsk.
TSK!
Gaga’ng Dina. Assuming kasi masyado. Galit na galit, wala namang karapatang magalit. Kung humirit si Two na, “Baket, may sinabi ba ako sa’yo?” eh wala na syang masasagot. Kasi wala nga namang sinasabi ang tao na kahit ano patungkol sa seryosohang relasyon.
Ano ba naman ang kahulugan, ‘I love you’ sa ganitong panahon? Tae na lang yun na sinasabi ng mga taong lasing na nagpapa-antok at nag-uubos ng load bago matulog.
Yung
inaakalang bawi eh pangalawang batok lang pala. Lahat ng sakit na
inisip na nawala, bumalik ulit. Back with a vengeance, stronger than
ever pa. Kung masakit yung kay One, mas masakit yung kay Two. Kasi mas
nakaka-insulto yung pinasakay ka muna ng pinasakay, saka ka ilalaglag.
Ganun na lang ba lagi? Kakapit na lang sa kahit sinong dumating kasi masyado nang malungkot ang palaging mag-isa?
Sananaman si Three, di nagaya nina One at Two.
Mawa-one-two-three na naman ba si Dina?! Ugh.
INA
28
years old na, NBSB pa rin. Sa mga maagang nakahanap ng pag-ibig at
hindi alam ang pakiramdam ng mahabang-mahabang-mahabang paghihintay sa
taong tila walang balak dumating, ang ibig sabihin nito ay No Boyfriend
Since Birth.
Galing sa mayamang pamilya. Sunod lahat ng luho. Film major sa UP. Maganda ang trabaho. Masipag, mabait, at maaasahan.
Hopeless
romantic. Isang dingding ng malaki nyang kwarto ay punong-puno ng
romance novels. Hindi naman takot magmahal. Sa katunayan, na-inlab pa
nga sya sa bespren nya dati–yung lalaking sabay na kamukha ni Ogie
Alcasid at Janno Gibbs (sabi nga ni Ina, pwede na daw syang mag-SOP
mag-isa!) Si Ina ay hindi katulad kong duwag sa blind date.
Nagpapa-setup pa nga ito sa mga kaibigan. Pero palaging walang
kinapupuntahan.
28 years old na,
NBSB pa rin. Sa dami ng hits and misses ng di mabuo-buo nyang lovelife,
dumating na ang panahon sumuko na siya. Tumigil ang mga blind dates.
Nag-kasya na lang sa munting crushes na mga cute na hombreng
nakakasalubong sa corridor o nakakasabay sa elevator.
Sa
Events department ng isang malaking TV network nagtatrabaho si Ina. Sa
isang tila ordinaryong araw, nagyo-yosi sya labas ng studio kung saan
may shooting—her usual breather from another typically backbreaking
day.
“Do you believe in magic?”
Sabi
ng isang lalaking hindi nya kilala. May hawak itong deck of cards at
naka-todo ngiti sa kanya. Kung hindi dahil sa company ID ng mokong ay
iisipin ni Inang isa syang manggagantso. Weirded out man, Ina politely
answered, “Why?”
Pinapili sya ng
isang card ni Pare. Pumili naman si Rina ng number at suit sa isip nya.
Sabi kasi ni Pare, marunong daw syang mag-magic. Kaya daw nyang hulaan
ang sagot ni Ina.
Jack of
Hearts, isip ni Ina. Hithit ulit ng sigarilyo. Sa dami ng iniisip sa
trabaho, binale-wala na lang niya ang paglapit na iyon ni Pare.
Dinismiss na lang nya ito na isa lang siguro sa mga weird na tao ng
Production na nagti-trip lang. Sa mundo ng TV, hindi naman kakaiba yun.
Tumunog ang cellphone ni Ina. May nag-text.
“Jack of Hearts.” sabi sa message.
Kinilabutan
si Ina. Pag-angat nya ng ulo nya mula sa binabasa, nandon si Pare sa
hindi kalayuan. Todo-ngiti na naman. Kung paano nahulaan ni Pare ang
sagot at cellphone number ni Ina…magic na nga lang siguro ang
makakasagot.
Tatlong taon
pagkatapos nun, tumawag sa akin si Ina. Ikakasal na sila ni Pare.
Mantakin mo nga naman! One time, big time. First and Last. One and
Only.
Isa sa mga paborito kong love quotes ay ito: LOVE EXISTS IN CORNERS—IN THE MOST OBVIOUS AND MOST UNLIKELY PLACES.
Totoo nga yatang kusang dumadating ang mga tao at bagay na hindi hinahanap…
Ikaw, naniniwala ka rin ba sa magic?
AYUN O!