My Turf






         I write for me.

October 12, 2008

Ang Panget

Filed under: Uncategorized — cheingles @ 2:37 am

“Simulan mo sa hindi magpatahimik sa iyo. Ano ang hindi mo makalimut-limutan? Ang batang gumupit sa tirintas mo? Ang luka-luka sa may tulay? Ang first sex mo na isang linggo na ang nakalilipas ay abot tenga pa rin ang ngiti mo?

 

Magsulat ka sa gilid ng bangin. E ano kung may mabulatlat kang matagal mo nang itinatago tungkol sa sarili mo. Pakawalan mo. Kaya tayo hindi makapagsulat dahil may mga ayaw tayong harapin. Buksan mo.

 

-          Trip to Quiapo,  Ricky Lee

 

 

Sabi ni Ricky Lee, hadlang sa pag-unlad mo bilang manunulat ang mga bagay na ayaw mong harapin. Napa-isip ako. Ano nga ba ang bagay na hindi ko kayang tanggapin sa sarili at lubusang lampasan?

 

Hindi ko alam kung ano ang sa iyo, pero sa akin, ito yung mga pangyayari noong taong 1992-1993. 

 

Alam mo ba kung ano ang pakiramdam ng matawag na panget? Naiintindihan mo ba kung gaano ito kasakit, ka-paralyzing?

 

Alam ko.

 

Kasi buong freshman year ko nung high school, wala akong ibang kinain sa buong maghapon kung hindi ang bansag na ‘yan.

 

I-Galileo.

 

Nasa first floor ang classroom namin. Malapit sa hagdanan paakyat sa classrooms ng grade school. Yung dalawang sections ng 1st year nasa second floor, pero hindi kami pwede doon dahil kaklase namin sina Analyn at Yo-Hun na parehas may walking disability.

 

Hindi ko kailanman makakalimutan ang classroom na ito. Ang puwesto nya sa corridor. Ang kulay abong semento. Mga desks na may plastic cover. The girls’ plaid skirts. The boys’ navy blue pants and oversized shirts.

 

Hanggang ngayon, pag may naririnig akong grupo ng mga lalaking nagtatawanan sa di kalayuan, kinikilabutan ako. Pakiramdam ko ako ang pinagtatawanan nila. May mali na naman ba sa itsura ko?

 

Mahirap maging maitim at pandak na bata sa Pilipinas. Lalo na kung makapal ang kilay mo, sungki-sungki ang ngipin, at para kang pato maglakad.

 

Na-bingo ko lahat ng characteristics na ‘yan.

 

Naging impiyerno para sa akin ang I-Galileo. Eh ano kung mahusay ako sa klase? Sa high school hindi naman mahalaga yun. Nanalo nga ako sa essay-writing contest, wala man lang nag-congratulate sa akin.  

 

Sa pilahan, ako ang nasa unahan dahil ako pinaka-maliit. Isang araw, inaasar ako ng mga kaklase dahil sa maiksi kong palda. Ni-recycle ko lang kasi ito mula sa lumang uniform ko nung Grade 6. Sabi ng classmate kong si James, “Ang iksi ng palda mo! Pero di bale, wala namang titingin dyan eh!” Tapos ginaya at in-exaggerate nya pa kung paano ako maglakad. Naka-usli at taas-baba ang puwet. Tuloy-tuloy niyang ginawa ito mula basketball court kung saan nagsimula ang pila hanggang sa makarating kami sa classroom. Tawanan ng tawanan ang mga kaklase ko. Natuyo na ang luha ko sa kakaiyak at namaos ang boses sa pagmamamakaawang tumigil na sya, pero parang hindi niya ako naririnig.   

 

Hate na hate ko ang pambansang hayop—ang kalabaw. Kasi sinasabi ng mga kaklase ko noon, mukha daw akong kalabaw. (‘Tangina, hanggang ngayon, naiiyak pa rin ako kapag naaalala ko ito.) . Tuwing dadaan ako, may bigla na lang sisigaw ng, “MOOOOOO!”

 

Ayaw na ayaw kong nakakakita ng kalabaw. Ni salitang kalabaw, ayaw kong marinig o mabasa. As a matter of fact, it really takes a lot for me to be able to type this now.

 

Break namin sa klase, kasama ko si Anna Maureen Palanca. Tapos nag manliligaw nyang si John Tan, kumakanta ng Beauty and the Beast. Ituturo niya si Maan bilang Beauty. Hulaan mo kung sino naman yung Beast.

 

Kailanman, hindi ko makakalimutan si Ivan Guacena. Hindi ko alam kung totoong napatawad ko na siya. Malamang wala syang idea na hanggang ngayon, dala-dala ko lahat ng ginawa niya. Baka nga ni hindi na niya ako naaalala. Pero ako, palagay ko hanggang sa pagtanda ko, maaalala ko siya.

 

Siya ang pinaka-malakas sumigaw ng “Mooo.” Siya ang nag-nominate sa akin bilang ‘Muse’ sa klase kasi, wala lang, funny. Siya ang bumabara sa akin tuwing recitation. Lahat ng kilos ko, may maiisip siyang koneksyon sa kapangitan. Malapit siya sa mga boys ng section dahil nakakatawa siya—tuloy, hindi nagtagal, lahat ng kaklase kong lalaki, tulong-tulong sa pagpapaniwala sa akin na ako ang pinaka-panget na tao sa buong ka-first year-an.  

 

There’s only so much pain a 13-year old heart could take. And if you’ve had more than 20 boys telling you everyday, without fail, that you are ugly…well, you just can’t help but believe them.

 

Lumaki akong dala-dala ang insecurity na ito. Hanggang magtapos ng high school. Hanggang magtapos ng college. Marami akong trabahong hindi in-applyan dahil iniisip ko, “Magaganda lang naman ang tinatanggap doon.” Kahit marunong akong magsulat o maayos ako magsalita, hindi ako nag-apply sa sales os sa TV. Isang beses, tinanong ako ng kaibigan at Broad Ass orgmate na si Joann kung baket hindi ko subukang mag-apply sa kumpanya niya bilang real estate agent. Ang sabi ko lang, “Hindi naman ako pwede don.” Baket naman, nagtatakang tanong niya ulit. Hindi na ako sumagot. Pwede ko bang sabihin na, wala naman kasing sales agent na panget.

 

Ayaw na ayaw kong hinihiritan ako tungkol sa itsura ko. Kahit maliit na birong walang kahulugan lang, apektado ako agad. Feeling ko kasi, matagal na panahon na akong naka-quota sa insultuhan sa itsura, at ang kahit anong dagdag dito ay kalabisan na.

 

Minsan, nag-sisintir ako sa isang kabigang lalaki kung baket wala akong love life. I feel so ugly, sabi ko sa kanya. “You’re a beautiful person…inside.” Gusto ko syang pukpukin ng bote. Ayoko ng makarinig ng ‘you’re beautiful inside!’

 

Marami tayong ginagawang hindi natin alam ay may malaking epekto sa kapwa natin. Eh kasi nakakatawa eh. Eh kasi gusto lang namin sumaya ng konti. Eh nagbibiro lang naman ako eh. Malay ba naman ng mga kaklase ko noon na dadalhin ko pa rin hanggang ngayon yung pang-aasar nila?

 

Bawat rejection, bawat palpak na love story, bawat bagay na hindi ko makuha, iniisip ko na kasi ang panget, panget ko. Hindi ako lumalabas ng bahay ng walang make-up kasi ang feeling ko, may mangungutya na naman sa akin dahil sa itsura ko. Minsan, hindi ako makapaniwalang hindi na ako yung high school freshman na araw-araw na lang nagse-self-pity at umiiyak.

 

But I guess there’s freedom in honesty. All my life, I’ve long avoided discussing this with anyone. Kahit sa mga kabarkada ko nung high school, hindi namin ito pinag-uusapan. Para siyang isang open secret na alam ng lahat pero walang nagbabanggit. I tend to shun anything related to the topic. When it is brought up, I’d tell the person, “Stop. It brings back bad memories.”

 

Even now, when those horrible, awful days cross my mind, even in my ‘stay positive’ disposition, I cringe. Ilang minutong pag-pikit ng mata at pagpapa-alala sa sariling hindi na ako 1st year high school at wala nang lumoloko sa akin, ang kinanakailangan bago ako muling makumbinsing the worst times of my life are over.

 

Gayunpamanm naniniwala pa rin akongang pagiging masaya ay kailangang karirin. Hindi darating ang kaligayahan na parang magic. Nagsisimula ito sa isang desisyon, at sa commitment sa desisyon na yun. At ang commitment na iyan ay hindi mo dapat bitawan, kahit may bagong bwiset na dumating.

 

“Happiness does not come automatically. It is not a gift that good fortune bestows upon us and a reversal of fortune takes back. It depends on s alone. One does not become happy overnight, but with patient labor, day after day. Happiness is constructed, and that requires effort and time. In order to become happy, we have to learn how to change ourselves.”

 

- Luca and Francesco Cavalli-Sforza

 

 

I’ve long decided to let the 1st year HS Che version go. Come to think of it, she hasn’t bothered me for quite some time—she just haunted me again after I came across those lines from Ricky Lee. Which is a blessing still, actually. As he said, honesty is an essential element in writing. And now, I’m being all-out honest.

 

Kinekwento ko sya sa’yo ngayon ng buong-buo kasi ayaw ko na syang dalhin.

 

Sabi nga nila, mentras natatakot ka sa multo, lalo ka lang nilang tatakutin.

 

Kaya yung mga multo ng I-Galileo, hinaharap ko isa-isa. Ilan nga sa mga kaklase kong isinusumpa ko noon ay matatalik ko nang kaibigan ngayon. At kung babalikan ko yung naging complete turnaround ng buhay ko, from that pathetic 13-year old girl to someone I could actually be proud of now, nagpapasalamat na rin ako because the struggle caused by that experience made the success more meaningful.

 

One of my favorite fictional characters is the film, Gattaca’s Vincent. Vincent was born with so much physical flaws that everybody believed it downright impossible for him to succeed. But he refused to play with the hand he’s dealt with and went on fulfilling his life’s dream. “For the genetically superior,” Vincent said, “…success is easier to attain. But it is by no means guaranteed. After all, there is no gene for fate.”

 

The highlight of the film for me is when he told his girlfriend, Irene, “You are the authority on what is not possible…They have got you looking so hard for any flaw, that after a while, that’s all that you see. For all it’s worth, I’m here to tell you that it is possible. It is possible.”

 

And I agree. Totally.

 

It is possible to get over trauma. It is possible to change people’s views about you. It is possible to change your own views about yourself. It is possible to end the self-flagellation.

 

For all its worth, I’m here to tell you that it is possible.

 

Now, as I busy myself trying to stay happy and looking for ways to give happiness to others, I finally, finally understand that you could somehow forget your own ugliness by focusing on other people’s beauty. And then I finally, finally realize that neither I nor the world I am in is as ugly as I was made to believe.

 

May kalayaan—at kakayahan–tayong pumili ng sarili nating katotohanan. At ang totoo para sa akin ay ito: Nagkalat ang kagandahan sa paligid. Tayo na ang bahala kung saan natin itututok ang ating mga mata.